Chapter 31: France

Depuis le début
                                    

I was also being forced to messed up with James' life. Ayokong idamay ang taong wala namang alam sa bagay na ito. At parehas naming dalawa ni Pau, ay kapwa biktima rin sina James at Xian ng aking ama. Kinakailangan kong palabasin na naiinis ako kay James, para hindi nila mahalata na may ginagawa akong plano.

Iba talaga kapag nakita mong nag-mamakaawa ang taong mahal mo. Iba 'yung sakit na para bang milyong-milyong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa puso mo. This was the time when I saw Xian crying so hard in front of me. Begging me not to leave him alone. We already made our promises, our plans. But, it were all ruined by my dad.

Xian tried to call me that night. Nagmamakaawa. Humihiling na 'wag kong gawin ang pag-iwan sa kaniya. Halos madurog ang puso ko sa bawat salitang sinasabi at naririnig ko mula kay Xian. Pinilit kong huwag iparinig sa kabilang linya kung gaano ako nasasaktan sa ginawa ko. Alam ko na-wala itong kapatawaran.

Mauunawaan ko si Xian, na kung isang araw ay isumbat niya sa aking ang lahat ng ginawa ko sa kaniya. Na kung isang araw ay gawin niya rin sa akin kung ano ang ginawa ko sa kaniya. If I could have enough guts to tell him the truth. Ginawa ko na. Pero, ang buhay niya lang naman ang iniisip ko.

Napukaw na lamang ang aking pag-iisip ng may narinig akong pumasok sa aking kuwarto. Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na linungin kung sino ang pumasok sa aking kuwarto. It was them. It was my dad and mom.

Naramdaman ko ang malumanay nilang paglalakad papunta sa aking kinauupuan sa verandan ng aking kuwarto. Nang tuluyan na itong mga nakalapit sa akin. Agad na nagsalita ang aking ama tungkol sa aming dalawa ni Pau.

"Kamusta na ang relasyon ninyong dalawa ni Pau?" Tanong nito sa akin.

Humarap naman ako sa kanilang dalawa na nakatayo sa aking harapan. They are looks both sophisticated. Especially my dad, who always authoritative parent.

"It's fine." I answer them with coldest tone of my voice.

"Alam mo naman 'di ba ang lahat ng pinag-usapan natin? Do you still remember it all? If not, ipapaala-" I cut him off. Sawa na ako na marinig pa lahat ng sasabihin niya. Nakakabingi. Nakakairita.

"Alam ko. You don't have to." Saad ko sa kaniya.

"Good. Mas mainaw na magkaliwanagan tayo. Kilala mo ako, France. Ang ayoko sa lahat ay ang niloloko, pinaglilihiman at higit sa lahat-ay 'yung pinagtataksilan ako behind my back. Kahit sarili kong anak, kaya kong patayin."

Hindi ko ito sinagot sa kaniyang mga sinasabi sa akin. Instead, ibinalik ko ang aking tingin sa labas ng veranda kung saan ako nakaupo. Nang wala na silang narinig mula sa akin. Ay agad na silang lumabas na dalawa. Tapos na naman ang kanilang pakay sa akin.

Nang makalabas na ang mga ito. Agad akong pumasok sa loob ng aking kuwarto at mabilis na nag-ayos. Kailangan kong makausap si Xian. At ipaliwanag ang lahat sa kaniya. Hindi ko na kaya pa ang buhay kasama ang mga magulang ko.

Masyado na kong maraming naisakripisyo para sa kanila. It's about time for me para gawin ang bagay na magpapasaya sa akin. At alam ko kung sino ang taong iyon. Walang iba kundi si Xian. Matapos kong mag-ayos ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng akin kuwarto.

Tumingin ako sa magkabilang gilid ko. I have to make sure na walang ibang taong makakakita sa akin. Maingat akong bumababa ng second floor. Buong ingat rin akong lumabas ng bahay. Hindi ko na ginamit pa ang aking sasakyan. Dahil malalaman ng aking mga magulang na patago akong umalis ng hindi nila nalalaman.

Nang tuluyan na akong nakalabas ng bahay-ay maingat kong isinara ang gate ng bahay. Humakbang ako ng ilang hakbang mula sa aming bahay. Mula doon sa aking kinatatayuan, kinuha ko ang aking cell phone at iti-next kay Xian kung saan kami magkikita.

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant