Chapter Two

118 50 24
                                    

Brentville University


Chapter Two



"Ano nanaman bang kapalpakan ang ginawa mo, Reinette?" sigaw ni Tita Laurisse sabay hablot sa buhok ko.

Hindi ko sinasadyang matabig ang isa sa mga mamahaling vase sa hallway malapit sa office area kung saan naroon naglalagi ang mag-asawa dahil sa inaasikaso nila ang kanilang trabaho.

"Hindi ko po sinasad—," 

"Hindi sinasadya?! Are you stupid?! Ilang beses ka nang hindi nakakasunod sa mga tawag ko sayo! Hindi mo rin nililinis ng maigi ang kwarto mo! Sa tingin mo ligtas sa akin 'yang pinaggagagawa mo?" padabog niyang binitawan ang buhok ko at itinulak ako ng malakas na dahilan ng akin pagkadapa at pagkauntog sa binti ng lamesang naroon.

"Nineteen ka na pero tatanga tanga ka parin! Umayos-ayos ka nga! Kaya ka iniiwan sa bahay ampunan eh!"

"Wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan! Hindi mo alam ang buong kwento!" pagmamatapang ko.

Shit, sana hindi nalang ako sumagot. Dapat pinigilan ko sarili ko.


Nanlaki bahagya ang kaniyang mata sa tapang na nalikom ko. Bago ako maka-angal ay sinampal na niya ako. "Para 'yan sa mamahaling vase ko!" isa pang sampal. "Para 'yan sa pagsagot sakin! Ang kapal ng mukha mong impokrita ka!" 

Kamukha niya yung isa sa mga evil witch sa lagay niya ngayon. Napangiwi nalang ako.

Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at ini-lock 'yon. Umiyak lang siya ng umiyak doon dahil sa iba't ibang klase ng sakit na tumama sakaniya. It really sucks big time when physical, emotional and mental pain hits you at the same time.

Nakatulog na lamang ako sa kakaiyak, dulot na rin ng pagod at panghihina.


Naalimpungatan ako nang may pumasok sa kwarto ko. Siguro ay ginamit nito ang susi para doon. Kung sino man 'yon ay wala na akong pakealam. Pero tinignan ko parin kung sino yon, mamaya kidnapin ako eh.

Bumuntong hininga ako nang makita ko si Tito Justine papalapit sa kama ko. Umupo siya sa gilid ng kama ako at nagsalita na bahagyang ikinagulat ko. Hindi nito napansin ang sugat at pasa ko sa mukha dahil madilim na at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa aking kwarto.

"Reinette, iha," mahinahon niyang sambit. 

Sana all. Diba, Tita Laurisse?

Ginalaw ko ulo ko bilang tugon at sabihing ipagpatuloy ni Tito ang sasabihin niya.

"Nai-enroll na kita sa university malapit sa may Aristorenas Avenue. Si Dominic ang magiging driver mo kasama ang isang bodyguard. Brentville University ang pangalan ng eskwelahan, for sure you'll like it there. By the way, the first day will happen next next week, kaya kailangan natin mamili ng mga gagamitin mo bukas at ibang libro." tuloy-tuloy na sabi nito.


Maagang akong gumising upang maghanda sa pag-alis namin ni Tito Justin.

Nagsuot ako ngayon ng white cropped top long sleeve at street style pants. Pinaresan ko iyon ng white sneakers. Nagsuot din ako ng kwintas, black cap at black mask para matakpan ang sugat at pasa ko sa mukha. 

Pagkarating namin roon ay bumili lamang kami ng ilang gamit at pangpinta. Umangal pa nga ako dahil puro mamahalin ang binili ng Tito Justin. Binilhan pa niya ako ng iPad at laptop para sa education purposes, kahit meron naman na ako nun sa mansyon.

Bow Down, Master (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon