Chapter 03

5.2K 132 4
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong iniwan ni Kent sa loob ng kotse niya nang makapark sa garage. He went inside the house, leaving me looking at his dissapearing back. Well, let's call it a day.

I sighed before getting off the car. Kinuha ko muna yung mga pinamili ko bago tahimik na pumasok sa loob ng bahay. My heels were clicking on the floor as I walked through the house. The house was so silent. Sa sobrang tahimik nito ay mapagkakamalan talagang walang nakatira.

Dumiretso ako sa kwarto ko para makapagbihis. Di ko naman na kailangang magluto ng dinner dahil kumain naman na kami kanina bago umuwi ang parents ko. At siguradong kung magluluto ako ay di naman kakain si Kent at masasayang lang ang pagkain.

Nang makapasok sa kwarto ay nilagay ko sa walk in closet lahat ng nabili ko saka nagbihis ng pantulog; a red wine night dress. I didn't bother taking a shower since I'm too tired to do so. At dahil sa sobrang pagod ko, agad akong nakatulog.

It feels like I only slept for minutes because the next thing I knew, I woke up to the sound of my phone ringing wildly in the bedside table. I groaned. Who would call me this early in the morning? Even with my sleepiness, I managed to get my phone and answered the call without even looking at the caller ID.

"Beshyyy!" Napangiwi ako sa lakas ng boses sa kabila. I looked at my phone to see that it's my best friend who was calling. Well, sino pa ba ang ibang tatawag sa'kin ng ganitong oras kundi siya lang o ang hospital.

"Gosh, Trishia, ang ingay mo talaga!" I exclaimed. Pero kahit napakaingay niya ay naging magkaibigan pa rin kami. We've been friends since I can remember. She's the only real friend I had simula nung iwan ako ng isa kong kaibigan. She was the one who approached me first and make friends with me since I'm quite a shy person and didn't talk much. Ngayon lang talaga na may trabaho na ako naging palasalita.

"Hehe sorry," she says in the other line and I can picture her giving a peace sign. "Anyways, I've just landed from Texas." she informed.

My eyes widened. "Wait. So you mean, nakauwi ka na?" excited kong tanong. Pumunta kasi siya sa Texas a month ago para bisitahin ang parents niya na doon na nakatira. Trishia didn't go with them 'cause she wants to stay here and she's managing their business. Pumupunta lang siya roon para bisitahin ang mga ito.

"Yup and I want you to fetch me. Walaka naman sigurong trabaho ngayon?" aniya.

Napangiti naman ako. Syempre susunduin ko siya. Isang buwan rin kaming hindi nagkita but it feels like years. Hindi kasi kami sanay na malayo sa isa't isa. Trishia and I became each other's rock. And we are like a magnet; ayaw malayo sa isa't isa. We are that close. We treat each other like siblings. "Of course," excited kong sabi and ended the call saka mabilis na umalis ng kama. I fixed my bed before going to shower.

After showering, I put my clothes on. Simple lang ang suot ko; just a yellow summer dress. I paired it with a flat shoes since I'm not really fond of high heels. After putting some face powder and light lipstick-I like to keep my face natural-lumabas na ako ng kwarto.

Dahil sa excitement ko na makitang muli ang kaibigan, nakalimutan kong magluto ng breakfast para kay Kent. But I'm sure na kung magluluto pa ako ay hindi na naman niya kakainin kaya ayos lang.

I head straight to the airport where Trishia was already waiting. "Hey bitch!" bati niya pagkapasok sa sasakyan. Inirapan ko lang siya pero agad ring napangiti.

"So, saan tayo?" tanong ko habang nagmamaneho paalis sa airport.

"Saan pa ba, edi sa Elview Cafe." aniya. Elview Cafe was our favorite place. It's where we usually went if we are bored or we want to relax. Mula kasi sa Cafe ay may makikita kang maganda at relaxing na view. It will give you peace of mind kaya minsan pag masyado akong stress sa trabaho ay doon ako pumupunta.

Pagkarating namin sa Elview, agad kaming dinaluhan ng isang waitress para kunin ang order namin. As usual, yung palagi pa rin naming ino-order kapag pumupunta kami dito ang inorder namin. Di naman na kailangan namin sabihin dahil alam naman na halos lahat ng staff dito at saka kilala na rin nila kami. Sa tagal ba naman namin pumupunta dito, College pa yata yun. Kung may solid suki award lang, siguro nanalo na kami.

"So, how's your visit with your parents? And how are they anyway?" panimula ko habang naghihintay sa order namin.

"Well, they're fine. Ayaw pa nga sana nila akong pauwiin. Pero kailangan kasi alam mo na, may trabaho pa ako. Di naman pwede na iwan ko nalang lahat ng trabaho ko sa Secretary ko." Namana ni Trishia ang family business nila since siya lang naman ang nag-iisang anak.

A moment later, nai-serve na ang order namin. Trishia and I talked a lot of things, catching up. Habang nasa Texas kasi siya, hindi kami masyadong nagkausap kasi busy ako at busy rin siya sa parents niya.

"How's your husband by the way?" biglang tanong ni Trishia sa gitna ng pag-uusap namin.

Napa-buntong-hininga ako sabay lapag ng iniinom kong coffee. "Ayon, cold pa rin. He still treat me like nothing. Tell me Trish, selfish ba ako? Kasi kung hindi dahil sa makasariling pagmamahal ko sa kanya, hindi naman to mangyayari e. Hindi niya ako kamumuhian. I have a choice to say no to that arranged marriage." malungkot kong sabi.

Trishia reached for my hand. "Don't say that, Zane. Nagmahal ka lang naman. At saka alam kong hindi lang dahil sa mahal mo si Kent kaya pumayag kang magpakasal sa kanya. I know that you only want to make your parents happy. So, don't ever think that you're selfish, okay?"

I smiled as I nodded. I was really thankful that Trishia was here for me, kasi kung wala siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. I was thankful na nakipag-kaibigan siya sa'kin dahil kung hindi, loner na ako ngayon.

"Thank you, Trish."

"Sus, wala yun. Pero advice lang friend ha, kahit gaano mo pa ka mahal si Kent, kung masakit na at nahihirapan ka na, wag masyadong magpaka-tanga at magpaka-martyr. Don't confine yourself to someone who doesn't love you. Hindi lang naman si Kent ang lalaki sa mundo kaya marami ka pang mahahanap." makahulugang wika ni Trishia. I just smiled kasi di ko naman alam ang sasabihin. At saka di ko rin maipapangako sa sarili ko na hindi ako magpapaka-tanga at magpaka-martyr.

Echoes of Secrecy [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now