Chapter 15

4.9K 112 3
                                    

"Anak, talaga bang uuwi na kayo?" Malungkot na tanong ni Mommy, tumango ako kaya mas lalo siyang nalungkot.

Yes, uuwi na kami sa Australia. Naisip ko kasi na baka kapag nagtagal pa kami dito sa Pilipinas ay mas lalong magtagpo ang landas namin ni Kent kaya mas mabuting umuwi nalang kami habang maaga pa, habang wala pa siyang alam tungkol kay Ayeasha.

"Mommy, wag na po kayong malungkot. Pwede naman kayong bumisita ni Daddy doon." Sabi ko.

"Anak, hindi pa naman kayo nag one month dito. Bakit napaaga ang uwi niyo?" Tanong ni Daddy.

"Dad, kailangan na po kasi ako doon sa hospital ni pinagtatrabahuan ko at tsaka malapit na rin ang pasukan nina Ayeasha." Paliwanag ko. Pero sa totoo lang, hindi talaga yan ang dahilan ko. Wala na kasi akong maisip na iba eh.

"Beshy naman. Kakauwi niyo lang tapos aalis kayo agad?" Nakasimamgot na tanong ni Trishia.

"Kailangan eh." Sabi ko. Sabay sila ni Mommy na napabuntong-hininga. "Pasensya na talaga Mommy, Daddy at Trishia." Hingi ko ng paumanhin.

"Hay. Ano bang magagawa namin? Alam naming hindi na talaga mababago iyang disesyon mo." Malungkot na turan ni Mommy.

"Sorry talaga, Mommy." Sabi ko.

"Kung yan na talaga ang disesyon mo, o sige. Basta mag-ingat kayo doon ha?" Paalala ni Mommy.

"Thank you po." Nakangiti kong sabi.

"Ahm, kailangan na naming umalis, baka ma-late kami sa flight." Ani ko sabay lingon kay Ayeasha. "Baby, say bye to granny and grampy na. Say bye to your tita-godmother too." Sabi ko sa kanya.

"G-Good bye g-granny, g-good bye g-grampy. I will miss you." Humihikbi na sabi ni Ayeasha.

Yumuko si Mommy para pantayan si Ayeasha. "Shh. Don't cry sweetie. Don't worry because we will visit you and your mom in Australia, okay?" Sabi ni Mommy na may bahid parin ng lungkot sa boses.

"Y-Yes, g-grandma." Utal na sabi ni Ayeasha sabay yakap kay Mommy at kay Daddy saka siya lumingon kay Trishia.

"G-Good bye, tita-godmother." Aniya. In just a span of time, naging sobrang close na ni Ayeasha kay Trishia.

Yumuko si Trishia para pantayan si Ayeasha saka pinahiran ang luha ni Ayeasha. "Shh. Stop crying na, okay? Bibisitahin namin kayo like your grandmother said. So don't cry na, okay?" Sabi ni Trishia saka nginitian ang anak ko kaya tumango si Ayeasha.

"So ahm. Aalis na kami Mom, Dad, Trishia." Paalam ko saka sila niyakap isa-isa.

Pagkatapos naming magyakapan, sumakay na kami sa sasakyan na maghahatid sa'min sa airport.

Hayy. Sa wakas, matatahimik na rin ako. Wala na akong dapat pang ikatakot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa airport dahil hindi naman traffic.

Bumaba na kami ng anak ko. Sakto naman na pagkababa namin ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa handbag na dala ko.

Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan na naka-register. It's Trishia. Ano naman ang kailangan niya? Kakapaalam ko lang ah.

"Hello?" Nagtataka kong sagot.

"Zane! Mabuti naman at nasagot mo na!" Natatarantang sabi ni Trishia kaya kinabahan ako.

"Yea, what happened? Bakit ka natataranta?" Kinakabahan kong tanong.

"Yung daddy mo! And daddy mo inatake. Nandito kami sa hospital ngayon! Sa Grace Hospital." Sabi niya na ikinakaba ko ng sobra.

Echoes of Secrecy [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now