CHAPTER 19

157 6 0
                                    

ELIAS'S P.O.V

"wag kang sumunod"

Napabuntong hininga nalang ako nag aalala ako sa kung anong gagawin niya at di ko pa pala nasasabi sa kanya na wala doon si Mr. Damnilio pero ayaw na niya akong pakinggan

Naglalakad ako ngayon papunta sa Guestroom kung saan nandoon si Ms. Jaycelle

Naisip kung si Ms. Jaycelle nalang ang bantayan yun din naman ang gugustuhin ni master. Pagpasok ko sa kwarto ay agad na napatingin sa akin ang dalawa

Gising na pala si Ms. Jaycelle

"Elias" tawag nito sa akin kaya nag bigay galang nalang ako

"Asan si Ybarra?" Masiglang tanong ni Ms. Jaycelle at napatingin naman ako kay Ms. Kira

Alam ko kung anong nararamdaman ni Ms. Kira ngayon kaya kailangan kong mag dahan dahan sa mga isasagot ko

"May pinuntahan lang" Sagot ko at napatango nalang si Ms. Jaycelle nababalutan na ng katahimikan ang buong paligid sa mga sumunod na minuto

"Gusto ko nga palang e tour si Jaycelle sa mansion"

Ani ni Ms. Kira pagbabasag ng katahimikan nagtaka naman ako na ganoon ang ikinikilos niya akala ko sasaktan niya si Ms. Jaycelle

"Okay na ba kung ngayon na?" Tumango naman si Ms. Jaycelle sabay dahan dahang tumayo

Mukhang maayos na ang pakiramdam niya ngayon magandang balita to para kay Master

Inalalayan niya si Ms. Jaycelle habang nag lalakad wala na naman akong nagawa kundi sundan sila kahit hindi maganda ang nararamdaman ko dito

Naglalakad na kami at tinuturo ni Ms. Kira ang mga bagay na nasa paligid ng mansion ng maya maya ay biglang huminto si Ms. Jaycelle at lahat kami ay nagtaka

JAYCELLE'S P.O.V

Napahinto ako dahil sa hindi magandang pakiramdam ng makita ko ang isang malaking larawan ng matanda

Bakit ganoon kinakabahan ako na parang galit na di ko maipaliwanag, parang bumagsak ang puso ko sa sikmura ko

Ang tao sa larawan parang kilala ko siya napaka familiar ng mukha niya pero saan ko siya nakita

"What's wrong?" Tanong sa aking ng babaeng ito gaya kanina napakahinhin parin niya di ko maiwasang mapangiti sa ganda niya

"A-ah wala para kasing familiar siya" Saad ko at napatingin din siya sa larawan

" a yan ba.. yan ang may ari ng mansion yan ang lolo ni Ybarra" Napaawang nalang bahagya ang bibig ko

Lolo pala ni Ybarra ang nasa larawan

Kakaiba lang kasi ang alam ko di pa kami nag kikita ng lolo niya pero parang familiar ito sa akin

"Ano tara na sa garden" Tumango nalang ako bilang tugon wala din namang mangyayari kung uusisain ko pa ang tungkol sa nararamdaman ko

Naglalakad kami papunta sa garden at talagang napaikot ang paningin ko sa buong paligid ang lawak nito at ang gagara ng mga gamit

Grabe ganito pala ang buhay na meron si Ybarra ngunit di ko maiwasang malungkot dahil gaya ng naiikwento niya ay nakakulong lang siya sa kwarto niya at buong buhay niya ay umikot lang sa kwarto na yon dahil sa may sakit daw siya

"nandito na tayo" parang nagising ako ang lalim ng iniisip ko habang naglalakad di ko namalayan na nakarating na pala kami sa sinasabi niyang garden at ang ganda nga dito madaming magagandang bulaklak

"Ito ang paborito kong lugar sa mansion at ako ang nag aalaga sa mga bulaklak na yan"

Nakangiti nitong sabi kaya ngumiti nalang din ako saka nilibot ang tingin sa paligid di ko din maiwasan isipin kung sino ba siya kanina ko pa siya kinakausap pero di ko alam kung kaano ano siya ni Ybarra

Pero napaka gaan ng loob ko sa kanya at napakabait niya napakahinhin din niyang babae

"Jaycelle" Parang huminto pa ang paghinga ko noon ng marinig ko ang tawag na yon alam ko kung kaninong boses yon kaya agad akong napalingon at nakita ko si Ybarra pero napansin ko na di siya nakatingin sa akin

napatingin ako sa kasama ko ewan pero parang nag uusap ang mga mata nila ng sandaling yon

"I guess I need to leave" Sambit ng babaeng kasamaa ko ng binigyan niya akong tingin saka ngumiti

tumango nalang ako bago siya naglakad papaalis pero hinawakan nito si Elias kaya silang dalawa ang naglakad papalayo, sinundan siya ng tingin ni Ybarra

Bakit parang may kung anong nangyayari

Ng makalayo layo sila ay tumingin na sa akin si Ybarra at ngayon ay nakangiti na siya gaya ng Ybarra na nakilala ko

Nilapitan niya ako saka niyakap ng mahigpit

"A-aray" Agad naman niya akong binitawan at nanlaki ang mga mata niya

Nag panic na din siya ng mga sandaling yon

"Sorry sorry masakit ba?" Natawa nalang ako sa inasta niya masakit talaga pero umiling lang ako habang nakangiti

Nawala bigla ang sakit dahil sa inasta niya at aaminin ko namiss ko siya ang dami ko ding itatanong sa kanya tungkol sa nangyari ng gabing yon

ALL WE KNOW (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon