Chapter 9: The deal

Start from the beginning
                                    

"Bakit?" tipid kong tanong sa kanya.

"Did you meet with Denver?" diretso niyang tanong kaya napangiwi ako. What the hell? Ano ba'ng sinasabi niya?

"Bakit naman ako makikipagkita sa kanya?" irita kong sabi.

"Bakit nasa kanya 'yong face towel mo kanina?" tanong niya ulit kaya napakunot ang noo ko.

"Nakasalubong ko lang siya sa canteen. Hindi ko siya pinansin. Nagmadali ako bumalik dito kasi hinahabol ko 'yong game niyo. Hindi ko napansin na nahulog pala 'yong face towel ko kaya inab—teka nga bakit ba ko nag-e-explain sa 'yo?" iritang sabi ko nang mapagtanto kong ang haba na nang sinasabi ko.

"Sure ka, 'di mo pinansin?" tanong niya ulit.

Bakit ba ang kulit niya?!

"Hindi ko nga pinansin!" Tumaas na ang boses ko. Akala ko ay makikipagtalo pa siya ulit pero mabuti na lang ay tumango-tango na siya.

"Pag nanalo kami ng second and third set, you have to do something for me," mariin niyang sabi kaya napataas ang kilay ko.

"And why would I do that?"

"I'll take that as a yes," nakangiting sabi niya, hindi man lang pinansin ang sinabi ko kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. Bago pa ako makapagsalita ulit ay tumakbo na siya kasunod nila Gonz papunta sa kabilang court. Change court na nga pala.

Agad na kinilig 'yong Realgorez students sa likuran ko dahil nasa harapan na namin ang mga players ng Realgorez. Ang sakit nga lang talaga sa ulo nang tili nila.

Sinundan ko nang tingin si Bellamy at kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya nakipaglandian doon sa babaeng lumapit sa kanya para abutan siya ng tubig. Seryoso? Tubig talaga? Ang dami kayang tubig nila Bell doon sa bench nila. Napailing na lang ako.

Habang pinagmamasdan ko siyang makipaglandian doon sa babae ay napalingon siya sa direksyon ko. Agad siyang napangiti nang makita niya ako. Iniwan niya 'yong babaeng kausap niya kahit salita pa nang salita 'yong babae at saka siya nagmadaling lumakad papunta sa 'kin.

Pagkalapit niya sa 'kin ay agad niyang itinaas ang kamay niya para makipag-high five sa 'kin.

Oh, God. Ito na naman siya.

Inirapan ko lang siya at nakipag-high five sa kanya. Wala akong choice. Kapag hindi ako nakipag high-five sa kanya ay paniguradong hindi ko na naman magugustuhan ang gagawin niya.

"It's nice to see you again, Feem," nakangiting sabi niya.

"Nag-usap na kayo ni Denver?" tanong niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit naman kami mag-uusap?"

"Oh. Hindi pa rin kayo ayos? Come on, Feem. He did his best to stop those p—"

"Can you just stay away from me, Bellamy? Ayoko nang magkaroon pa ng koneksyon sa inyo ng pinsan mo," malamig kong sabi.

"He apologized a million times already. You should do your part, you know?" He shrugged his shoulders obnoxiously as if the thought of apologizing a million times can solve everything.

"Just leave me alone!" I snapped.

Ikinabigla niya ang pagsigaw ko, pero naintindihan niya naman kung bakit ganoon ang inasta ko kaya hindi na siya nakipagtalo pa sa 'kin. "Alright. I'm sorry," kalmado niyang sabi bago siya bumalik doon sa bench nila.

"Ano? Titingin pa eh," irita kong sabi sa mga taong nakatingin sa 'kin. They all looked away and acted as if nothing happened. If only I could stab their eyes for watching me the whole day, I would! But of course, I definitely would not. I just tend to say things I don't mean and most of the time, that's the problem.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Where stories live. Discover now