ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ xxx

66 6 0
                                    

Kabanata XXX : Pamilya

Sikat ng araw ang nagpagising saakin, nang iminulat ko ang aking mga mata ay kahoy na kisame kaagad ang nakita ko.

Asaan ako? Ang naaalala ko lang ay ang pagpulot saakin ng mga Estranghero.

Nang igalaw ko ang katawan ko ay napadaing ako dahil sa sakit ng aking katawan.

Napahawak ako saaking tiyan. Ang anak ko. Ayos lang ba ang anak ko? Pinilit kong gumalaw at umupo sa malambot na higaan ko. Napatingin ako sa paligid.

Nasa isang kubo ako. Anong ginagawa ko dito? Napatingin ako sa kinauupuan ko, may kutson, sa kubo may kuston? May malambot rin akong unan na hinigaan.

Napaatras ako nang may pumasok na isang matandang babae.

"Sino po kayo?" Takot kong tanong, hindi na maaari pa akong pahirapan, baka kung ano nang mangyari sa anak ko kapag naulit iyon.

"Ako ang nakahanap saiyo ija. Mabuti at nagising ka na, halos tatlong araw ka ng hindi gumigising." Napakunot-noo ako. Tatlong araw!?

"Po!? Eh asaan po ako?" I am panicking, baka hinahanap na ako nila Rio, o ng aking ama at Ina.

"Huwag kang magalala ija, ligtas ka na dito." Sambit niya.

Napahawak ako saaking tiyan nang makaramdam ng gutom.

"M-may pagkain po ba kayo?" Tanong ko. Nginitian niya ako.

"Parating na ang pagkain natin ija." Napakunot-noo ako. Anong ibig sabihin noon?

Biglang may pumasok ng kubo "handa na ang pagkain nati---" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Ina at makita siya.

"Ina!" Tawag ko sakaniya at agad siyang niyakap.

"Anak ko...gising ka na." Masaya niyang sambit at niyakap rin ako.

"Ang akala ko mamamatay na ako." Sambit ko. Natawa ang aking Ina sa nasabi.

"Huwag mong sabihin iyan, dahil buhay na buhay ka pa. Ngayon, puntahan mo ang Ama at Kasintahan mo sa labas." Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Andito po sila!?" Masaya kong sambit. Para akong isang batang niregaluhan ng kaniyang Ina. Tila ba nawala ang sakit ng aking katawan sa narinig.

Nagdiwang lahat ng sistema ko ng marinig na nandito sila. Dali-dali akong lumabas at agad na nakita ang aking Ama at si Rio.

"Ang bagal! Marami ka pang sisibakin oh!" Komento ng aking Ama habang komportableng nakaupo sa isang bato samantalang si Rio ay pagod na pagod na sa pagsibak ng mga kahoy.

Napangiti ako nang makita ang ganoong pangyayari. Everything is fine, and everything is peaceful. Nasa langit na ba ako? Teka kung nasa langit ako patay na sila?

"Zenaida!" Tawag saakin ng aking Ama ng makita ako, napalingon rin si Rio saakin.

His faced, for the longest time I didn't see him and now... goddamn I fucking miss him!

Agad akong tumakbo sakaniya at niyakap siya.

"My binibini..." Sambit niya atsaka ako niyakap. My binibini. Nakakamiss.

"Tsss, ako ang tumawag sa iba pumunta? Pambihirang pagmamahal iyan." Napangiti ako nang marinig ang aking Ama.

Pinakawalan ako ni Rio mula sa pagkakayakap upang puntahan ang aking Ama.

Umalis ako sa pagkakayakap at ang ama ko naman ang aking hinarap.

"Ama...huwag ka ng magtampo. Mahal ka naman ni Ina eh." Biro ko sakaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon