CHAPTER II

26 1 0
                                    

Girlfriend? May girlfriend na pala ang mokong na ito pero bakit parang nanlalandi, wala sa loob na himutok ni Nadine. Ahh, bakit ba ako magpapa apekto? Nakikipagkaibigan lang naman ang lalake, wag kang umasa, saway ng kabilang bahagi ng kanyang isipan. Focus Nadine. Focus. Mas madaming importanteng problema kang sasalubungin sa pinas kaysa sa lalake na ito.

"Are you alright?", tanong ni Stefan habang hinihintay nito ang kanyang kamay.

"Of course, I am!" bilis na sagot ni Nadine at inabot niya din ang kanyang kamay. "Why are you still here with me? Didn't you say that you were late as well?" sunod sunod na tanong niya sabay kunot noo.

"Well, luckily for you or not, we gotta be stuck together for a while. It seems like we have the same flight." sagot nito at para ba itong nagpapahiwatig na ma-swerte "siya"

Napaismid naman si Nadine. Feeling pogi. Okay, fine. Fine. He's handsome but not my taste, diin niya sa kanya sarili.

"Do you want some coffee?", tanong ng lalake sabay tumayo ito.

"Yeah," sagot niya na nagtataka.

"Lekker. I'm going to get two cappuccino. Is that alright?", ngiting sabi nito. Lekker means nice in Afrikaans.

"What can I say, you have decided already.  So fine with me" sabi niya kahit na paborito niya naman talaga ang cappuccino.

Madaming nakapansin sa kanilang dalawa. Halos panay tingin ng ibang pasahero sa kanya at kay Stefan. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa dalawa, napaka gwapo ng lalakeng nag alok ng kape sa kanya, malakas ang appeal at hindi lang ito ordinaryong South African hunk. Akala siguro ng mga tao, magkasintahan silang dalawa.

"Ang lakas din ng tiwala sa sarili at sa akin, hindi niya ba naisip na pwede kong takbuhin ang kanyang mga maleta?" napailing na sabi niya sa sarili habang tinitingnan palayo ang lalake.

"There you go. Here's your coffee." abot ni Stefan ng coffee kay Nadine pagkabalik ito makatapos ang ilang minuto. Mayroon din itong inabot na yelo para kanyang paa. "This is my way of saying sorry. But I'm happy to get to meet you." abot sa mata ang ngiti nito.

"Thank you." sagot niya na pilit umiiwas ng tingin. "Why did you just leave me? Have you always been like this to anyone you met in a short period of time? Leaving your bags to strangers?" habang nakaderetsong tingin sa counter area.

Natawa ito at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. She may look like an angel but with a tongue like a blade, sa isip ng lalake sabay napangiti ulit ito.

"First and foremost, I don't think you can get away easily with your foot injury while carrying my bags and yours." natatawang sabi nito na para bang inimagine siya nito. "Secondly, you're too beautiful to be a snatcher." walang ka gatol gatol na sabi nito sabay higop ng kape. Hindi na lang umimik si Nadine ngunit biglang namula ang buo niyang mukha.

"So how's your foot?" tinitigan siya nito.

"It's getting better. It still hurts but I think I'll be fine in the next few hours.", habang dinidiin niya ang yelo sa kanyang sakong at umiwas siya ng tingin.

Maka-ilang minuto lang ay nagkaroon na ng anunsiyo.

"ATTENTION PASSENGERS, FLIGHT ET 645 BOUND TO ADDIS ABABA BEGINS BOARDING AT THIS TIME. THANK YOU." malakas na anunsiyo na umalingawngaw sa loob ng airport.

"That's ours!", saad ni Nadine. Inayos niya ang kaniyang gamit at tumawag ng isang airport staff.

"Ja," pagsang-ayon nito sa kanya. Ja ay yes sa Afrikaans.

AFAM Series No: 01 - Jar of HeartsWhere stories live. Discover now