Chapter 32

591 53 2
                                    

Bago ko pa makilala ang boses ng sumigaw, may sumabog ulit. Tapos nasundan ng isa pa at isa pa ulit.

Hindi ko mahitsura ang tumambad na eksena. Ang kanina na eleganteng silid ay sira na. Wasak ang lahat ng muwebles at sunog ang kalahati ng silid. Umaapoy ang buong paligid at nagkalat ang mga katawan ng mga ghoul na naliligo sa sarili nilang mga dugo.

May mga golem din sa paligid at pinuno nila ang buong silid kaya natagalan bago ko napansin ang mga kawal na nakikipaglaban sa kanila.

Lumukso ang puso ko ng makita ko ang uniporme na suot nila.

Kawal ni Sin.

I frantically roam my eyes pero hindi ko mahanap si Sin.

Napasinghap ako ng makita ko si Maya na sinunggaban ng espada si Mernia at pinunterya ang puso nito. Pero agad itong nasangga ni Mernia gamit ang punyal niya. I can see that Maya is slower because her legs are just recovering but what she lack in speed, she make up with her technique.

She used her other hand at sinakal si Mernia pero agad rin niyang nabitawan ng sinaksak siya ng punyal sa braso. Mernia took a step back the same time Maya kicked her kaya hindi niya ito natamaan.

Sumugod si Mernia at umaktong sasaksakin si Maya sa bandang kanan ng dibdib nito. Pero ng umiwas si Maya at humakbang pakaliwa, saka naman niya ito sinipa kaya lumipad ang katawan nito papunta sa kabilang parte ng silid kung saan malaki ang apoy.

Kinain ng apoy ang katawan ni Maya kasabay ng pagsigaw ko sa pangalan niya. I badly wanted to help her but I can't move.

Calm down Rose. Maya is a fire fae, she won't die. She won't burn.

Nawala sa paningin ko si Mernia nang lumapit sa akin ang Berserker umatake sa amin ni Captain Roll. Hinawakan niya ang rehas ng kulongan ko at walang kahirap-hirap na pinasan ang ito kasama ako.

Gumulong ang katawan ko sa loob ng hawla ng binuhat niya ito at naipit ang likod ko. Konteng galaw lang niya, gumulong ulit ang katawan ko at ang braso ko naman ang naipit sa mga rehas.

Naipit sa dibdib ko ang hininga ko ng mahulog ng Berserker ang kulongan. Nagpagulong-gulong ako hanggang sa huminto ito.

Ilang segundo ko pang inayos ang paghinga ko bago ako nakagalaw muli. Sinubukan kong gumalaw pero pati ang simpleng pag-upo ay nahihirapan akong gawin dahil sa mga tali.

Lumapit ulit ang Berserker para sana kunin ako pero tumagos sa tiyan niya ang napakahabang espada.

I paled lalo na ng tumulo ang dugo niya pero nakatingin pa rin siya sa akin at parang wala lang sa kaniya ang espadang nakabaon sa tiyan niya.

Sinamaan ako ng tingin ng Berserker para siguro takutin ako pagkatapos ay tumalikod siya at hinarap ang sumaksak sa kaniya.

Daniel's murderous eyes meet his at bago pa ako makahinga ulit, sumugod na si Daniel. Gamit ang matulis na tubig na kahugis ng spear, umabante siya at nilabanan ang Berserker.

Bago ko pa makita ang galaw ni Daniel, gumulong ulit ang hawlang kinalalagyan ko dahil nasagi ito ng isang ghoul na bumagsak at nawalan ng buhay.

Gumulong ang kulongan ko patungo sa umaapoy na parte ng silid pero bago pa ako masunog ng apoy, agad itong nahawakan ni Han.

Puno ng dugo ang katawan niya at may malaki siyang sugat sa mukha pero unti-unti na itong naghihilom. Hindi man mabilis ang paggaling ng sugat niya pero sapat na para pigilan itong mas dumugo pa.

Han tried to open my cage pero kahit anong pilit niya, hindi ito bumukas. He tried to slice the metals using his sword pero nabali lang ang espada niya.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Where stories live. Discover now