Chapter 31

557 51 2
                                    

Kung hindi lang sana ako lubusang nanghihina ngayon, malaki ang posibilidad na makatakas na ako dahil walang nagbabantay. Pero kahit anong pilit ko sa katawan ko na gumalaw, umuongol lang ito sa sakit.

I tried my best not to cry pero ng maiwan akong mag-isa sa gitna ng dilim, hindi mapigilan ng puso ko ang yakapin ang sakit at lungkot.

Nalaman ko ngang buhay ang ina ko pero hindi ko na siya makilala. Puno ng pagkamuhi at galit ang puso niya. Hindi na siya ang ina na minahal ko at minahal ako. Para na siyang ibang tao.

Tapos ang isa sa pinagkakatiwalaan kong kaibigan ay hindi ko inakalang masama pala gaya ng ina ko. And I saw that same friend almost killed Captain Roll.

Idagdag pa na hindi pala ako tao gaya ng iniisip ko buong buhay ko at hindi na ako makakabalik kina Tita dahil dito. Then I found out that I'm Sin's mate pero imbes na maging masaya, lungkot lang ang hatid nito dahil pinili niya si Mernia.

It's really been a shitty day.

Nag-unahan ang luha ko at hindi ko man lang mapunasan ito dahil nakatali ang kamay ko. I tried to stop crying but I can't. Mas lalo lang sumakit ang dibdib ko so I cried silently. I cried for all the pain I have felt.

As I lie awake, cold and crying I realized how alone I am. It pained me to know I have no one.

Sana hindi ko na lang nalaman. Sana hindi ko na lang nalaman na ina ko si Marina. Na si Lea pala ang lumalason kay Maya. Na Elf pala ako at hindi na pwedeng mamuhay sa mundo nina Mae. Sana hindi ko na lang nalaman na mate pala ako ni Sin.

Kung hindi ko nalaman ang lahat, hindi ako masaksaktan.

I tried to close my eyes. I tried to numb my pain. I tried to be ok. I tried. But I failed.

I failed so my embrace the cold darkness to make me forget.

"Anong ibig mong sabihing wala siyang presensya?!"

The voice echoed so loud I have to cover my ears dahil sumakit ito sa sobrang lakas ng sigaw ni Marina.

Napatigil ako sa paggalaw ng maramdaman kong nahawakan ko ang tenga ko.

Teka, di ba nakatali ako?

Biglang nagliwanag ang madilim na silid at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sarili kong katawan ilang metro mula sa kinatatayuan ko.

Paano ito nangyari? Bakit nakikita ko ang sarili ko? Patay na ba ako?

Pumasok si Marina sa silid kasama si Lea at ang Berserker na nakipaglaban kay Captain Roll.

Lumapit si Marina sa kulongan ko at niyanig ito gamit ang kapangyarihan nila. May malaking itim na apoy ang lumabas sa kamay niya at niyugyug nito ang kulongan.

Nang hindi pa rin magising ang katawan ko sa ginawa niya, she threw the cage to the other side of the room. Walang nagawa ang walang malay kong katawan kundi ay tanggapin ang sakit tuwing tumatama ang katawan ko sa cage.

Agad akong napatayo pero hindi ko alam kong ano ang gagawin.

Nagpagulong-gulong ang katawan ko kasabay ng kulongan.

The Kingdom Of Rose And Ashes (Halifax Series I)Where stories live. Discover now