Chapter 01

7.4K 120 1
                                    

"Breakfast?" masigla kong tanong sa asawa habang nakangiti. He looked at me coldly before picking up his coat and put it on his arms. Lumabas siyang bahay at iniwan akong nakatayo sa gitna ng sala. I heard his car's engine kaya napabuntong-hininga nalang ako.

Ganito nalang palagi. Napaka cold ng trato niya sa'kin simula nung ikasal kami. And I know why. It's just an arranged marriage kaya napilitan siya. Sa pagkakaalam ko, may girlfriend siya. Pero naghiwalay sila dahil sa kasal namin. He was forced to marry me.

While I'm not. Dahil kusa akong pumayag. I love him, that's why. Sobrang saya ko nung malaman ko na ikakasal kami. We've been married for five months now pero para kaming mag-asawa. Parang di niya ako asawa kung ituring. Para lang akong hangin dito sa bahay. He never once talked to me. We even slept in a separate room.

Sometimes mapapatanong nalang ako na, 'Ganon niya ba talaga ka mahal ang ex girlfriend niya at ganon rin siya ka galit sa'kin?' It's like ako ang sinisisi niya sa paghihiwalayan nila. Ako ang sinisisi niya sa lahat.

Pero siguro, kasalanan ko nga talaga. Kasi pwede naman akong tumanggi sa arranged marriage na yun. Pero hindi ko ginawa dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. I'm blinded by my own feelings that I didn't see that I hurt someone. I'm blinded by my own selfish love.

I sighed again. Naglakad ako papuntang dining room kung saan naka handa ang mga niluto ko. Dismayado akong tumingin dito. Gaya ng palagi kong ginagawa, binalot ko nalang ito. Instead na itapon kasi yung mga pagkain, binabalot ko ito at ipinamimigay sa mga batang kalye na madadaanan ko papuntang trabaho. Sayang naman kasi kapag itatapon ko lang. Marami ang nagugutom ngayon. At mas lalong sayang kung ilalagay ko lang to sa fridge kasi wala rin namang kakain nun.

Pagkatapos kong balutin ang mga pagkain, hinugasan ko muna ang mga hugasin. Wala kasi kaming katulong dahil ayaw kumuha ni Kent. At saka ayos lang rin naman sa'kin, sanay na rin naman na ako sa gawaing bahay. Kahit galing ako sa mayamang pamilya, natuto pa rin ako sa mga gawaing bahay; like magluluto, maglilinis at maglalaba. Ayaw ko kasing iasa nalang sa mga katulong ang lahat ng gawaing bahay noon kaya tumutulong ako. Hinayaan naman ako ng parents ko para daw matuto ako.

My parents was my role model. Hindi sila kagaya ng ibang parents na hinahayaan ang anak na maging spoiled. Hindi rin sila kagaya ng ibang parents na mali na nga yung anak, kinakampihan pa o kinokonsinte. My parents taught me what's right and wrong. They disciplined me well and in a right way. Pag may mali ako, mahinahon nila akong kakausapin, hindi tulad ng ibang parents na papagalitan agad yung anak. Kapag agad-agaran mo kasing pagalitan, baka mas lalo lang gagara yung anak. Though may ibang anak na nakikinig lang pag pinagalitan na ng mga magulang.

Binibigay ng parents ko ang lahat ng mga pangangailangan ko pero kailangan ko muna yun paghirapan para makuha. As what they always say, 'If you want to get something, you need to work for it'. And they are right. Success comes from a hard work. That's why I love them.

Pagkatapos kong maghugas, agad na akong pumunta sa trabaho. I'm a nurse in a private hospital. Instead kasi na business ang kunin ko, nurse ang kinuha kong course because I want to help other people. Noong una hindi pumayag si Dad dahil paano daw ang kompanya namin since ako lang naman ang nag-iisa nilang anak. Pero kalaunan ay pumayag naman siya. Isang mahabang usapan talaga ang nangyari sa kanila ni Mom. Kasi hayaan nalang raw ako kung anong gusto ko.

Bago ako pumunta sa trabaho, ibinigay ko muna sa mga batang kalye ang pagkain na para sana sa asawa ko. For the past five months, halos araw-araw akong namimigay ng pagkain sa mga batang kalye kaya siguro kilala na nila ako.

Pagkatapos kong ibigay sa kanila yun, dumiretso na ako sa hospital na pinagtatrabahoan ko. Di naman ito masyadong malayo.

"Good morning, Nurse Zane." bati ng katrabaho ko na isa ring nurse. Na sa nurse quarters ako at nag-aayos, katulad niya.

"Good morning din, Nurse Tara." bati ko pabalik habang nakangiti. Halos kaibigan ko na lahat ng mga katrabaho kong nurse dito. Sabi nila, para daw akong friend magnet kasi nung first day ko palang dito, naging kaibigan ko na agad yung ibang nurses. Pero para sa'kin ay normal na yun. Hindi naman ako naniniwalang friend magnet ako, sadyang palakaibigan lang ang mga co-nurses ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng nurse quarter and started to do my rounds. Checking patients here and there. May iba pang pasyente na nanghi-hits sa'kin. May iba rin na nakikipagbiroan. And I enjoy it. I love my work because I love taking care of people.

Simula bata palang ako, I always imagined myself taking care of sick people. Lahat ng pinapanood o mga nilalaro ko noon ay tungkol sa pag-aalaga. My parents sometimes asked me before na bakit raw ganon yung mga nilalaro ko, kaysa sa mga nilalaro ng mga ka edad ko. I don't know why then, I just enjoy it. I enjoy taking care of other people lalo na yung mga pasyenteng pinabayaan na ng pamilya nila. Kadalasan ng mga pasyente ditong iniiwan ng pamilya nila ay yung mga batang may sakit kaya naaawa ako kasi may sakit na nga sila, wala pang nag-aalaga sa kanila. Naiinis rin ako sa pamilyang nang-iwan sa kanila. Bakit di man lang nila magawang mag stay sa piling ng anak nila? Anak nila yun kaya dapat pinapahalagahan nila kahit sa huling hininga man lang nito.

May mga anak rin na iniiwan ang matanda na nilang magulang. As children, dapat inaalagan rin nila ang magulang nila lalo na pag matanda na ito. As their nurse, nasasaktan rin ako whenever I saw the older patients na may lungkot sa mga mata. They're longing to see their children.

I sighed. I'm already back at the nurse quarters. Getting my things. It's already seven in the evening and I need to go. Kailangan kong makauwi agad dahil ipagluluto ko pa ang asawa ko kahit hindi naman niya kinakain.

Pagkatapos kong kunin ang gamit ko ay umalis na ako and went home. Pagkarating ko sa bahay ay saka lang ako nakaramdam ng pagod pero kahit ganon, sinikap ko pa ring magluto. Wala pa si Kent as usual. Kadalasan kasi ay umuuwi siya ng 9 PM. Minsan tulog na ako sa oras na yan dahil sa pagod sa trabaho pero minsan ay hinihintay ko siya, like now.

Kakatapos ko lang magluto at ihanda ito. I'm sitting at one of the dining's chair. It's already eight kaya isang oras nalang ay darating na siya.

But an hour and thirty minutes passed, no Kent came. Yet I still waited.

Ten in the evening.

Still, no Kent.

Ten-thirty.

Still, no Kent.

Ten-fourthy.

No Kent.

Until it reached eleven PM. Napabuntong-hininga nalang ako. Kailan ba ako masasanay. I stood up. "Guess, I need to re-heat this tomorrow." I murmured to myself. Nilagay ko sa fridge ang lahat ng niluto ko bago umakyat sa taas para matulog. Matutulog na naman akong mag-isa.

Echoes of Secrecy [UNDER REVISION]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora