ᴋ ᴀ ʙ ᴀ ɴ ᴀ ᴛ ᴀ xɪ

44 7 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabanata XI : Pangamba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kabanata XI : Pangamba

Araw-araw kaming nageensayo ni Rio na magsayaw at araw-araw ring hindi matanggal ang ngiti ko saaking labi.

Ngayong gabi, ay ang gabi ng selebrasyon.

Nasa iisang karwahe kami ni Rio. Magkaharap na nakaupo habang iniisip ang maaaring mangyari sa selebrasyon.

Ang tinig ng mga yapak ng kabayo sa gitna nang malamig na Sabado ng gabi ang tanging naririnig namin.

Napatingin ako sa lalaking magsasayaw saakin. Ang detalye sa luntian nitong kasuotan ay nangngahulugang ang mga Lefèvre ang gumawa noon.

Ang buhok nitong inayos ay bumagay sa maginoo nitong pustura.

"Handa ka na ba?" Tanong ko.

"Handa na akong maisayaw ka binibini." Nakangiti nitong saad saakin.

Nang malapit na kami sa palasyo ay naririnig ko na ang mga bulungan ng mga tao sa labas ng karwahe.

Rinig ko rin ang palakpak nila sa mga bisitang bumaba na at lumalakad na sa pulang alpombra papasok ng palasyo.

"Rio, ako ba ang una mong maisasayaw?" Biglaang tanong ko. Nginitian niya ako at tinanguan.

"Ikaw ang unang binibini na aking isasayaw. Zenaida."

"Hmm?"

"Nais mo parin bang isayaw ang prinsipe?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Hindi namang kailangan na ang Prinsipe ang magsayaw saakin at isa pa, mas mahusay ka namang sumayaw sakaniya." Napatawa kaming dalawa saaking turan. Naalala ko tuloy ang mga apak na natanggap ng aking damit at paa mula sakaniya.

"Oras na upang lumabas Rio." Diklara ko. Tumango siya at bumaba na nang huminto ang aming karwahe.

Inalalayan naman niya akong makababa. Ang mga bulong-bulungan ay lumakas sapagkat hindi nila mawari kung sino ang kapareha ko.

"Sino iyang Ginoo na iyan?"

"May bago na naman bang pamilya sa Vitalye?"

"Mukhang mapera, at ang gwapo pa!"

Ang Luntiang Alapaap [✓]Where stories live. Discover now