Week 3. Portrait Of My Love (2130 words)

14 2 7
                                    

Yennie

Lamartine once said, "Sometimes, when one person is missing, the whole world seems depopulated.."

And I'm missing someone.

I'm Yennie Galvez. A simple girl live in a simple life. I love arts, a former 4th year college sa St. Claire University, studying Fine Arts.

While walking in the alley of the school, I seriously watching my favorite K-drama "What's Wrong With Secretary Kim?" and accidentally bumped into him.

Nahulog ang cellphone ko ngunit hindi iyon ang nagpabagabag sa'kin. Dahil agad niya akong hinapit sa beywang nang walang pagdadalawang isip. Kumaripas naman sa pagtibok ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Naalala ko ang kissing scene na napanood ko kani-kanina lang. Napakagat ako ng labi na tila uhaw nang mabaling ko ang aking paningin sa mga labi niya. Nilihis ko ang paningin ko nang makitang namamanghang nakatitig siya sa'kin.

"S-sorry." Pilit kong iwinaglit sa isipan ko ang mga nangyari at kumilos nang normal. Pinulot niya naman ang cellphone ko at sumilay ang mga mapuputing ngipin niyang iniabot ito sa'kin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa kanya dahil sa ngayon ko lang siya muling nakita.

Sa sobrang hiya, tumakbo nalang ako palayo sa kanya. Naulinigan ko pang sumigaw siya.

"Miss! I'm Harold."

I know. I know right.

I know you. Because I'm your girlfriend. Yes. Girlfriend niya ako but he doesn't remember me. May amnesia siya. Apparently, kakauwi palang nila galing States. On going pa raw ang gamutan. Malaki ang naging galit sa'kin ng mga magulang niya at para maprotektahan ang anak nila ay minabuti nilang isikreto ang naging relasyon ko sa kanya. Sumang-ayon naman sa kanila ang tadhana dahil hindi na raw ako maalala ni Harold. Nakakalungkot man isipin ngunit wala akong magagawa dahil tatanggalin daw nila ang scholarship ko sa University.

Gabi-gabi akong umiiyak sa mga nangyari. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya.

Flashback:

Naglalakad na ako pauwi ng bahay nang may humintong black van sa harap ko, may itinakip silang panyo sa aking ilong dahilan para mahimatay ako.

Nagkaroon ako ng malay nang may nagbuhos sa'kin ng malamig na tubig. Nakagapos ang magkabilang kamay at paa ko sa isang bakal na upuan. Naaninag ako ang isang babae. Maganda ito at mukhang kasing-edad ko lang. May mga lalaki ring nakapaligid dito. Mukha silang mga goons.

"YOU! You're Harold's girl, right?" natakot naman ako sa maaaring gawin nito sa'kin dahil naaninag kong may nakasukbit itong patalim sa beywang.

"Who are you? Let go of me! Wala kayong mapapala sa'kin!"

"Meron! Hanapin niyo ang cellphone niya. Bilisan niyo!"

Kinapkapan nila ako at hinalungkat pati ang aking bag. Sa kasamaang palad ay nakita nila ang cellphone ko at tinawagan si Harold. Ini-loud speaker pa nila ito para marinig ko ang magiging usapan nila.

"Hello love, nakauwi ka na ba? Sorry kung hindi kita naihatid."

"Harold, Harold, Harold. Kamusta na nga pala ang ex ko na iniwan ako para ipagpalit sa walang kwentang ito?!" Lumapit naman ito at saka ako pinagsasampal.

"Ha? Kamusta ka na? Wala akong marinig ehh! Sorry. Ano nga yon?" Patuloy lang siya sa pagsampal at paminsan-minsang pagsipa sa'kin.

"Tama na please.." Wala akong nagawa kundi sumigaw sa sakit na dulot niyon.

"Anong ginawa mo kay Yennie? Wag mo siyang sasaktan, Ysabelle! Nasaan kayo!"

"Don't you worry, hindi naman namin siya sinasaktan ehh. I'll give you a hint. Nandito kami sa isang lumang gusali malapit sa inyo. Come over here. Ikaw lang mag-isa! Ikaw kasi, namimiss kita tapos hindi mo ako pinapansin. Kaya.. ako na ang gumawa ng paraan." Pagsasalita niya na may kasamang pang-iinsulto. Aakalain mong nasisiraan na ng tuktok.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jun 28, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

MOSS (My One Shot Stories)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora