Chapter VII

8 1 0
                                    

Araw ng Lunes. Bumangon ng maaga si Nadine at nag ayos para sa unang araw ng pagganap niya sa kanyang bagong trabaho bilang CEO. Unang gagawin niya ay magbasa ng Articles of Incorportion ng kumpanya, ito ang dokumento na pinasa sa gobyerno para maging legal ang organisasyon. Nakasaad din dito ang mga impormasyon tungkol sa pag buo nito at iba pa. Sunod naman ay financial statements ng mga nakaraang taon. Gusto niyang malaman kung ano ba ang kalagayan ng resort sa pinansiyal. Ano ba ang mga malalaking gastos na palagian o minsan gawin nito. Sa susunod na buwan ay magkakaroon ng isa sa mga quarterly board meetings. Kailangan niyang magkaroon ng ideya kung ano ang pang matagalan na plano at pang madalian. Kailangan niya rin malaman kung ano ang mga problemang kinahaharapan ng resort sa ngayon.

"Good morning Ma'am," bati sa kanya ni Grace, ang receptionist ng resort. Nakita siya nitong lumabas ng elevator.

"Good morning, Grace." Balik niyang bati rito at nagdineretso niya ang paglakad palabas para tumungo sa kabilang gusali na kanilang opisina. Kailangan niyang simulan din na isaulo ang mga pangalan ng mga staff dito para daw mas lalong maging maganda ang takbo ng trabaho at negosyo.

"Good morning, Manong Greg," bati niya sa nakatalikod na guard ng opisina habang may kung inaayos ito sa damit. Agad agad naman itong napalingon sa kanya at nagulat.

"Ay! Good morning Ma'am," balik din nitong bati na para bang namumula. "Pasensiya na ho kayo, pinupunasan ko po kasi ang damit ko, natapunan ng konting mantsa ng kape ng aking asawa kanina bago ako pumarito." mahabang paliwanag nito.

"Okay lang ho," tango niyang sabi rito na may ngiti sa labi. Pumasok siya sa loob ng gusali at isa isang bumati ang mga staff sa loob. Mayroon lamang dalawang palapag ang opisina nila, at nasa ikalawang palapag ang opisina ng CEO, na ngayon ay sa kanya na. Nakita niya na maaga nakaupo na sa upuan nito habang naghihintay sa kanya ang dating sekretarya ng kanyang lolo na kanya ring magiging sekretarya. Tumayo ito upang bumati.

"Good morning Ms. Lopez." 

"Good morning too, Ms. Kaye." Bati niya rito. Hindi niya ito masiyadong gusto ngunit ayaw niya naman ipahalata. Nahalata niya rin na isa ito sa mga hindi masaya ng malaman na siya ang papalit sa kanyang abuelo ngunit ngayon ay halatang pilit ang pakikibagay sa kanya. Halos ka edad lamang nito ang kanyang mama o di kaya ang kanyang tito Felix. Wala itong asawa ngunit may anak. Ito ay kanyang nalaman noong narining niya ang tsismis sa isa sa mga staff niya sa kitchen kahapon habang siya ay nag memeryenda.

Binigay nito ang susi sa kanya para sa opisina na ikinakunot noo niya.

"Binigay ni Atty. kahapon ang susi para dito, mayroon ka rin kopya?" Tanong niya rito na mukhang ikinagulat nito.

"Ah," para bang nag apuhap ito ng sasabihin. "Palagi kasing nakakalimutan ni RGV ang kanyang susi, kaya naman naisipan namin magkaroon ng kopya." sa wakas na paliwanag nito.

"Ah," sagot niya na tumango. Kinuha niya ang susi sa kanyang bag at binuksan ang kwarto. Malinis ang kwarto. May isa itong hilera ng lalagyan ng mga libro sa gilid na nakadikit sa pader. May hindi gaanong kalakihan ang lamesa nito ngunit tamang tama lamang kay Nadine. Ayaw niya ng malaking lamesa. Tinungo niya ang upuan upang umupo. Huminga siya ng malalim bago tumawag sa kanyang sekretarya.

"Hi Ms. Kaye, could you please bring to me the Articles of Incorporation?" pag-utos niya rito. "I'd like to start reading it."

"Will do, Ma'am." At maya maya pa ay nasa kanya ng lamesa ang dokumentong hiningi. Sinimulan niya itong basahin at halos makalimutan niya na oras na pala ng tanghalian. Kinausap niya si Ms. Kaye na padalhan siya ng pagkain sa kwarto at dumating naman kaagad ito. Steak ang binigay nito at may kasamang vegetable salad. Hindi naman mapangit ang lasa, sa katunayan ay masarap naman ito ngunit para bang may kulang. Nasanay kasi siya ng steak sa South Africa. The best! sabi niya sa isip.

Naisipan niya tumungo sa baba at pumunta ng kitchen na nasa likod ng dining hall, sa kabilang gusali. Kinausap niya ang chef at nagbigay siya ng suggestions. Minabuti niya na rin maglakad ng bar counter para makita ang mga iba't ibang klase ng mga alak na naroon. Halos lahat European wines. Hindi naman papatalo ang kanyang dating pinagtrabahuhan na winery sa South Africa, kaya naman naisipan niya na mag dagdag ng alak na galing doon.

"Too early to drink," komento ng lalake na kilalang kilala niya na ang boses sa palagian nitong pagsulpot.

"You're here." walang buhay na balik niya rito.

"Yeah, I'm a resort member here." sabi nito kasabay nang pag kindat. "So, are you going to drink?"

"No, as you say, too early." sarkastikong sabi niya rito.

"You work here?" tanong nito.

"Yes," maikling sagot niya at pinalangin niya na huwag sana nitong tanungin kung ano ang kanyang posisyon. Baka kasi hindi rin ito maniwala. Sino ba naman kasi mag aakala na siya ang bagong may ari ng resort? Nakasuot lang siya ng simpleng blusa na asul at kulay abo na slacks. Sa katunayan ay bumagay sa mga mata ni Stefan ang suot ni Nadine. Halos nagkaroon ng repleksiyon ang kanyang damit sa asul na mga mata nito na lalo pang pinatingkad ang kulay.

"I assume, you are the new manager?" sabi nito at hindi niya alam kung bakit siya tumango rito at nagsinungaling. Ngumiti ito ng parang may laro sa labi. "I just finished my lunch so maybe you, as a manager, could help me to tour the place."

"What?!" halos maduling sa inis si Nadine.

"What do you think? You are a manager."

"But you are already a member here! You must know the place more than I know!" pag tatanggi niya rito.

"I'm a customer, I have the right for such request." pilyong sabi nito kaya naman napilitan siyang sumunod rito.

"You win."

AFAM Series No: 01 - Jar of HeartsWhere stories live. Discover now