Chapter 1

9.1K 246 49
                                    


PENELOPE ANDREA SMITH

"I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them happy" --Maya Angelou


Basa ko sa caption ni Dike sa isang post niya sa Instagram. Kasama niya si Larisa na picture, nakangiti si Larisa sa camera habang si Dike nakangiting nakatingin kay Larisa.



Napangiti ako.



Ibang klase talaga kung magmahal ang pinsan kong ito. Malokong tao si Dike, pero pagdating kay Larisa nagiiba siya. Naalala ko pa kung paano siya maging devastated noong time na iniwan siya ni Larisa. Kung devastated ako, mas malala siya. Pero hindi ko lubos akalain na babalik si Larisa, at ngayon nga, hindi na siya kilala. Napaka sakit nun para pinsan kong matagal na naghintay sa kanya. Pero ito siya ngayon, nag stay sa tabi ni Larisa.


Hay. Pagibig nga naman.




Sana all bumabalik diba. Tsk



Mukhang natraffic pa siguro ang taong hinihintay kong bumalik. Tssk. Huwag lang talaga umabot na sa limang taon ang paghihintay ko kundi baka ako na mismo ang sumundo sa kanya para magkasama na kami. Ang tagal niya! Inip na inip na ko!


Isa pa si Jazmine! Kanina pa ko naghihintay dito sa bahay pero ni anino niya! Wala pa! Nasan na ba ang babaeng iyon? Huwag niyang idahilan sakin na hindi niya alam ang bahay ko. tsk!





Ngayong araw kasi ang plano namin na pumunta sa isang rural community. At may kaibigan daw si Jaz na nakatira sa ganung lugar kaya 'yun ang pupuntahan namin ngayon. Ang kaso lang, wala pa siya! Gosh! Kulang na lang mamuti na ang mata ko kakahintay sa kanya.




Ilang minuto pa kong naghintay bago ako narinig ng busina sa labas ng bahay. Agad naman akong lumabas at taas kilay na humarap kay president.




"Hehe. Sorry I'm late." alanganing bungad niya




I sighed. Wala naman mangyayari kung magagalit pa ko. Ang mahalaga dumating na siya at makakaalis na kami.




Tumango na lang ako. "So, lets go"




"Tara"




Tinulungan niya lang ako sa pagbitbit ng mga gamit ko bago kami pumasok sa sasakyan niya. Tahimik lang buong biyahe namin. Pabor naman sakin 'to dahil mas gusto ko din ang tahimik na lugar, payapa.





Pagkaraan ng ilang minuto siya na din ang bumasag sa katahimikan namin. "Okay ka lang ba dyan?" tanong niya





Nakangiting tumango ako. "Yup. Don't mind me"



Mabait si Jazmine sa totoo lang. Wala akong maipipintas sa kanya. Kaya noong tumakbo siya bilang kandidato para sa President hindi na ko nagdalawang isip at agad siyang binoto. Kaysa naman si Misty ang iboto ko na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang maglagalag at magipon ng mga lalaki. Hindi ko nga lubos maisip kung anong nakita ni Thalia sa babaeng iyon at talagang bestfriend pa sila.




Matalino si Jazmine. Simula ng magpalipat kami ng section dahil sa kagustuhan ni Ianthe naging magkaklase na kami. At doon ko lang nalaman kung gaano naguumapaw ang katalinuhan niya, kahit si Jeremiah at Lauren na kaibigan niya, ang tatalino din. Laging silang tatlo ang nagdedebate sa recitation. At kahit si Juno napapalaban din. May time pa nga na nagtanong lang ang prof namin at nagbigay ng scenario. Pero ang apat na iyon, hindi sila nagpatalo. May kanya-kanya silang sagot. Hindi sila nauubusan ng masasabi. Pero in the end, si Jazmine ang nanalo. Sobrang paghanga ang naramdaman ko sa kanilang magkakaibigan.





MistakeWhere stories live. Discover now