Chapter Eleven

20 0 0
                                    

Nakaupo kami ngayon sa isang restaurant, nasa kabila side ng table si boss at Lucy na sweet na sweet, katabi ko si kuya kasama ang....kinabigla ko.............

Feeling ko pagod ako kahit yung pamimili pa lang ng damit ang ginawa namin at diretso na kami dito.

"Okay ka lang bunso durog na durog na yang chicken di mo ba nagustuhan?"si kuya.

"Maalat kuya eh pero okay lang parang busog pa kasi ako eh."pagsisinungaling ko, kunwari lang naman ako ang totoo naiinggit ako kay kuya kasama jowa niya tapos si boss yun sweet nila ng jowa niya.

"Maybe ito magustuhan mo hindi siya maalat"inabot ni kuya Jess ang steak sa akin.

Tatanggi sana ako kaso nakakahiya at ngiting ngiti pa.

Ayon kinain ko na lang ang pagkainggit ko sa kanila.

And wait....

Oo tama kayo ng nabasa si kuya Jess ang partner ni kuya.

Halos kasing-tangkad ni kuya, mas maputi si kuya Jess, singkit at gwapong-gwapo din.

Kala ko babaero si kuya yun pala katulad ko din siya.

Sana ako din meron.

Ilang sandali pa ay nagyaya na silang lumabas. Si boss at Lucy babalik sa shop at kami ni kuya inaya ni kuya Jess sa SPA nila para magpamassage at anek-anek pa.

"Kami na diyan bunso"kinuha naman ni kuya ang mga paper bag na dala ko.

Sumunod lang ako sa kanila.

Astigin silang parehas.

Pero kapag maririnig mo kanina ang lambingan nila, waaaaahhhh sana meron din ako.

Hanggang makapasok na kami sa kotse.

"Bunso baka gusto mong magkuwento kanina ka pa namin napapansin."si kuya.

"Wala kuya okay lang po."

"You can tell us malay mo matulungan ka namin kay Ian"si kuya Jess, kaasar nahuli nya ata ang tingin ko kay boss.

"Hala hindi ah walang ganoon"

"Hehehehe well okay-"bumaling na lang si kuya Jess kay kuya "Babe maganda talaga na magpamassage tayo para matanggal stress ni bunso nyo di ba?"

"Oo babe para makalimutan ni bunso yung crush niya may jowa na"at tumawa na si kuya at kuya Jess......

Ewan ko sainyo.....

"Pero hindi ka ba nabigla sa amin Benny?"tanong ni kuya Jess.

Actually gulat ako kasi akala ko nga babaero si kuya na maraming nasasaktan na babae kasi pogi ni kuya eh.

"Ah eh opo nagulat pero-"ano nga ba? hindi ko alam ang sasagot ko baka kasi maoffend ko sila "pero okay lang po"

"Ah ganoon pala well anyway siguradong matutuwa ka mamaya nakaisip na ako ng mga pagagawa ko sayo, babe okay lang ba?"

"Oo naman babe para naman makaranas ng sarap yan si bunso."

"Po?"kasi iba yun naisip ko sa salitang sarap di naman din ako bago sa mga karaniwang nangyayari sa massage parlor o spa, naririnig ko at nababalitaan ko na yung mga ganoon napagkukuwentuhan pa nga namin nina Tammy at Mika ang mga ganoon.

"Trust me bunso you will be okay and you'll gonna love it."si kuya Jess, naku tapos sinamahan pa ng ngiti na parang nakakatakot din ang ibig sabihin wag naman sana yung naiisip ko ang ipapagawa nila ewww i'm not ready.

Tumahimik na lamang ako at silang dalawa na ang nag-usap.

Ang ganda ng paligid, ang ganda ng mga ilaw, nakakatuwa. Naalala ko tuloy noon si papa na kunwari bibili lang kami ng kung anu-ano tapos maglalakad kami sa ganitong lugar yung maraming ilaw, maraming tao, maraming nagtitinda ng pagkain kahit na hanggang titig lang kami dahil wala kaming pambili pero yung bonding tapos bigla akong kikilitiin ni papa tapos tatawa ako ng malakas tapos sa sobrang tawa may oink-oink sound kang maririnig. "Pasensya ka na kay papa ah kung may pera lang ako bibilhan kita ng laruan at masarap na pagkain" wiwika pa siya ng ganoon. Ako naman yayakap lang sa kanya kasi doon masaya na akong mayakap siya maramdam na andyan siya na kahit lahat ng tao sa bahay cold ang treatment sa akin.

Hanggang saan ang tayo?Where stories live. Discover now