Sirena

27 3 0
                                    

Ang mga Sirena at Sireno ay may napakagandang mukha sa buong karagatan. Malamyos na tinig ang kanilang taglay. Sila ay nakatira sa pusod ng karagatan, kasama ang Dugong at iba pang nilikha sa dagat. Sila ang itinuturing na taga pangalaga ng karagatan pati na ang yaman nito. Sinasabi na ang mga sirena ay galit sa tao, dahil patuloy ang paghuli at pagsira sa yamang dagat na kanilang kinabibilangan.

Sa tuwing bilog ang buwan sila ay lumalabas at naghahanap ng manlalakbay o mangingisda sa dagat, inaakit nila ito sa pamamagitan ng kanilang malamyos na tinig. Kasama ang iba pang sirena, nagtatawanan, umaawit at sadyang inaakit nito ang mga lalaki. Hanggang sa tuluyang mahulog sa patibong ng sirena. Ang lalaki ay tuluyang maaakit dito, patuloy ang kanyang paghahanap sa tinig, hanggang sa makalapit. Habang naghihintay ang mga sirena, at aakayin papunta sa kanilang kaharian sa ilalim ng dagat. Ang kanilang reyna ay papatawan sila ng kamatayan. Kapag sila ay umibig sa tao, ay ipagkakaloob nya dito ang lahat ng kanyang yaman. Subalit ipinagbabawal na ng reyna ang umibig sa isang tao. Kapag hindi sinunod ang utos nito ay kamatayan ang kanilang kahahantungan. Ang luha naman ng mga sirena ay mahiwaga, kapag ikaw ay natuluan nito, ikaw ay mabibiyayaan ng buhay na walang hanggan.

Kung ang sirena ay galit sa mga tao, ganundin ang tao. Itinuturing nila itong salot sa karagatan. Kapag ang isang mangingisda ay walang huli, ibig sabihin nito ay pinarusahan sya ng mga sirena. Ang mga kalamidad sa karagatan ay pinaniniwalaang kagagawan ng mga sirena.

Pearl (Love And Sacrifice)Where stories live. Discover now