Part 28

6 0 0
                                    

Nakatutok ako ngayon sa isang sulok ng library ng University, dala ang librong inaaral kasama ang dictionary. Kailangan ko pa rin lawakan ang vocabulary ko sa wikang ingles at mabuti na lang english ang medium of instruction dito marami din kasing taga US and ASIA na dito pumapasok.

One month ago ng dumating ako dito, malamig nakakaloka, kaya mas maaga akong nagigising para ihanda ang sarili at namili din ng karagdagang damit alam mo yung maaraw dito pero hindi katulad sa atin lalo na kapag umihip ang hangin, kinikilig pati buto ko.

Si mama at kuya at balita ko kasama si kuya Jessie sa sabado na ang dating.

Sina Tammy, Mika at Neri madalas kung kausap sa chat. Nakakamiss sila mas masarap pa rin yung nandito sila mabungangaan ka nila in person kapag may nagawa kang hindi tama.

Si Joseph mas okay na sila ni jowa niya and kaclose ko na rin ang jowa niya, madaldal at mabiro din walang arte bagay na bagay sila natutuwa naman ako sa aking bagong bff na si Joseph.

Si kuya Miguel though may chat siya pero hindi kami madalas mag-usap kasi busy din siya at balita ko mag-aaral din siya abroad for six months lang naman, ewan lang kung anong aaralin nun at kung saan.

Yung ibang dati kung kaofficemate wala lang kumustahan lang, pero i ask them not to go beyond that.

.....................nagvibrate ang phone ko..............................

Nagtext si ate agahan ko daw uwi at doon magdinner hindi rin makakauwi ng maaga si kuya Kurt dahil may kailangan tapusin na project.

After sumagot bumalik na ako sa pagbabasa at pagsulat ng mga kailangan ko.

-------------------------------------

To be honest, i'm here sir because i wanted to gain knowledge and ideas about business. Being here is a great opportunity because from what i heard the university serve a world class learning and moldy students to a shape of success. I'm here because of what my desire, to grow as a person, to help my family with our business, and to become successful with the business in my list (actually thinking to have my own), that will be all thank you.

Yung nginig sa buong kaluluwa ko habang nagiintroduce grabe mas malala pa ito kaysa noon nasa sariling bayan tayo.

I can see them smiling, minsan bumabati din, ganoon din ako but siguro kumakapa pa ako.

Iba ang mundo ko dito sa mundo, kailangan lang talagang mag-adjust panay na rin ang babad ko sa library at internet na kahit na sabihing apat lang ang subject ko pero kailangan mag-aral mabuti ayaw kong maging pabaya.

------------------------------------------

Ang sarap naman ng simoy ng hangin. Naglalakad ako hawak ang librong hiniram sa library, apat na libro dahil may assignment ako, hindi ko na pinasok sa bag ko para makaarte ako na may yakap.

6:00 P.M na, marami pa rin ang mga students sabagay until 9:30 P.M ang klase dito.

Siguro lalakad na lang ako hanggang sa bus stop medyo malayo dito pero safe naman, maliwanag ang daan, marami din tao at saka maya-maya ang patrol ng mga pulis.

Dami kong nakakasalubong na iba't-ibang mukha, at ang tataas nila meron din kasing taas ko. Iba't-ibang istilo ng pananamit, may pahabaan at may paiklian, may simple, may pang movie na style, may rockstar, may emo..............

Pero ang nakakainggit grabe bakit ba ang gaganda at kinis nila kainis hehehe naiinggit ako.

Hay naku Benedict!

Hmmmmmmm....nakakaamoy din ako ng fresh bake na tinapay at may kape din, nakakagutom naman kainis, araw-araw yan kada uuwi ako, dami din nagtitinda ng fresh flowers na may iba't-ibang kulay at laki. Sana makatanggap ulit ako hehehe.

Ay shit!.............

Binilisan ko na ang lakad ko dahil paalis nagsign na ang bus na aalis, gaga ka Benny umarte pa kasi sa paglalakad kasi kapag ito nakaalis 20 minutes pa akong maghihintay eh 30 minutes ang biyahe mula dito pababa sa amin.

------------------------------------------------------------------

Nakaramdam ako ng pagkapuwersa ng binti ko at paa pero wala ito hahahaha, naglakad na ako papunta sa apartment namin.

Parang ang sarap kumanta ng "For the first time in forever........" kasi naman maraming puno at halaman tapos ang gaganda din ng mga bahay dito tapos marami din pailaw tapos dami kang din nakikitang pogi hahahahaha.

 Paano kaya no isang French ang lumapit sa akin tapos nagagandahan sa akin at naakit paano kaya yun siguro nakakakilig kasi parang sweet ng language nila naririnig ko yung magjowa French na classmate ko ang sweet nilang dalawa, sana all. Tapos susunduin ka at ihahatid tapos may pabulaklak at chocolate tapos pagdating sa bahay alam nyo na hehehehe.

Bad!

Sorry na!

Napapangiti na lang ako sa kalokohan ko sa isip.

"Good evening Mrs. Merindale" (invention lang hahahaha) bati ko sa matandang babae na nasa pinto papasok sa apartment namin.

"Good evening too Benny, so how is your school today?"

"It's great Mrs. Merindale though somehow stressful i have a lot of assignment to do"

"That is okay dear, oh wait my taxi is here i have to go bye"

Nagwave na ako dito mukhang may lakad si manang.

Mababait naman ang mga kaapartment namin dito though may ilang hindi mo na lang papansinin para wala ng gulo.

"Hello good evening Mr. Green!"bati ko sa guard namin na nag-aayos ng sapatos niya.

"Well hello Benny good evening too"nagkangitian kami at saka na ako sumenyas ng aakyat na ako.

Elevator? Wag na para maexercise lalo ako harap maglakad dito habang nag-iimagine ng about love and magic.

Ano bang gagawin ko?

Ay teka....

Una katok muna ako kay ate paalam lang na maliligo muna bago pupunta sa kanya para makakain na. Tapos papaturo din ako sa kanya ng lesson ko.

After masagutan ang mga assignment ko uwi na ako at matutulog pero magskin care kyeme muna hahahahaha.

Teka?

Three months na pala si baby, hehehehe can't to see my pamangkin kapag di ako nagkaanak sa kanya ko na lang ibubuhos ang buhay ko i will love my pamangkin like my child nyahahahaha mang-angkin ba.

(Sa kabilang banda ng isip ko: Sarap mong batukan Benedict no dami mong alam kumatok ka na nga sampalin ko gums mo eh)

Sorry na!hahahahaha.

"Ate!"tok...tok....tok.....

Bumukas naman agad ang pinto "Benny good evening!"bati ni ate Mylene ang kasambahay na kinuha nila pinilit na rin kasing kumuha ni kuya Kurt kasi baka nga naman mahirapang gumalaw pa si ate at saka need niya ng mas maraming rest payo din ng doctor.

"Hello po ate Mylene good evening pasabi po kay ate maliligo lang ako  then balik ako dito po huh"

"Sige dalian ah naku gutom na rin ate mo wait ka lang daw para may kasabay"

"Opo"

Kaya ...........................................................................larga!

Habang naglalakad bigla kong narinig ang kantang "A new day has come ni Celine Dion" yes i believe.

Pero bigla akong nalungkot, sana iba ang nangyari.

Itutuloy.............

Hanggang saan ang tayo?Where stories live. Discover now