Week 2: Fell In Love With A Gamer (1952 words)

17 4 6
                                    

One word describes me.

Gamer.

Sabi nila ang mga kagaya ko raw ay walang mapapala sa mundo. Hindi marunong magseryoso sa mga bagay, laging bugnutin, ubos pera para lang makapagtop-up, at walang ibang alam kundi ang maglaro.

Well to be honest, isa na ako jan.

Wala naman akong magagawa kung ayan ang nasa isip nila. Ang mahalaga, makapaglaro lang ako ng sasapat sa isang araw, tapos ang usapan.

"Jawey!" singhal na sigaw ni mama.

"Mag-uutos ka na naman ma! Sila ate nalang nandiyan naman sila eh! Lagi nalang ako." sagot ko naman.

Bugnutin ko nga talaga.

Ang daya kasi, kapag wala sila mama, ako inuutusan tapos kapag nandiyan, ako pa rin. Shucks.

1 app downloaded.

Yes! Natapos na rin ang dinownload ko na online game. Kasalukuyan kasi ako naghahanap ng bagong larong paglilibangan. Syempre bakasyon ngayon at kailangan kong sulitin iyon.

This is it.

Agad kong in-install ang larong iyon. Gumawa ako ng account and then, shing! Meron na syempre. Ako pa. Alam ko na ang pasikot-sikot sa mga ganito.

Dahil simulation game iyon, gumawa ako ng avatar. Nang matapos na ako ay nagsimula na akong gumala sa RPG World.

At sa matagal na pag-gagala ko, siguro mga 4hrs na akong naglalaro. Nakalimutan ko na ngang kumain ng hapunan, nakaramdam din ako ng pagka-boring. Sino ba namang hindi mabo-boring, lahat ng mga naroon ay may kasamang mga barkada.

 Sino ba namang hindi mabo-boring, lahat ng mga naroon ay may kasamang mga barkada

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Siguro uninstall ko nalang ito.

Nang maagaw ang atensyon ko sa isang lalaki na mukhang nag-iisa rin. Nilapitan ko siya at sabay bati ng 'hi.'

Binati niya rin ako at doon nag-umpisa ang pagkakaibigan namin.

Simula noon, palagi ko na siya inaabangan sa pagnanais na makausap siya.

Naisipan ko nang hingiin ang fb niya, ang kaso nakakahiya naman sa part ko dahil babae ako. Dapat sa kanya manggaling yon at di sakin. Nakita ko na namang online siya kaya agad ko siyang nilapitan.

"Hi." nakasanayang bati ko sa kanya.

"Hello! Mukhang nahahalata kong sinusundan mo ko. May crush ka sakin 'no?"

Nabigla ako sa diretsahan niyang tanong. Akala ko wala lang noong una, pero habang tumatagal, hangga't nakakausap ko siya, nakikita ko siyang naka-online at nakakasama ay nahuhulog na pala ako nang wala man lang alam tungkol sa kanya bukod sa username na ginagamit niya sa laro.

Once and for all naman kasi, hindi ko pa naman naramdaman 'to sa isang taong nakakasalamuha ko lang sa harap ng RPG world.

"Hahaha! Asa ka! Pasalamat ka wala akong ibang kaibigan dito bukod sayo!" pagtatanggi ko kahit na sa totoo lang ay kinikilig na ako habang tinatype iyon.

MOSS (My One Shot Stories)Where stories live. Discover now