Chapter VIII

15 1 0
                                    

Naglakad sila patungo sa pool, madaming tao sa kasalukuyan na naliligo. Ito kasi ang araw ng bakasyon ng mga nasa abroad, summer vacation kumbaga. Madaming turista ang nakabook pansamantala.

"How's your first day?" tanong nito sa kanya habang naka masid sa tanaw na mala asul na dalampasigan. Napakakisig nitong tingnan, may suot itong itim na sumbrero na bumagay sa puting sando nito. Kitang kita niya ang repleksiyon ng tubig ng pool sa mga mata nito. Para bang walang ibang gusto mong gawin ay kung hindi titigan ang mga mata nito.

"How did you know it's my first day?" iwas niyang tingin nang mahuli siya nitong pinagmamasdan niya ito.

"Well," sabi nito at pinagmasdan ang kanyang kabuuan, "This is the first time I saw you in a business attire, must be working."

"Yes," pagkumpirma niya dito at nagkunwaring hindi apektado sa mainit na mga matang nakatingin sa kanya. "It's fine, smooth but a bit nervous."

"Nervous of who?" tanong nito ng may ngiti sa labi. "Me?" tiningnan siya nito na para bang nanunudyo.

"Why do you feel like my world goes around you?" inis na sabi ni Nadine. Ang sarap itulak sa pool.

"I'm just kidding! Lighten up!" patawang tawa sabi nito habang taas ang dalawang kamay na para bang mayroon holdaper.

"It's annoying," sabi niya rito. Mahulog ka sana.

"I'm sorry," hinging tawad ni Stefan at pinagsakop pa nito ang mga kamay na para bang nagmamakaawa sa kanya ngunit may halong asar. "You're so cute when annoyed. Can't help it," sabay kibit balikat na ikinaikot ng mga mata ni Nadine. Madami ang mga matang nakatingin sa kanya dahil sa naglalakad sila sa tabing pool.

Ang guwapo sana nitong lalake na ito eh, kaso sobrang lakas ng kumpiyansa sa sarili. Feeling niya lahat mahuhulog sa kanya. Cheater!!!!! ngitngit na sabi ni Nadine sa sarili.

"So, people here don't treat you well?" tanong ulit nito habang sinasabayan siya maglakad. May nakita siyang lifeguards na nakaupo sa mga upuan nito, bawat isang pool ay may taga bantay kung sakali na magkaroon ng aksidente.

"They're fine, most of them. Can we just concentrate to the resort tour instead of touring my life?" sabi niya na ikinatawa nito.

"Okay."

"I've heard there's a mansion behind this resort, the mansion of the owner of the resort." Sabi nito at hinawakan siya sa kamay upang igiya sa kaliwang parte ng resort. "Can we take a look?"

"Where did you hear this gossip?" napasunod na lamang siya dahil madami na ang mga taong nanonood sa kanila.

"From other members? I don't know. I heard it a long time ago."

"There is," kumpirma niya rito. "But I can't take you there."

"Why not?"

"Simple. It's private."

"I mean, we'll be very careful. I won't talk."

"Are you what? A spy or something?"

"No, I like exciting things like adventures." ngiting sabi nito. "Isn't the idea exciting?" huminto ito ng paglakad at lumapit ito. Naamoy niya ang pabango nitong gamit na halos mapapikit si Nadine sa amoy.

Shit. Wag kang pipikit!

"Are you okay?" may pag alala na tanong nito. Sinalat ng lalake ang kanyang noo. "You look sudden pale and tensed."

"I'm fine. I'm fine." pagwaksi niya sa kamay nito. "But we can't go there. I'm more curious to see the bungalows instead," pag iiba niya. Ayaw niyang pumunta ng malapitan sa mansyon at baka makita niya si Senya o di kaya si Tito Felix. Hindi niya rin gusto ang ideya na makita nito ang kanyang seksing pinsan.

AFAM Series No: 01 - Jar of HeartsWhere stories live. Discover now