ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ ᴠ

63 10 0
                                    

Kabanata V : Tulog

Hindi ako nakatulog kakaisip sa aking nararamdaman. At iisa lamang ang pumapasok sa aking isipan. Gusto ko siya. Ngunit ang mga salitang 'yon ay pilit ko ring inaalis saaking isipan. Hindi maaari. Lagpas isang linggo pa lamang kami nagkakakilala. Hindi ito maaari lalo na sa isang André.

Pagtayo ko saaking kama ay boses kaagad ni Rio ang aking narinig.

"Binibini. Ika'y gumising na para pumasok." Bumuntung-hininga ako bago siya sagutin.

"Gising na ako. Maaari mo bang ihanda ako ng mainit na tubig upang makaligo ako?"

"Masusunod binibini." Sambit niya atsaka pumasok saaking silid upang ihanda ang aking paliguan. Bagsak ang balikat akong pumasok roon.

Hindi ito maaari. Bawal ito. Ayoko.

Inalis ko lahat ng aking saplot saaking katawan, Nang makasulong sa maligamgam na tubig ay para akong napahinahon noon.

Literal akong hindi nakatulog kagabi kakaisip kay Rio at hanggang ngayon siya parin ang nasa isipan ko.

Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita. Hindi ito pagmamahal, siguro ay naaakit lamang ako sakanyang itsura at 'yon na 'yon.

Ngunit gusto mo rin ang pakikitungo n'ya sa'yo kagabi.

Naikuyom ko ang aking palad dahil sa naisip. Hindi. Hindi ko siya gusto.

Hindi ko namalayan na napapikit at nakatulog na pala ako sa sobrang antok.

"Binibini! Binibini! Ayos ka lang ba d'yan!? Holy shi---Zenaida! Maaari ba akong pumasok?" Rinig ko ang sigaw ni Rio sa labas. Nasaan ako?

Pagkamulat ko ng aking mata ay ang nagaalalang mukha ni Rio ang aking nakita. Inaantok pa ako. Anong karapatan niyang istorbohin ang tulog ko? Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nasa paliguan ako at nakahubad sa ilalim ng tubig.

"Binibini! Ayos lang ba kayo?" Hindi ako nakasagot dahil gusto ko pa talagang matulog. Samantala ay binigyan ko siya ng inis na eskpresyon.

"Magsalita ka binibini."

"L-lumayas ka rito, wala akong kahit anong saplot." Pagod kong sambit.

Pumasok si Manang Ymelda na may dala-dalang pamunas, binalutan ang hubad at basa kong katawan.

Ginabayan ako ni Manang Ymelda na tumayo at bihisan. Nainis ako nang makita si Rio na pinapanood ang pagbibihis saakin ni Manang sa likod na tila ba binabantayan kami.

"Palayasin niyo siya rito sa paliguan Manang." Tumango si Manang at agad na sinunod ang utos ko.

"Rio gusto ng binibini na ika'y lumabas rito." Sumunod naman agad si Rio.

Nakakahiya. Nakita niya ang halos lahat ng aking balat, nakita niya ba ang buong katawan ko?

Nang matapos akong bihisan ni Manang ay pilit akong lumabas saaking paliguan kahit nahihilo at gusto ng makapagpahinga ng aking katawan. Wala akong tulog kagabi.

Nang ako'y mabuwal ay agad akong sinalo ni Rio na naghihintay sa labas ng aking paliguan.

Binuhat niya ako at agad naman akong kumapit sakanyang leeg. Ang amoy na ito...nakakabaliw. Wala sa sarili kong inamoy si Rio. Ang bango...

"Itigil mo 'yan binibini, kung hindi ay baka biglang maglaho ang aking pagtitimpi." Pagtitimpi? Anong ibig mong sabihin? Nais kong itanong sakaniya 'yon ngunit muli ako napapikit sakanyang mga bisig habang inihiga niya ako saaking kama.

"Pinagalala mo ako Zenaida." Iyon ang huling salita na narinig ko at nagpangiti saakin bago ako muling makatulog.

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay si Rio na nasa tabi ko at nakadukmo saaking kama ang agad kong nasilayan.

Binantayan niya ba ako? Hindi ko napigilang pagmasdan ang maamo nitong mukha. Hindi ka rin ba nakatulog? Walang isip-isip kong hinaplos ang kanyang kayumangging buhok.

Napatingin ako sa bintana ng aking silid. Hapon na. Ilang oras akong nakatulog? Sandali...Ang klase ko!

Agad akong napaupo nang may mapagtanto na naging dahilan para magising ang André na nasa tabi ko.

"Hmm...Binibini. Nakapagpahinga ka na ba?" Agad akong napaiwas ng tingin. Ang boses nito ay lubhang nakakaakit.

"A-ayos na ako. Ang klase ko, hindi ako nakapasok."

"H'wag mo na iyong alalahanin pa, ipinaalam na kita sa 'yong mga Guro. Mabuti pa at ika'y kumain muna." Tumayo siya at kinuha ang pagkain mula sa lamesa ng aking silid at nilapit iyon sa tabi ng aking kama.

Umayos ako ng aking upo nang maamoy ang pagkain. Nagugutom ako.

Agad kong kinain ang pagkaing nakahain. Matapos kumain ay agad akong tumayo. Ako'y naiilang sa kanyang presensya.

Aalis na sana ako saaking silid nang bigla n'ya akong pigilan.

"Hindi ka maaaring lumabas binibini. Kailangan mong magpahinga."

"Nakapagpahinga na ako. Bitiwan mo ako." Utos ko sakanya na agad n'yang sinunod.

"Magpahinga pa kayo." Base sa boses nito ay para n'ya akong inuutusan. Napakunot ang aking noo.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Nais ko lamang kayong magpahinga Binibini. Kung hindi ay baka makatulog na naman kayo kung saan-saan." Bakas sa mukha nito ang pagaalala saakin. Dahilan para mawala ang inis saaking mukha.

"Sinasabi ko sa'yo Rio. Ayos na ako. Nakulangan lang ako ng tulog kagabi." Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko upang makalabas ngunit itulak n'ya iyon para hindi ko mabuksan.

Doon na ako lubhang nainis. "Palabasin mo ako Rio." Utos ko sakaniya.

"Kailangan ninyong magpahinga Binibini." Hinarap ko siya upang pagsabihan ngunit hindi ko na nagawa nang makita ang seryoso nitong mukha.

"Pakiusap." Ang puso ko na naman nakakainis, kusa itong tumitibok para sakaniya.

Wala akong nagawa kundi ang muling humiga saaking higaan.

"Maaari mo ba akong ikuha ng libro sa silid aklatan?" Yumuko ito bago umalis saaking harapan.

Ilang saglit pa ay wala paring dumadating na Rio sa aking silid.

Nang hindi na ako makapaghintay ay tumayo ako at lumabas ng aking silid sakto namang papasok si Manang Ymelda sa aking silid.

"Ah. Nasaan po si Rio?" Tanong ko rito.

"Kausap n'ya ang iyong Ama binibini." Nanlaki ang aking mata sa gulat.

"Nandito ang aking Ama!?" Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa at tinungo na ang sala.

Dali-dali akong pumunta roon, ngunit napahinto nang marinig ang usapan nila ni Rio.

"Bata pa po ako noon ng mangyari ang gulo ng aming pamilya at Roux." Gulo? Ang digmaan ba na naging dahilan kung bakit s'ya nalamang ang nagiisang André ang kanyang tinutukoy? at Roux? bakit naman nila bibigyang pansin ang pamilyang André?

Lumabas na ako sa pinagtataguan at nagpakita sakanila.

"Ama." napalingon siya saakin, wala akong makitang gulat sakanyang mukha, tila ba inaasahan na niya ako dito.

"Bakit hindi ko alam ang tungkol rito?" tanong ko at umupo sa upuang katabi ng kay Rio.

Ang tanging naaalala ko lamang sa mga André ay ang pagtatangka nila sa aking buhay, ngayon ay mas malala pa ata, ginalit nila ang mga Roux kahit alam naman nilang wala silang laban sa pamilyang 'yon.

Ang Luntiang Alapaap [✓]Where stories live. Discover now