Chapter 8

967 67 9
                                    


Para akong baliw na kanina pa nakatutok sa unicorn na nasa harap ko. Yup, a freaking unicorn.

Maayos sana kung gaya ng nababasa sa aklat ang unicorn na kaharap ko but no. The unicorn in front of me doesn't have a rainbow tail nor a bright aura that always got the children giggling like crazy. The creature in front of me is huge, dark and down right strong. Kanina pa ito titig na titig sa akin, its eyes are throwing daggers at me and I don't even know what I did to deserve such actions.

After minutes of staring at the creature, napahilot ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit.

Hindi ako nakatulog. After what happened last night, Aira lectured me tungkol sa mga bawal at pwede. She clearly made me realized that what I did is down right crazy. Hindi lang kasi mapanganib sa gubat dahil sa mga hayop kundi dahil na rin sa mga halimaw na nagpakalat-kalat sa paligid. Add the magic in the air and other frightening creatures that plague the night, it really made me understand why I shouldn't have done it in the first place.

Despite what happen though, hindi ko rin sinisi ang sarili ko. I have the rights to do it. In my defense, that was the most logical thing to do at that moment.

I heaved a long sigh. Gusto ko ng umuwi. Gustong-gusto ko nang makita sina Tito, Tita at Mae. I miss them badly.

Miss na rin kaya nila ako? Iniisip ba nila ako kahit minsan? Hinahanap kaya nila ako?

I silently wiped my tears. Walang magagawa ang mga luha ko ngayon. Mas panghihinaan lang ako ng loob kung magpapalunod ako sa lungkot. I need to get my shit together and get myself out of this place.

Kung na saan man ako.

Hindi pa rin ako susuko. Aalis ako dito. Hindi man nila ako sinaktan gaya ng inaasahan ko pero alam kong hindi ako pwedeng manatili rito. I can't live with this insanity everyday. Monsters are damn everywhere. Kung hindi ako mamamatay, mababaliw naman ako. I need to go back. I need to go home.

I inspected the whole place. Sabi ni Aira kanina bago niya ako iniwan, nasa harden daw kami sa loob ng palasyo. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang harden dito sa mundo nila pero sa mundong pinanggalingan ko, hindi ganito ang harden namin. Walang bulaklak dito. Tuyo ang mga kahoy at patay ang lahat ng halaman. It looks more like a ghost town than a garden. Pero malay ko naman, baka ganito ang definition ng garden nila. One will never know, may hagdan nga silang gumagalaw. Baka isa ito sa kawerduhan ng mundo nila. 

"You ready?"  Isang asul na cloak ang inihagis sa akin ni Aira.

"Isuot mo."  She's eating a strange food again na nagpakalam ng sikmura ko. It's early in the morning, hindi pa sumusikat ang araw pero gutom na ako. Buong gabi kasi akong gising.

Inayos ko ang bestida kong kulay pastel na ipinasuot sa akin kanina ni Aira, then I tried the cloak on. I didn't try to protest nor say anything simula pa kanina. Sa ginawa ko kasi kagabi, natatakot akong dagdagan ang rason nila para patayin ako.

"We'll teleport half way to our destination pero kailangan nating lakbayin ang kalahati. They'll notice us kapag sa mismong patutunguhan tayo magteteleport. I'm afraid my witchery is not that potent at the moment kaya hindi ko pa kayang itago ang essence ng kapangyarihan ko kapag ginagamit ko."

Tumango lang ako kahit marami akong gustong itanong.

Sumunod ako nang naglakad si Aira sa bilog na enerhiyang ginawa niya. Napapatanga pa rin ako kapag ginagamit niya ang kapangyarihan niya. Kahit na ilang beses ko ng nakita gamit ang sarili kong mga mata ang ebidensya na nasa ibang mundo na ako, minsan hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari talaga ito.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Where stories live. Discover now