Chapter 13

5K 109 0
                                    

It's been a week since nakita kami ng kaibigan ni Kent na si Kev. Simula nun, hindi na talaga ako lumalabas ng bahay at si Trishia nalang ang bumibisita sa amin.

Nagtaka nga sina Mommy kung bakit palagi lang kaming nag-s-stay sa bahay. Pero hindi na sila nagtanong.

Naiinip man ako dito sa bahay pero kailangan kong tiisin hanggang sa makauwi kami ni Ayeasha sa Australia.

Hayy. Napabuntong hininga ako. Nandito pala ako sa living room, nanonood ng movie. Si Ayeasha naman, nasa pool naliligo habang binabantayan ng yaya niya.

"Mommy!" Napalingon ako kay Ayeasha na nasa may pinto papunta sa pool.

Lumapit siya sakin na tumatakbo. "Be careful, baby, you might stumble." Paalala ko kay Ayeasha.

"Mommy, join me in swimming." Sabi niya pagkalapit niya sa'kin.

Hindi pa man ako nagsasalita ay nagsalita na si Ayeasha. "Please mommy, please." Pamimilit niya sabay pout.

Ang cute talaga ng baby girl ko. "Okay. Let's go." Sabi ko na ikinatuwa niya.

Nagpunta na kami sa pool at naligo kahit hindi pa ako naka swimsuit.

"Did you enjoy?" Tanong ko sa anak ko nang makaahon na kami mula sa tubig.

"Yes, Mommy." Masaya niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya. Masaya na ako na makitang masaya ang anak ko. Her smiles put a smile on my face.

"Mukhang masaya kayo ah." Napalingon kami sa nagsalita na nasa pinto papasok sa loob.

"Titaaaa!" Tumakbo agad si Ayeasha kay Trishia at niyakap ito.

"Hi, Ayeasha. Did you miss Tita?" Tanong ni Trishia kay Ayeasha.

Tumango naman si Ayeasha kaya ngumiti si Trishia.
Naglakad palapit sila sa'kin habang nakakahawak si Ayeasha kay Trishia.

Nang makalapit sila, bumitaw si Ayeasha at lumapit sa'kin. Umupo ako para magpantay kami ni Ayeasha. "Baby get dressed first, okay?" Nakangiti kong sabi.

"Okay, Mommy." Sagot niya.

Humarap ako sa yaya ni Ayeasha. "Yaya, bihisan mo muna si Ayeasha." Sabi ko.

"Okay po, Ma'am." Sagot ng yaya at hinawakan na si Ayeasha saka sila umalis.

"Ano pala ang ginagawa mo dito, Trish?" Tanong ko.

"Binibisita kayo. Yayayain ko sana kayo na pumunta ng mall." Sabi ni Trishia na ikinakamot ko ng ulo.

"Ahh. Pwede bang 'wag muna ngayon? Baka kasi---"

"Saglit lang naman tayo dun. Tsaka para rin makapasyal kayo ni Ayeasha." Putol niya sa sasabihin ko.

"Pero kasi. Paano kung magkatagpo kami ni--ni Kent?" Nag-aalangan kong sabi.

"Hindi yun mangyayari. Sige na please, kahit ngayon lang." Pamimilit pa ni Trishia sabay hawak sa braso ko.

Dahil mapilit talaga si Trishia ay pumayag nalang ako. Sa totoo lang, gusto ko naman talaga dahil gusto kong ipasyal si Ayeasha pero natatakot lang ako na baka magkatagpo kami ni Kent.

Pero dahil sa pamimilit ni Trishia ay pumayag nalang ako. Wala na rin naman akong magagawa dahil kapag hindi ako pumayag, patuloy niya pa rin akong pipilitin.

Napabuntong-hininga nalang ako habang nanonood kina Trishia at Ayeasha na naglalaro.

Nandito na kami sa mall ngayon. Pagkatapos ko kasing pumayag ay pinabihis na kami ni Trishia at pumunta agad kami dito.

Echoes of Secrecy [UNDER REVISION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن