Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

"So... Clearance na agad daw bukas—," hindi pa natatapos magsalita si Abcde ay umangal na agad si Percy.

"Ano?! Agad-agad?! Bakit ang bilis naman?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Ewan ko, tanong mo sa dean. Anyways, ayun nga, clearance na agad bukas. After that, we can already prepare our requirements for college." 

"Kailan ba kayo mag-eenroll for college?" tanong naman ni Addison kay Abcde.

"Hmm, it depends. Kung mabilis ang pagpoproseso sa mga requirements namin, mas maaga. Kung hindi, edi hindi." 


"What if we move to Gilgahare? Tapos sama-sama tayo? Para naman new environment din sa amin." Kaizer suggested. Well, that's good since kaming tatlo, magkakasama lang lagi. Plus, a bigger circle of friends would be fun! Sana lang labas sa usapang gang si Abcde at Percy.

"Sounds great, right?" at nagtanguan naman sila. In the end, napagplanuhan pa nila na sabay-sabay mag-enroll, well, except kay Stellans at Dovalier since ahead sila ng isang taon sa amin. Stellans is taking Psychology while Dovalier is taking PolSci.

Nagtawanan naman sila sa pinag-uusapan nilang plano. Ako? Ewan ko, hindi ko lang feel maki-join sa usapan nila.


"Hoy, anong meron sayo at mukhang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?" tanong ni Percy sa akin. Napansin niya ata na hindi ako nakikisabay sa kanila. Napatingin tuloy ang grupo sa akin.

"Wala naman, baka pagod lang sa byahe." I shrugged. Totoo naman, hindi ko talaga alam anong meron at bakit ganto ang asta ko ngayon.

"Okay, sabi mo eh. Anyways, kwento naman kayo sa nangyari sa Cebu!" pag-cheer ni Percy. Sumang-ayon naman si Abcde.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko, nakita ko ring naitikom ng Kaizer at Stellans ang mga bibig nila. Pero si Addison, nanatiling nakangiti sa kanila.


"Wala, the typical vacation type. Beach hopping, Island hopping, mga ganun ba? Ah! Nagcliff jumping din kami." Addison summarized, not including the part kung saan nakilala namin si Phoenix.

"Ha? 'Yun lang? Walang bakbakan ganun?" pabirong tanong ni Abcde.

Nagkatinginan lang kami ng mga ka-gang ko at nagkibit balikat. Nang tinignan ko ang dalawa ay mukhang alam na nila ang sagot sa pananahimik namin.

"Gusto niyo bang pag-usapan? Pwede naman tayong umalis dito." nag-aalalang sabi ni Percy. Iniisip yata nito na baka wrong timing tsaka wrong place yung tanong nila. 

Umiling lang kami at sinenyas na tsaka na lamang ito pag-usapan. 


Pero alam ko sa sarili ko na gusto kong pag-usapan ang nangyari noon. Lucas... Phoenix... Kung anong nangyari nung araw matapos namin kidnappin si Phoenix... It was all too fast, hindi ko namamalayan ang mga araw.

Gaya nga ng sinabi ko, mabilis lumipas ang oras at ang araw. Graduation na namin. Mabilis lang kasi natapos 'yung clearance, lalo na pag alam mong kumpleto ka kaya magpapapirma ka nalang. 

That's why I'm inside my bedroom right now. Sa mansyon muna ako nag-stay dahil 'yon ang utos ni Tita Laurisse, after I enrolled for college, tsaka lang ako pwedeng lumipat sa condo ko.


"Reinette! Bilisan mo! We're leaving in 5 minutes!" sigaw ni Tito Justin galing sa dulo ng hallway, I guess? His voice was faint.

Kaagad kong kinuha ang purse at ang cap and toga ko at mabilis na bumaba. Ayokong mabulyawan at baka masira pa ang araw ng graduation ko. Thank God I survived Senior High.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon