Part 26

6 0 0
                                    

I'm holding my passport now and the ticket, mag-isa akong aalis. May kailangan lang ayusin si mama at kuya bago sumunod, ang Ate Belinda na ang bahala pagdating ko at siya na rin ang susundo sa akin kasama si kuya Kurt.

Nakaupo ako at naghihintay tawagin ang mga pasahero, alerto ako sa bawat anunsyo dahil una ko ito at bago ang lahat sa akin kahit na naranasan ko ng sumakay ng eroplano iba ito, ibang pagkakataon ito.

Kaysa mag-isip pa ng hindi maganda, nagmasid na lang ako sa paligid habang nakikinig sa musika sa aking phone.

Maraming banyaga at karaniwan may kasama, masaya at meron din seryoso. Ang taas nilang tao at laki nagmumukha akong kapirangot sa kanila.

May ilan ding pinoy, may ilang hindi mapakali, may kausap sa phone habang naiiyak, baka magtratrabaho sa ibang bansa at iiwan ang pamilya kaya ganoon.

Ako wala naman akong iiwan...susunod naman doon sina mama at kuya.

Siguro alaala na lang ang iiwan ko ay hindi pala sina Tammy, Mika at Neri pala. Sus kanina nag-iyakan pa kala mo di na ako uuwi.

"May bagay talagang akala mo sayo, at aangkinin mo naman talaga dahil inakala mo nga para sayo na pero pinahiram lang ng panahon."gusto kong sapakin si Mika sa sinabi niya hehehe joke lang.

May punto naman siya sabi nga nila di ba change is constant, lahat nagbabago anumang pilit mong ibigay ang kagandahan para hindi mawala sa palad mo pero aagos at aagos pa rin sa daang ayaw mo mang patunguhan pero wala kang magagawa.

"Ariin mo na lang na kabahagi iyon ng pagsubok mo upang maging isang mas matibay na tao sa hinaharap, hindi masamang umiyak, magwala dahil nasaktan ka pero tumayo kasi alalahanin mo may habang may daan ka pang nilalakaran."ang daming alam ni mama.

"Sorry kung anuman ang nagawa ko bunso, i almost lost my mind alam mo naman di ba ayaw ni kuya na masaktan ka mahal na mahal kita eh, pero that part shit and breaks me pero wag kang mag-alala kuya and kuya Jessie is here hindi ka namin pababayaan okay be strong we love you"hinalikan pa ako sa noo ni kuya na madrama.

"Bestfriend hayaan mo gaganti kita pasasabugin ko mukha nung kapag nagkita kami"hay naku Joseph.

Haharap na lang ako sa bagong yugto, ayaw kong manatiling nakadapa, hindi ganito ang pagpapalaki sa akin ni papa. Pain in the heart lang yan mas masakit pa nga noon sikmura ko dahil walang makain tapos pagod ka pa sa paghahanap ng kalakal.

Finally naputol ang lahat ng pagdradrama ko sa isip ng magtawag na at pasakayin na kami. Ibang bansa, ibang buhay at bagong buhay.

Lumingon pa ako sa aking likuran, hindi dahil umaasang may hahabol sa akin, pero wag ka nga Benedict umaasa ka di ba? Oo tama, pati ba naman sa sarili kong utak magsisinungaling pa, pero hindi Benny tapos na ang yugtong iyon, be strong and face the world ng may ngiti sa labi.

Tama!

Mag-aaral akong mabuti.

Pagbalik ko tutulong ako sa negosyo ni mama, gagawin ko lahat para maging matagumpay.

"Papa ito na ako sasakay na sa eroplano magkikita na kami ni ate Belinda, please papa pray for me and always guide me, kung maaari lang mahawakan ko ulit ang kamay mo kasi sigurado ako mas lalakas ako kapag nandiyan ka."

I will be okay, i promise.





Ihip ng hangin sa malungkot na gabi. Mananatiling payapa kahit binabagabag ng masidhi. 

Umulan man sa gitna ng tag-ulan. Mananatiling tuyo ang palad na may pait na lulan.

Iinog muli ang mundo ng nabahalang lupa. Mananatiling bumibigkis ang pait sa dibdib na umuupa.

Lalakad ng palayo, Huhuni ng awit kahit bagyo ay bumabayo.

Paglingon minsan upang aral ng iniwan magiging gabay sa pagtayo.

Bubukod sa naging tahanan at lilisan ng kay layo.

Hindi na muling babalik, bumalik man hindi hahayaang mamanhik.

Dulutan mo ng dagdag sakit, Upang hindi maghilom ang hindi na humingi ng bakit.

Iduduyan na ang sarili sa liwanag ng bagong mundo, Iduduyan ang multo hanggang malundo.

Ngigiti ng may pait, Upang sa muling pagkikita maalala ang hapding piniit.

Huwag kang mag-aalala sakit na lang ang magiging bakas, Tatayo ako at ikaw sa larawan ng isip ay tuluyan ng magwawakas.





Hindi na ako makapaghintay..............







Itutuloy...............................................................

Hanggang saan ang tayo?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن