CHAPTER III

26 1 0
                                    

"Hey, honey." yakap na salubong ni Senya sa kanya. "How was the flight?", makahulugang tanong nito. Nakasuot ito na kulay rosas at puting maguhitan na jumpsuit na bumagay sa mahahabang legs nito.

"It was good" sagot ni Stefan na nakakunot noo sa babae.  "Can we talk about it later? I wanted to sleep first. The flight was incredibly long" deretsong dagdag niya. Halata naman nagulat si Senya sa kanyang akto ngunit agad namang tumalima ang babae, sinenyahan nito ang driver na kunin ang kanyang maleta.

Ilang beses na nakabisita ng Pilipinas si Stefan. Mula noong naging magkasintahan ang dalawa, naging madalas ang pagbalik niya sa bansa. 

Matagal ng magkakilala si Stefan at Senya. Nag aral si Senya ng Culinary Arts sa Hungary at doon niya nakilala ang lalake na kasalukuyan noong nag aaral ng Masters in Philosophy. Maganda at napaka sexy ni Senya, magaling itong mambola at napaka daring kaya naman madaling mapaikot nito ang mga lalakeng nagkandarapa sa kanya. "What Senya wants, she gets."

 Agad naman nahulog si Stefan sa babae. Mula noon, naging sunod sunuran ang lalake sa kahit anong gusto ni Senya. Free-spirited si Senya at napaka liberated, open minded especially in sex. On and off ang kanilang relasyon at hinayaan naman ni Stefan na gawin na muna ni Senya ang kanyang gusto bago ito magpatali sa kanya, siya rin ay ganoon ang gusto. Madami din nagkandarapang mga babae kay Stefan at madami rin siyang naging fling relationships kapag off ang relasyon ng dalawa, lalake siya at may pangangailangan. Ngunit sa edad na 30 anyos ngayon, nagsisimula na rin siyang magseryoso, kaya naman binigyan niya na ng limitasyon ang kanyang kasintahang si Senya. Gusto niya na rin mag propose sa babae dahil pagod na rin siya sa chasing games nito. Kaya ito ang dahilan kung bakit siya babalik ng Pinas this time.

"I'm not getting younger anymore, Senya. I want to settle down", pahiwatig ni Stefan bago siya pumunta ng Pilipinas.

Hindi naman kaagad nakasagot si Senya at maririnig sa kabilang linya ang buntong hininga nito. 

"It is not the best time to talk about it right now, babe" pag-iiwas nito sabay hikbi. "I called you to tell you that  my family is just in a terrible situation."  Pinaliwanag nito sa kanya ang sitwasyon ng ama at ang matinding galit nito sa pinsan na dahilan ng kaguluhan sa pamilya.

"It's so unfair for us! For us who kept up with him, took care of him for years and just like that, after everything, he just threw all his money to this prodigal family. To my cousin!" himutok nito ng malaman na iniwan ng matanda ang mga ari arian nito sa kanyang pinsan. "My dad invested so much of his life to that company. He worked hard on it. It's so hard to see him falling this way."

Hindi man maintindihan ni Stefan ang kabuuhan na kwento ng kasintahan, ngunit isa lang ang tumatak sa kanya. Ang pinsan ni Senya. Si Nadine. Nakita niya na ito sa malayuan noong isang beses na umuwi siya ng Pinas, ngunit hindi sila nagkakilala ng maayos dahil kasama nito noon ang fiancee na nagmamadaling umalis ng makita ang kanyang kasintahang si Senya. Ito lang yata ang lalake na takot kay Senya, na para bang nandidiri na makalapit sa babae. Ngunit hindi maiwasan ni Stefan na humanga sa pinsan ng dalaga. Napakaamo ng mukha nito, kahit sa malayo, kitang kita ang kainosentehan ng babae. Kaya siguro laging bantay sarado ng fiancee nito.

"Babe, are you still there?" tanong ng nasa kabilang telepono pagkatapos ng mahabang kwento nito.

"Yes, I'm here. I'm sorry." sagot niya. 

"What time is your flight tomorrow?" pag iibang tanong nito sa kanya.

"8 in the morning." sagot nito sa kanya. "I will arrive in the Philippines around 6 in the morning on the next day."

AFAM Series No: 01 - Jar of HeartsWhere stories live. Discover now