CHAPTER 21

151 7 0
                                    

Ybarra's POV

"Have some tea" Alok sa akin ni Kira nang makapasok ako dito sa kwarto niya sinabi sa akin ni Elias na kakausapin daw niya ako kaya naman nag madali ako agad papunta rito. Kailangan ko ngang mag explain sa kanya.

Umupo ako gaya ng sinabi niya at tinanggap ang tinimpla niya

"Alam mo ba inutusan ko si Elias na patayin si Jaycelle"

Natigilan ako sa sinabi niya at napatayo ako habang siya ay mahinahon lang habang umiinom

"Don't worry he said no" I was relieved as I heard it alam kung di yun gagawin ni Elias but iba parin pag si Kira ang nag utos baka namanipula niya ang utak ni Elias

Tumayo din siya at humarap sa akin saka pinulupot ang kamay niya sa leeg ko

"You know how much I love you Ybarra and It hurts na may iba kang gusto at mahal mo na ang babaeng yun kahit ilang araw palang kayong nagkakilala nakikita ko yun sa mga mata mo"

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko maikakaila na tama ang sinasabi niya at di ko ginusto na saktan siya.

"Kira-" Di na niya pinatapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako at kalaunan ay kumawala din siya

"It's okay, all I want for you is to be happy kaya naman okay lang sa akin na mahalin mo siya"

Nagulat ako sa sinabi niyang yun di ko inaasahan na ganoon ganoon lang but I'm relieved.

"pero mas makabubuti kung lalayuan mo siya"

Napakunot ang noo ko. Napasinghap siya at umupo sa harapan ko

"Jaycelle is a kind and innocent lady and sa tingin mo ba pag nalaman niya na kung ano ka talaga kung anong pamilya tayo sa tingin mo matatanggap ka niya? And okay sabihin na nga nating tanggap ka niya pero maiaalis mo ba na manganganib ang buhay niya unlike me wala siyang kaalam alam... marami kang kalaban Ybarra sa loob at sa labas"

Walang mga salita ang lumabas sa bibig ko, tama siya. Manganganib nga ang buhay ni Jaycelle sa akin sa pinsan ko palang muntik na siyang mawala sa akin. Napakainosente niya para madawit sa ganoong pangyayari dahil lang sa akin

"Alam ko din na ipaglalaban mo na ang posisyon mo para sa lolo mo and bukas na ang pagpapasya nila wala kanang panahon Ybarra"

Tumayo siya at tinabihan ako "Pag isipan mong mabuti "

Bulong niya bago ako iniwan sa loob ng silid niya. Napayuko nalang ako wala akong masabi ano na ang gagawin ko ngayon

She's right everything
she said is right

Mahal ko si Jaycelle pero di ko pwedeng isuko kay tito ang posisyon na gusto ni lolo para sa akin dahil paniguradong babagsak ang Famiglia at lalong manganganib ang buhay ko pati na ni lolo pag nagtagumpay si tito kaya di ko na alam gusto kong magbagong buhay, gusto kong iwan ang Famiglia pero hindi pwede hindi ganoon kadali.

.
.
"Elias bakit ang daming mga lalaking nakabantay sa paligid na may baril"

Tanong ko dahil kanina pa siya tahimik

"For security" Matipid niyang sagot sabay hinawakan ang isang bulaklak doon tumingin naman ako sa paligid at napakalaki ng masyon parang nasa palasyo kami

Ngayon lang din ako nakatapak sa isang mansion dahil naninirahan lang kami noon sa isang katamtaman lang na bahay.

"Kayo lang ba ang nakatira dito?" tanong kong muli

"Hindi marami pang mga kapamilya ni master ang nakatira sa loob nasa mga silid lang nila"

Matipid ulit na sagot nito habang di ako binibigyan ng tingin abala siya sa paglalaro ng bulaklak

"Ms. Jaycelle"

Sumagot ako agad dahil nabigla ako buti naman nagsasalita na siya ng di naiilang. Umayos siya ng tayo sa harapan ko at seryosong tumingin sa akin. Nakakapagtaka, ako naman ang naiilang ngayon

Hinihintay ko siyang magsalita ng maya maya ay bigla siyang nag bow sa harapan ko

Ano bang ginagawa niya wala naman akong ginawa para gawin niya yon

"Salamat po sa pag-aalaga kay master labis pa sa inaasahan ang pinaranas niyo sa kanya"

Saad nito bago umangat muli

Napakunot nalang ang noo ko

Ano bang ibig sabihin niya doon ako nga dapat magpasalamat kay Ybarra dahil sa mga nagawa niyang tulong.

Bumuntong hininga nalang ako saka ngumiti sa kanya medyo naiintindihan ko na ang pinupunto niya mukha ngang napaka halaga para kay Elias si Ybarra

"Paano ba kayo nagkakilala ni Ybarra?" Tanong ko at nabigla naman ako nang makita ko siyang nabigla sa itinanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin parang ayaw niyang ikwento

"Mahabang kwento" Tipid niyang sagot bago tumalikod sa akin at bumalik na naman siya sa pag asta na naiilang siya sa akin

"C'mon Elias I want to know too" May isang boses kaming narinig mula sa likod ko kaya tinignan ko ito at wala namang tao sa likod ko

"Up here" Narinig kong muli at may nakita akong lalaki sa taas ng puno. Tumalon siya pababa at ngayon ay nakatayo na siya sa harapan ko

"Hey there lady" Malambing na saad nito sabay nag cross arm at nginitian ako

Agad naman akong hinila ni Elias sabay ipwenisto ako sa likod niya

Parang pinapalayo niya ako sa lalaking yon.

ALL WE KNOW (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon