Part 21

9 0 0
                                    

"Hala ganoon pala ayyiieee hehehe" nasa kotse na kami pauwi na.

Ganoon pala ang story nila.

Si Ian at Miguel ay magbestfriend noon college then hanggang naging kaclose na din ni Miguel ang kapatid ni Ian na si Ink. Dahil sa mala-anghel na itsura at totoo namang mabait ang kapatid ni Ian hindi daw maiwasang mainlove ang isa. Ang hindi daw alam ni Miguel na nagkakaroon na pala ng feelings si Ian sa kanya pero ng panahon na iyon may lihim na palang nangyayari between Miguel at sa kapatid ni Ink. 

"Ayyyiieee ka diyan baby" mukhang naasar na siya sa akin hehehe pero ang cute lang ng kuwento nilang dalawa.

Ian and Ink are close para din silang magbestfriend, at alam din ni Ink na may patingin na si Ian kay Miguel. Kaso mula ng makilala siya ni Miguel sinimulan din magparamdam at doon daw nagsimula na naging malihim at lumayo si Ink kay Ian dahil alam niya na magagalit ang kuya Ian niya kapag nalaman niya na may relasyon na sila ni Miguel. At kaya pala noong kapag nagkukuwento si Ian kay Ink na lagi daw nawawala si Miguel at hindi na madalas nakakasama eh tumatahimik ito o kaya naman magsasabi na may gagawin. Nagtaka ang isa kasi bago sila matulog nagkukuwentuhan pa silang magkapatid pero mula ng maging sila na ni Miguel laging nawawala at hindi na nakakasama ng madalas ang bestfriend naging matabang na rin ang samahan nilang magkapatid.

Bago makagraduate ang magbestfriend doon nag-open si Miguel at Ink kay Ian tungkol sa relasyon nila. Doon na lalong nagkalamat ang lahat, kasi akala lang talaga ni Ian ay may pinopormahan si Miguel sa ibang school iyong pala kapatid niya ang laging pinupuntahan at ayon sila na pala.

-Ian sorry kung hindi ko sinabi, sorry talaga at wag kang mag-alala mahal na mahal ko kapatid mo.

-Ganoon na lang iyon? Bestfriend kita pero ganoon na lang iyon?

-Kuya sorry po mahal ko po si Miguel eh.

-Isa ka pa Ink! Tang-ina alam mo naman na may feelings ako kay Miguel di ba!

-Sorry kuya, sorry!

Humahagulgol ang kapatid at laking gulat nila ng nagdugo ang ilong nito at nawalan ng malay.

Iyon pala ay doon na magsisimula ang isa pang masakit na yugto ng buhay nila.

Nalaman nilang may cancer si Ink.

At mula noon kahit masakit hinayaan na lang ni Ian si Miguel kay Ink.

Nagfocus na lamang ito sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Pero hindi na gaya ng dati............

Kahit madalas hinahanap ni Ink ang kuya sa mama niya lagi na lang nagrarason si Ian.

Ni hindi na rin malapitan o makausap ni Miguel ang kaibigan.

Hanggang....

"Ma-"halos mapatid ang hininga ni Ink sa pagpilit nitong makasalita.

"A-anak bakit anong masakit sa-sabihi nak please wag naman ganyan"hindi mapigilan ng ina na umiyak.

"Hindi ko na po ka-kaya"three years....three years siyang ginugupo ng sakit na akala nila noong una ay simpleng sakit lang ngunit iyon na pala ang simula.

"No, anak lumaban ka please may schedule na tayong lumabas ng bansa wag mo namang iwan si mama please masasaktan ako nak please wag"humagulgol ang ina samantalang ang ama ay nakatalikod tila sa pader binubuhos ang pait na nararamdaman sa loob.

Naiiyak na rin ang bunsong kapatid nila na anim na taong gulang pa lamang.

"Kuya Ink!"walang ibang masabi ang bata kung hindi iiyak ang lahat habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng kuya.

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon