ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ xx

51 5 0
                                    

Kabanata XX : Digmaan

Mabilis naming binaybay ang pabalik sa Vitalye.

Ang dahilan kung bakit gustong ipapatay ng hari ang mga André ay dahil sa Ina ni Rio.

Sa buong oras na pagbalik namin sa Vitalye ay inaalala ko si Rio.

Hindi parin ako makapaniwala sa natuklasan. Si Rio ay isang prinsipe.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o ano. I should be happy right?

He is not just an André, He is Asterio André Miller. The supposed to be prince of the kingdom of Enivid.

Ngayon alam ko na, hindi talaga ako karapatdapat sakaniya. Puta, ako ang nagsasabing walang kwenta ang pangalan pero ngayon...hindi ko na alam.

"Ayos ka lang Zenaida? Gusto mo bang magpahinga muna?" Tanong niya. Agad akong umiling.

"Hindi na. Ayos lang ako kailangang ipaalam natin agad ang balitang Ito saaking Ama." Sambit ko.

The letter says, that his mother is the former princess of Enivid, If she's still alive right now, she'll be the Queen of that kingdom, which makes Rio the prince.

I actually am the nobody here.

Isang Prinsesa si Marisa André kaso ay tinakasan niya ang kaniyang Ama, nang tumakas siya ay agad siyang pinahanap at patayin dahil nais ng Ina ni Rio na ilantad sa mga tao na ang masasamang gawain ng kaniyang Ama. Inaabuso rin siya ng kaniyang Ama, sinasaktan at laging pinapaiyak. Humingi ng tulong ang kaniyang Ama sa Hari ng Almazan na gawin ang balak sa anak. Ang mga André ay pamilya ni Ernesto André, napagkasunduan nilang takasan ang Ama ng kasintahan upang makaligtas sa kamay nito.

At kagaya ng isang pamilya, tinanggap nila ang Prinsesa sa pamilya nila, nagpakasal ang magkasintahan at nagkaroon sila ng anak.

Mag gagabi na nang makapunta kami sa Vitalye. Agad naming hinanap ang aking Ama. Wala siya sa kaniyang opisina, Kung kaya ay tinanong namin ang aking mga Tiyahin na nakatira rin sa Mansyon.

"Ha? Ang iyong Ama? Nasa pagamutan natin siya ngayon." Bigla akong kinabahan sa sinabi ng aking Tiya.

"Ano pong nangyari sakaniya?" Nagaalala kong tanong.

"May dinala sila ditong babae, sugatan. Dito nila dineretsyo sa mansyon at dito na pinagamot." Nakahinga ako nang maluwag ng marinig iyon.

"Sige, Tiya, pupuntahan po namin ang Ama." Pagpapaalam ko atsaka pumunta sa pagamutan ng mansyon.

Pagkabukas namin ng pinto ay nakita namin ang nagsasagutang Roux at babae, habang ang aking ama ay inis silang pinapakinggan. Ang babaeng iyon...siya yung pulubi.

"Ama." Tawag ko sakaniya. Napalingon naman saakin ang aking Ama at napangiti.

"Anak." Nilapitan niya ako atsaka ako yinakap. Anong problema?

"Ayos lang ba kayo Ama?" Humiwalay siya saakin at tumango.

"Ayos lang ako, Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong niya. Nilingon ko si Rio na daladala ang kahoy na kahon.

"Nandito po ang sulat ng aking Ina." Nilapag ni Rio ang kahon upang buksan at kunin ang papel at ibibigay saaking Ama.

Walang pagdadalawang isip na binasa iyon ng aking Ama. Habang binabasa niya iyon ay napalingon ako sa pulubing babae.

Nilapitan ko siya dahilan para mapatigil sila ng ginoong Callum sa pagaaway.

"Binibini." Tawag niya saakin. Nginitian ko siya.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Where stories live. Discover now