Chapter Four

22 1 0
                                    

Tawa lang kami ng tawa sa canteen buset tong mga kaibigan ko.

"Malibog pala si boss di nakatiis kaya nanood ng porn sa office"bulong ni Tammy.

"Kaya nga eh no pero kung ganoon kapogi at kaseksi kahit maghapon kami."sabay tawa ng gagang Mika.

"Kahiya ka kamo, pero kanina sobrang takot ko bago ako lumabas ng office baka masisante ako"

"Kashokot nga yun baks"kinuha ni Tammy ang bote ng mga softdrinks at saka nilagay sa tray.

"O siya five minutes na lang pala"

"Ang oa mo naman tara na nga maya-maya lalabas na naman kami naghahanap kasi kami ng venue pagdadausan ng pag-iintroduce ng bagong cosmetic product ng company biruin mo yun ang dami na nila product mula sa damit, naging perfume ngayon naman cosmetic taray no talaga bongga"daldal ni Mika.

"Balita ko naman kasi dati nag-away ang parent ng boss natin at yung kapartner nila na bestfriend niya tapos may magkopyahan pa daw ng design grabe no"si Tammy, balita nga yan na may naging bangayan ang dating magkapartner na sina Mr. Alimario at Mr. Theodore. Nang pumutok ang balitang yun marami ding naglabasang mga blind items na obvious na sila ang pinatutukulan.

"Tama na nga tara na marami din pinatatapos si Ms. Josephine sa akin."nagpunas na ako ng mukha at tumayo na rin kailangan ko rin bumalik.

"Text-text mga baks ah."si Mika na mukhang magmamake-up pa.

"Sige ingat kayo maya ah"

Lakad na baks....feeling ko lalabo na mata ko kakatype.

"Ano kayang pinag-uusapan nila?"sa aking paglalakad nakita ko ang mga grupo ng empleyado at may hawak silang kung ano.

Pumasok na kami sa elevator hindi naman ako nakipag-usap ang ginawa ko na lamang ay makinig.

Isang party ang gaganapin at birthday daw ng mama ni boss.

"Yearly naman nagpapabirthday ang company di ba ano kayang theme nila ngayon."wika nung isang babae.

"Grabe last year no grabe din ang gulong nangyari"yun isa naman kasama niya na maikli ang buhok at medyo chubby.

Bumukas na ang elevator at dito na ako.

Pilit ngiti ako sa mga nakakasalubong ko di ko naman kakilala pero mukhang dito sila nagtratrabaho dahil sa id na suot nila. Kami kasing bago next week pa pipicturan at gagawan ng id.

Pagpasok ko sa offic nagstart na ulit ako ng work.

"Ben! pakikuha ang folder kay boss may correction daw please"sa kalagitnaan ng pagtitipa ko yan ang narinig kong utos ni Miss. Josephine.

Napalingon ako agad kay Miss. Jing hindi ba pwede siya, ay oo naalala ko office staff ako at assistant siya.

"Opo mam"tugon ko.

Hindi na ako makaiwas....kakahiya.

Alanganin man pero wala naman akong magagawa.

"Mam inutusan po ako ni Miss Josephine kay boss po kunin ko daw folder may correction daw po"wika ko sa secretary ni boss na kasalukuyang busy din nakatingin sa mga papel sabay tumitipa.

Tumingin ito sa akin "Sige pasok ka na katok ka muna bago ka pumasok"sagot naman niya.

"Opo salamat"

Humarap ako sa pinto at saka kumatok ng tatlong beses.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at saka pumasok abala agad ko naman nakita si boss na...awwww ang hot ng datingan niya sa white long sleeves niya, shiny shoes, black pants at nakasalamin pa habang may binabasa na papel. May naririnig din akong mahinang musika ng piano yun di ako nagkakamali.

"Boss good afternoon po inutasan po ako ni Miss Josephine para po sa folder."mahina kong salita actually kong alam nyo lang natatakot ako baka kung anong sabihin niya.

