Chapter 09

5.4K 123 12
                                    

KENT

It's been a month since umalis si Zane sa bahay. Simula nun, hindi ko na siya nakita ulit.

At first, I feel happy because finally, wala na siya at makakasama ko na ang babaeng mahal ko. But as days passed by, I suddenly feel empty. Kahit na kasama ko si Kyla, I felt like something is missing.

Napabuntong hininga nalang ako habang nilibot ang paningin ko sa loob ng bahay.

Umupo ako ulit sa couch at tumingin sa kawalan.

Naalala ko nung nalaman ko na ikakasal ako sa iba, nagalit ako sa parents ko nun dahil alam kong kaya nila ako ipapakasal sa iba dahil ayaw nila na magkatuluyan kami ni Kyla. They doesn't liked Kyla for me.

Kaya nung mag-asawa na kami ni Zane, I always ignored her and was always cold to her. Siya ang sinisi ko kung bakit nagkahiwalay kami ni Kyla. Siya ang sinisi ko sa lahat.

Pero habang tumatagal, parang iba na ang dahilan ko kung bakit ko siya sinasaktan. Hindi ko siya sinasaktan dahil galit ako sa kanya kundi dahil parang unti-unti akong nahuhulog sa kanya. I pushed her away.

Kaya mas lalo akong naging cold sa kanya at minsan ay hindi ako umuuwi ng bahay para hindi talaga ako tuluyang mahulog sa kanya dahil nangako ako sa sarili ko na si Kyla lang talaga ang babaeng mamahalin ko.

Pero habang tumatagal na kasama ko siya sa bahay, parang tuluyan na talaga akong nahulog sa kanya.

Nang magkabalikan kami ni Kyla, masaya ako dahil sa wakas makakasama ko na ulit ang babaeng mahal ko talaga.

Pero nang nakasama ko na ulit si Kyla, parang wala na akong maramdaman na pagmamahal sa kanya at si Zane ang palaging nasa isip ko.

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin. I can't understand myself.

When Zane left 'our house', I felt relieved dahil hindi ko na siya makikita at baka mawala na ang feelings ko sa kanya at mabalik ang feelings ko kay Kyla.

But I was wrong. As time goes by, mas lalong lumala ang nararamdaman ko at namimiss ko na siya.

And now, gusto ko talaga siyang makita but hindi ako makapunta sa kanila dahil galit sa akin ang parents niya. I hurt their daughter.

I sighed at bigla nalang ako napatingin sa taas. I don't know why pero parang may nag-udyok sa'kin na pumuntsa sa taas at pumunt sa kwarto ni Zane. And I did.

I went to her room. When I get inside, it was empty. I roamed my eyes around and suddenly, my eyes stopped at a black rectangular velvet box in the vanity table.

Na-curious ako kaya pinuntahan ko ito. I reached for it and slowly opened it. Inside was a gold rhinestone butterfly bracelet.

Napakunot ako ng noo. This bracelet feels familliar. I think I've seen this before. Then a memory suddenly replayed in my mind.

"Show your wrist," I told her. Nagtataka man ay ginawa niya ang utos ko. Inilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa harap ko. Then I put the bracelet that I bougth last week in her wrist. "There. Para matandaan at makilala kita, suotin mo lang yan." wika ko.

Tiningnan ni Ashley ang bracelet. "Where did you get this?" tanong niya habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa bracelet.

"I bought it last week," simpleng sagot ko bago bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya.

Humarap siya sa'kin. "Promise hindi mo ako kalilimutan?" inosenteng tanong niya habang nakanguso. Napangiti naman ako at pinisil ang kanyang pisngi.

"Promise," I said.

"Pinky swear?" Aniya saka inilahad ang kanyang pinky finger sa harapan ko.

"Pinky swear," at ipinagdikit ko ang aming mga hinliliit.

"Ashley," I whispered.

So all this time, the girl that I've been looking for was my wife. Zane and Ashley are the same. Fuck! I'm so stupid. What did I do? I broke my promise. And worst, I hurt her. I hurt the girl that I first love. Fuck, fuck, fuck!

But why didn't she tell me? I need to see her.

Kinuha ko ang phone ko and dialed Trishia's number. After two rings, she answered.

"What do you want?" Inis niyang sabi and I know why. She hates me because of what I did to Zane.

"Ahm, where's Zane?" Tanong ko.

"Oh ano? Guguluhin mo na naman ang buhay niya? Alam mo Kent, 'wag ka ng mag aksaya ng oras na hanapin si Zane dahil tahimik na ang buhay niya ngayon sa ibang lugar at kahit kailan hinding hindi ko sasabihin sayo kung saan siya." Mahabang turan ni Trishia.

"What do you mean? Saan pumunta si Zane?" Tanong ko na naman.

"Oh? Hindi mo pala alam na umalis na si Zane to have a peaceful life. At tsaka kakasabi ko lang diba na hindi ko sasabihin sayo kung nasan siya."

"Please tell me, nasaan siya?" I asked again. I need to see and talk to her.

"Sabing ayaw kong sabihin sayo eh. Ang kulit mo. And please, patahimikin mo na ang buhay ni Zane. Sobra ng nasaktan ang kaibigan ko dahil sayo." Seryoso niyang sabi.

Magsasalita na sana ako nang nagsalita pa siya.

"Wait, bakit mo ba hinahanap ang kaibigan ko? May Kyla ka na diba? Bumalik na ang babaeng mahal mo at hiwalay na kayo ni Zane, so pwede na kayong magpakasal ng Kyla'ng yun." Sabi niya.

"Trishia, please tell me where Zane is?" Pakiusap ko.

"Ayaw ko nga diba? At tsaka bakit mo ba talaga hinahanap ang kaibigan ko? Don't tell me namiss mo na siya? O na realize mo na mahal mo na siya?." Hindi agad ako naka sagot. Narinig kong bumuntong hininga siya. "Na sa huli talaga ang realization. Tsaka mo lang talaga malalaman na mahal mo ang isang tao pag wala na siya sa piling mo. Pero nung nasa piling mo pa siya, hindi mo naman pinahahalagahan kundi sinasaktan. I felt pity for you Kent." Turan niya.

"Please, Trishia. Please tell me, where did Zane go?" Pakiusap ko ulit.

"I'm happy na narealize mo na mahal mo na si Zane, Kent. But I'm sorry, I can't tell you where she is right now. Zane want to have a peaceful life and she want to move on-- on you.. I'm really sorry Kent. Please let her be. Please let Zane have a new life without you. Without you who always hurt her." Sabi niya sabay patay ng tawag.

Napaupo ako sa sahig at sinabunutan ang sarili ko.

It's all my fault. Kung hindi ko siya sinasaktan, hindi to mangyayari. Kung pinahalagahan ko lang siya, siguro hindi siya aalis.

Yes, mahal ko na talaga si Zane. I love her then and now. Kasalanan ko kung bakit ako nagsisisi ngayon.

Tama nga ang sabi nila na 'Dapat pahalagahan mo ang taong nagmamahal sayo ng lubos dahil hindi natin alam kung kailan sila mawawala sa atin.'

Nasa huli talaga ang pagsisisi. And that's what happen to me now.

Echoes of Secrecy [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now