KAHARIANG MAS MAHINA?
Ang tinutukoy dyan ay ang kahariang sumunod sa Babilonia
Well? Sino ang sumakop sa Babylon/Babilonia?
No other than,
MEDO-PERSIA!
Namayani mula 539 BC hanggang 331 BC
Ang alam ko guys, sinakop ni Cyrus the Great(Hari ng Persia) ang Babylon/Babilonia
Yan ang dibdib at bisig na tanso(Sumisimbulo sa Medo-Persia)
Maliban dyan may nabanggit pang isang kaharian sa talatang iyon...
ISANG IKATLONG KAHARIANG TANSO ANG SASAKOP SA BUONG DAIGDIG
Anong kahariang tinutukoy dyan?
Well? Anong sumakop sa Persia?
Walang iba kundi ang Grecia/Greece!
Sa pamumuno mismo ni Alexander the Great!
Si Alexander the Great na hari na nangunguna sa pananakop!
Nakapaglakbay siya hanggang sa Silangan, maabot na niya ang India
Imagine mo mula Macedonia (mga Greek din nakatira doon) hanggang sa India woaah!
Interesting fact; ang mga armas ng Greeks ay gawa sa tanso
Eto pa guys, para naman sa kahulugan ng binting bakal
Daniel 2: 40
40 Susunod ang ikapat na kahariang sintigas ng bakal at katulad ng bakal na dumudurog, dudurugin din ng kahariang iyon ang lahat ng iba.
KAHARIANG SINTIGAS NG BAKAL?
DUDURUGIN ANG KAHARIAN NG IBA?
Anong kaharian kaya yun?
Ito'y walang iba kundi ang Roma!
Paganong Roma!
Ayon sa website ng Ancient history
In June of 168
BCE, the Roman general Lucius Aemilius
Paullus entered into battle against Philip’s
successor and son Perseus near Pydna, a
city in northeastern Greece . The resulting
fight would spell the end of an empire
established by Philip II and his son
Alexander the Great
Ayan! Dinurog ng kahariang bakal(Roma) ang imperyong Tanso(Griego/Greek)
At nandyan na nagsimula ang paghahari nila
Si Cristo Jesus ay ipinako sa krus noong panahong namamayani ang Imperyong Roma
may isa pang lilitaw pagkatapos ng bakal na iyan...
Basahin ang Daniel 2: 41- 43
Ang mga paa at mga daliri nito na luwad ang isang bahagi at bakal ang isa pang bahagiy 42 nangangahulgan ng pagkakahati ng kaharian; gayunman, makikibahagi iyon sa tibay ng bakal, at sa hina ng luwad. 43 Magiging haluan din ang lahi ng mga pinuno ngunit hindi mananatiling nagkakaisa, tulad ng bakal at luwad na di maaaring pag-isahin.
Isang bahaging LUWAD? Isang bahaging BAKAL?
Hindi sila pwedeng paghaluin!
Iba ang bakal sa luwad
Iba ang luwad sa bakal
Sinasabi na ang imperyo ng Roma(which is ang Binting Bakal) ay hindi masasakop pero mahahati
Hinati ang Roma sa dalawa, ang Kanlurang Imperyong Roma at ang Byzantine Empire!(yung nasa Silangan)
At later on may 10 tribu na naghati sa Roma..
Diba sampu ang daliri natin sa paa? Kaya't sampu rin ang tribong naghati-hati sa Roma..
1. Alemanni - Germany.
2. Visigoths - Spain.
3. Franks - France.
4. Anglo-Saxons - England.
5. Burgundians - Switzerland.
6. Ostrogoths - Exterminated.
7. Suevi - Portugal.
8. Lombards - Italy.
9. Vandals - Exterminated.
10. Heruli - Exterminated.
Magiging haluan daw ng lahi ang pinuno...
Tama! May kauna-unahang barbarong pinuno ang Roma, at si Odoacer yun
At hindi magkakaisa ang LUWAD sa BAKAL
Hindi magkakaisa ang kahariang pinaghati-hatian
At maraming taong naghangad na pagkaisahin ang buong Europe
Sina Haring Charlemagne, Napoleon Bonaparte at kahit na si Adolf Hitler
At may isa pang kaharian ang darating pagkatapos ng lahat ng iyan...
Ano kaya yun?
Basahin natin ang Daniel 2: 44- 45
44 Sa panahon ng mga haring ito, magtatayo ang Diyos ng isang kahariang hindi kailanman mawawasak ni masasakop ng ibang bayan. Dudurugin niyon at wawakasan ang lahat ng kaharian. At mananatili iyon magpakailanman. 45 Ito ang kahulugan ng iyong pangitain tungkol sa isang batong tinibag sa bundok, hindi ng kamay ng tao, na dumurog sa rebulto at sa mga bahagi niyong yari sa bakal, tanso, luwad, pilak at ginto. Ipinakita ng dakilang Diyos sa hari kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Totoo ang panaginip at maaasahan ang kahulugan niyon.
Isang bato ang wawasak sa lahat ng kaharian at mamayani magpakailanman!
Ito'y walang iba kundi ang kaharian ng Diyos!
Malapit na Siyang dumating!
Repent! Accept Christ as your Savior and be baptized! Dahil malapit na Siyang dumating!
Magsisi at tumalikod na tayo sa ating mga kasalanan!
-end-
YOU ARE READING
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
Non-Fictionthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.
PANAGINIP NG HARI
Start from the beginning