Dahan-dahan nyang binaba ang kanyang binabasa at binaba ang right leg niya na nakapatong sa kaliwa nitong hita. Shit may spotlight ba ang liwanag niya mas lalong lumitaw ang kinis ng mukha niya tapos yung kilay niyang makapal na bumagay sa hugis ng mukha niya. Tapos ang lips niya sarap kainin ay este halikan ang pula kasi.

Tila nakaslow motion ang tagpong ito.  Teka bakit siya naghuhubad ng polo niya, hala papalapit siya tapos hala ang bango niya. Umiinit ang katawan ko at napapalunok ang sarap ng dibdib niya ang laki tapos ang pandesal!

"Hey!"

Nagising na lamang ako ng marinig ko ang boses niya at nadama ko ang pagtampik niya sa balikat ko napatingin pa ako sa kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

"Folder"

Ay gising!

"So-sorry boss salamat po"

Nagulat ako sa paglapit niya lalo at pagtingin sa akin na para akong sinusuri, sir nakuha makita mga butas ng mukha ko.

"I think you should go now and see our company doctor mukhang may sakit ka namumula ka eh"hanu daw? oo nga eh ang init kahit naka-aircon ikaw kasi boss eh.

"Ah-eh okay po boss sorry pasensya na po"para akong koreano na nagbow-bow sa paghingi ng pasensya.

Lumabas na ako.

Hinga lang Benny, hinga.

Diretso ako sa office namin at sabay abot kay Miss. Josephine.

Uupo sana ako kaso....

"Benny pasuyo naman patimpla naman ng kape please"si Miss Josephine.

"Opo"lumapit ako sa table niya at kinuha ang mug niya.

Lumabas na ako ulit.

Diretso sa pantry.

Makapagkape na nga rin magtitimpla din ako ng sa akin.

Pagpasok ko may mga nagtitimpla din ng kape. Nilapag ko ang mug at kumuha ako ng styro cup magtitimpla din ako ng akin.

Ng ako na yung nagtitimpla magsilabas na yun mga inabutan ko.

Hay salamat tatambay lang dito buti na lang bumalik na sa trabaho nila grabe sila parang walang trabaho ang tatamad sayang pinasasahod sa inyo.....hehehe joke lang.

Ang bango ng kape dito stateside di katulad ng kape na iniinom ko 3 and 1.

Nilanghap ko yung tinimpla ko.

"Ayos na ito"inangat ko yung mug.

Pag-angat ng ulo, shocks! bahagya akong napaurong.

"Boss?"

"What?"

"Wa-wala po sige po"dali-dali na akong lumakad palabas.

"Wait"napahinto ako sakto pa naman nasa pinto na ako.

Dahan-dahan ako humarap kay boss.

"Po?"

"You look familar"

"Huh ako po?"

"Hindi ako mukha akong pamilyar malamang ikaw"ay ganoon?pilosopo si boss.

"Hehehe paano po?"

"Ikaw yung napasigaw ng you are gay and also"napakagat labi siya at nagsalubong ang kilay tila may hinuhukay sa alaala "Right sa mini eleven store tama ba ako?"nakilala pa pala niya ako.

"Ay opo boss"nilala pa niya ako no grabe stalker ka boss.

"Okay sige you may go"

Hmmmm kala ko naman.

Tumalikod na ako "And one more thing"humarap ulit ako buset lalamig na ang kape eh hehehe charot.

"Po?"

"About sa narinig mo nung pumasok ka office ko-"sumingit na ako bago pa mabanggit yung ginawa niya na panonood bold sa oras ng trabaho grabe sayang yung pinasusuweldo sa kanya (baliw siya ang boss) joke lang.

"Wala po yun boss sige na po kailangan ko na pong bumalik sa office po namin inutasan lang po kasi ako at may tinatapos din po ako sige po"tumango lang ito at buti naman.

Itutuloy.....

Hanggang saan ang tayo?Where stories live. Discover now