ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ ɪᴠ

76 15 0
                                    

Kabanata IV : Buwan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata IV : Buwan

Hindi ko na kaya! Nakakabaliw ang kanyang presensya! Kailangan kong makawala sakanya! Arghhh!

"Rio, maari mo bang iwan muna kami?" Inis kong utos sakanya. Hindi s'ya sumagot.

Naikuyom ko ang aking palad.

"Zen, ilang beses mo ng sinubukan iyan." Bulong ni Sinag saakin.

"Bakit mo ba kasi tinataboy ang makisig na lalaking 'yan." Sabi naman ni Paola.

"Nakakaistorbo ang kanyang presensya hindi ako makapagaral pagnasa tabi ko s'ya." Bulong ko sa dalawa kong kaibigan.

"Sabagay, sa sobrang gwapo ba naman ng lalaking nagbabantay sa'yo eh." Inirapan ko si Sinag.

"Ganito nalang." Mas lumapit si Paola para bumulong saamin ni Sinag at hindi marinig ni Rio na nasa likuran namin.

"Hindi s'ya makukuha sa pakiusap, kung gusto mong makawala sakanya kailangan mo s'yang linlangin." Bulong ni Paola. Napatango naman kami ni Sinag.

"Ngunit papaano?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat si Paola. Napaisip naman ako.

Nasa labas kami ng paaralan at naglalakad papunta sa Feverel rito sa Sinhaya upang tumingin ng mga damit.

Napangiti ako ng may maisip. Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Rio. Hindi pa kami nalalayo sa paaralan.

"Rio, naiwan ko ang gamit ko sa silid aralan. Maaari mo ba itong kunin para saakin?" Pagsisinungaling ko. Napatingin naman ang dalawa kong kaibigan saakin.

"Mamaya ko na po 'yon gagawin pagkauwi natin sa bahay." Nginitian ko s'ya na parang nagmamakaawa.

"Ngayon mo na gawin Rio, may ipapagawa ako sa'yo mamaya kung kaya'y wala ka ng magiging oras pa para kuhanin ang gamit ko." Ang galing ko talagang magsinungaling.

"Oo nga Rio. Hihintayin ka naman namin rito." Dagdag pa ni Paola.

"Kung gayon ay maiwan ko na kayo. H'wag na h'wag kayong aalis dito." Tumango naman kaming tatlo.

Nang makaalis s'ya ay napatalon pa kami sa saya.

"Sa wakas! Nawala na rin s'ya saaking likuran." Masaya kong sambit.

"Tara na bago pa makasunod saatin si Rio."

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang isipin si Rio. Isang linggo palamang siya dito sa Sinhaya, paniguradong hindi n'ya pa kabisado ang lugar dito. Balikan ko nalang kaya?

Hindi maaari. Ngayon lamang ako nakatakas sakanya dapat ay sulitin ko na.

Pagkapasok namin ng Feverel ay agad akong binati ni Pedro na nagtatrabaho doon.

"Magandang hapon Binibining Zenaida." Yumuko pa ito saakin upang magbigay galang. Nginitian ko s'ya at binati rin.

"Magandang hapon rin Pedro."

Ang Luntiang Alapaap [✓]Where stories live. Discover now