ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ xxᴠɪɪ

44 6 0
                                    

Kabanata XXVII : Pagpapahirap

Nagising ako nang huminto ang aming karwahe, nakapiring parin ako ng pababain nila, dahan-dahan akong bumaba sa karwahe upang hindi mahulog.

Kahit malakas ang tibok ng aking puso sa kaba ay pinili kong magpakatapang at maging mahinahon. Ramdam kong madamo ang aking tinatapakan, marahil ay nasa isang kampo ako. Tumama rin ang malamig na hangin saaking balat at rinig ko ang paghampas ng tubig.

Nang makalapit kami sa isang lugar ay may naririnig na akong mga taong nagbubulungan. Pumasok kami sa isang hindi malamang lugar, ilang lakad pa ay tumaas ang aking balahibo sa takot nang marinig ang isang matinis na sigaw. Shit, please don't tell me they are torturing someone.

"Tama na! Pakiusap!" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Ana, bakit siya nandito? Rinig ko ang iyak niya na mas lalong nagpakaba saakin.

"Ginoong Caleb andito na ang anak ni Ramil Lefèvre." Sambit ng isang lalaki na nakahawak saakin.

"Zenaida!? Zenaida! Andito ako!" Sigaw niya, kumpirmado, si Anna ang babaeng ito.

"Magtiis ka, andito na ang kasama mo, hindi ka na magiisa." Sambit ng isang lalaking may baritonong boses.

"Anong gagawin namin sa isang 'to, Ginoo?" Tanong nang isang nakaalalay saakin.

"Igapos niyo siya katabi ng binibining ito." Ginawa naman ng mga lalaki ang sinabi ng Ginoo.

Iginapos nila ang aking kamay sa isang mataas na bagay upang panatiliin akong nakatayo.

"Tanggalin ninyo ang kaniyang piring." Utos ng Ginoo sakaniyang mga tauhan. Agad nilang tinanggal ang piring ko sa mata. Pagkamulat ko ay agad kong tinignan ang Ginoong naguutos sakanila.

Hindi ako nakagalaw nang makita ang pamilyar na lalaki na nakadantay sa lamesang kaharap namin. Siya...ay isang Roux.

"Caleb..." Sambit ko nang may mapagtanto.

"Caleb Roux, Ang pinsan ni Callum Roux, Asaan po tayo? Bakit ako nandito?" Pabulong kong tanong. Napatingin ako saaking katabi na sugatan. Shit, nakagapos rin siya.

"Bakit mo ginagawa 'to!?" Tanong ko. Napatingin ako sa paligid, kami ay nasa isang malaking tolda.

"Isa kang Rou---" agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kaniyang kamay.

"Shhh!" Pagpapatahimik niya saakin. Napakunot-noo ako. Bakit niya ako pinapatahimik?

"Anong sinasabi mo Zenaida? Isa siyang Rou---"

"Shhh!! Manahimik kayong dalawa kung ayaw niyong masaktan!" Pagbabanta niya saamin na agad nakapagpatahimik saamin.

"Aish, ipapahamak niyo pa ako, kayong mga bata kayo oh." Naguguluhan ako, Bakit ganito siya magsalita saamin?

"Kayong lahat makakaalis na kayo." Utos niya sa mga kawal na agad nilang sinunod.

"Pasensya na kayo, kailangan ko kayong saktan, basta sisigaw kayo nang malakas at parang lubhang nasasaktan ay hindi ko kayo gaanong sasaktan."

"Ayan ang sabi mo saakin kanina." Sambit ni Ana.

Napatango naman ang Ginoo. "Pasensya na at kailangan kitang sugatan. Alam mo namang tinitignan tayo ng hari dito minsan." Pagpapaliwanag niya, habang ako ay naguguluhan parin.

"Anong nangyayari?" Tanong ko.

"Isa siyang kakampi Zenaida." Sambit ni Ana na mas lalong nagpagulo ng isip ko.

"Ha? Hindi ba sinaktan ka niya? Narinig kitang sumigaw kanina at nagmamakaawa." Napangiti siya.

"Ano? Kapani-paniwala ba?" Tanong niya. Hindi ako sumagot, naguguluhan parin ako.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Where stories live. Discover now