ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ ɪx

53 12 0
                                    

Kabanata IX : Hinala

"Rio, maaari mo ba akong gawan ng pagkain?" Utos ko sakanya tumango siya at tumungo sa kusina sumunod naman ako sakanya.

Nagugutom ako.

Pinagmasdan ko siyang maghiwa ng mga gulay na ilalagay sakanyang lulutuin.

"Lahat nalang kaya mo ano?" Tanong ko. Paano ba naman kasi. Lahat nalang nang iutos ko ay kaya niyang gawin.

Ang lalaking may bughaw na mata, at ang huling André na tapat sa isang Lefèvre. Malakas, makisig at tapat ano pa ba ang hahanapin mo sa isang Asterio André? Tatandaan kita lagi Rio.

"Maaari mo ng ihiwalay ang tingin saakin binibini." Napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya.

"Nagrereklamo ka ba? Huwag kang makielam saakin. Titignan ko ang gusto kong tignan." Bulalas ko at ipinagpatuloy siyang tignan. Napangiti ito bigla.

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ko.

"Hindi ba't mas maganda kung nakangiti ang iyong tinititigan?" Napangiti ako.

"May punto ka, ngayon ngiti." Utos ko sakaniya.

"Masusunod binibini." Malugod naman siyang ngumiti.

Ilang sandali pa ay napaungol ako nang maamoy ang nilulutong sinigang ni Rio. Sumama naman ang tingin niya saakin.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Do that again and I'll promise you'll get what you deserves." Parang may kung ano sa pagkababae kong nabasa ng marinig ang mga salitang 'yon. Demanding yet so Attractive.

"Alam mong nakakaintindi ako ng Ingles hindi ba?" Tanong ko rito.

"Alam ko Binibini." Oh, ngayon balik tayo sa pagiging maginoo? Tsk. Tsk.

"Alam mo bang ang landi mo?" Tanong ko. Napakunot ang noo n'ya at napatingin saakin.

"Oh am I?" Nginusuan ko nalamang siya. Napangiti siya at ibinalik ang atensyon sa niluluto.

Nitong mga nakaraang araw tuwing maguusap kami ay madalas siyang nagsasalita ng Ingles saakin. Mukha ba akong tanga na hindi alam kung ano ang salitang Ingles?

"Ito na ang pagkain binibini." Wika niya atsaka inihanda ang pagkain saaking harapan.

"Kumain ka rin." Utos ko.

"Masusunod." Napangiti ako. Lubhang madali siyang mapasunod. Paano kaya kung hindi ako naging isang Lefèvre? Malamang sa malamang ay hindi ko man lamang siya makakausap.

Sa sobrang tapat sa Lefèvre ng isang André ay wala itong ibang kinakausap maliban nalang kung utusan sila nito.

Natapos kaming kumain. Nais ko sanang bisitahin ang aking Ama dahil balita ko ay naroroon na siya galing sa Broneyo ang lupain ng pamilyang Roux.

Maayos ang daan papunta sa Vitalye. Tahimik, at payapa.

"Magandang Hapon Ama." Bati ko sakanya. Nawala ang aking ngiti ng makitang problemado siya.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon