CHAPTER 5

207 12 2
                                    

"Salamat po at pasensya na din" Magalang niyang saad sa matandang babae na may ari ng kainan na to. Hapon na din bago kami pinatigil sa pag huhugas ng pinggan grabe sobrang nakakapagod pero buti at tapos na

"sa susunod kasi siguraduhin niyo na may pambayad kayo!" Bahagya akong nagulat dahil sa lakas ng tono ng boses noong isang lalaki na nagbabantay sa amin sa kusina di ko alam kung anong posisyon niya doon pero mukhang isa din siya sa may ari

"Akala ko po kasi pwede po ang credit card" Pabirong saad ng lalaking kasamaa ko at natawa naman sa kanya yung matandang babae na may ari.

"nasa liblib tayo na lugar iho at maliit lang itong kainan namin kaya hindi kami tumatanggap ng ganyan"

Mahinhin na saad nito at ngumiti nalang ako bilang tugon.

Oras na din para umalis

" Uhm-- sge po aalis na po kami pasensya na po ulit"

Tumango nalang ang matandang babae kaya tumalikod na kami para umalis

"Ah teka po" Napalingon ako agad dahil nagpahabol pa tong kasama ko ano na naman kaya ang kailangan niya balak na naman ba niyang kumain at maghugas ulit ng pinggan?

"Pwede pong makahiram ng lumang pang baba po kung meron kayo?" Nakangisi pa siya habang ako ay napatitig sa kanya

Grabe di ba siya nahiya na sabihin yon

"Aba'y!" angal noong lalaki na may malakas na boses pero hinawakan ng matandang babae ang braso nito.

"Ah yun ba sge sandali lang iho" Saad nito saka tumayo habang ngiti lang nang ngiti tong kasama ko

-

Lumabas na kami ng kainan na yon pagkatapos niyang makahiram ng pambaba 

Agad kong nilapitan yong bisekleta na nakalagay sa gilid buti nalang at hindi ito nawala

"tara na" Saad nito habang umuunat pa, tuwang tuwa siya sa jogging pants na binigay noong may ari ng kainan nakakahiya yon pero buti nalang din at mas kaaya aya na siyang tignan ngayon

Lumapit siya sa akin saka inagaw ang bisekleta at sumampa agad dito

"Angkas na" Napatingin naman ako sa kanya na punong puno ng pagtataka

Saan na naman kaya kami pupunta ngayon

"Miss white dress angkas na" Pangungilit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang umangkas nalang ulit at hayaan siya na dalhin ako sa kung saan man yan.

Di ko alam pero napaka komportable ng pakiramdam ko pag kasama ko siya parang ligtas ako sa kanya
.
.

"Sa wakas!" saad niya ng pakapunta kami dito sa isang tindahan ng mga damit medyo madami na ang tao dito sa lugar na to

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya na abala sa paghahanap ng magandang pwesto para iwan ang bisekleta

"Bibili ng damit" Sagot niya at pumasok na sa loob kaya agad akong sumunod sa kanya. Nagaalangan ako na baka di na naman pwede doon yung credit card niya ano ang ipapambayad namin?

Pero nawala na din ang agam agam na yon ng magtanong siya sa counter at oo daw pwede daw ang credit card

"Ayos tara mamili kana ng damit mo!" Saad niya sa akin kaya naman tumango nalang ako. Nakakahiya pero kailangan ko ang magpalit ng damit kaya pumunta na ako sa dapat puntahan.

Di din ako nagtagal at nasuot ko na agad ang napili kong damit

Iniwan ko na doon ang damit ko na luma. Paglabas ko ng fitting room ay nakita ko siya sa harapan ko na nakasuot ng puro itim. Itim na jacket itim na t-shirt itim na pants at itim na sapatos. Ganoon din naman ang sinuot ko sa sinuot niya pero hindi kulay itim lahat.

"Wow para kang isang volleyball player Ms. White dress" Saad niya kaya naman napangisi nalang ako di ko kasi maisip na ganoon ang itsura ko basta sinuot ko lang kung saan ako komportable.

"Okay kana ba?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya

"Tara na?" At tumango nalang ako bilang tugon

Hinintay ko nalang siya sa labas dahil nagbabayad pa siya hinawakan ko na ang bisekleta. Habang nasa labas ay nag mumuni muni ako, ang bilis lumipas ng araw hapon na kaagad at ngayon ano na ang gagagwin namin? Ay mali ano na pala ang gagawin ko at ano na ang balak ng lalaking yon?

Nililibot ko lang ang paningin ko sa buong paligid marami ng tao ang nakikita ko rito at marami na ring sasakyan sa kalsada di tulad noong napadparan namin kahapon.

Sinusundan ko lang ng tingin ang mga taong dumadaan sa paligid ko dahil wala akong magawa hanggang sa natigilan ako sa mga nakita kong paparating. Malayo pa lang sila pero familiar sila sa akin kinakabahan din ako

Tama sila nga! Saad ko nalang sa isip ko ng mapagtantong ito yung mga lalaki na humahabol sa amin noon di ko kilala silang lahat pero ang ilan sa kanila ay familiar ang itsura

Agad akong nataranta sakto namang lumabas ng pintuan ang lalaking kasama ko

"Bakit?" tanong niya sa akin dahil halata sa itsura ko na natataranta ako di ko alam ang sasabihin ko kaya naman tinuro ko nalang ang mga lalaking nagtatakbo papunta sa direksyon namin di ko alam kung paano nila nalaman na nandito kami pero di na mahalaga yon at bakit nga ba ako kinakabahan e hindi naman ako ang kailangan ng mga yon kundi itong lalaki na kasama ko

" Hala hala tara na!!" Saad niya na natataranta narin at agad na lumapit sa akin saka umangkas

napatingin naman ako sa kanya dahil sa angkasan pa talaga siya unang pumunta

Nginitian naman niya ako nang todo ng makaupo na siya kaya naman umirap nalang ako at sinimulan ng pumadyak ang kapal talaga niya pag mga ganitong habulan gusto lang niya lagi ang umangkas buti nalang at hindi na ako nakatakong ngayon mas madali na sa akin ang magpatakbo

"Hoy sila yon diba!"

"Hoy tigil"

Ang mga familiar na boses na naman yon ang naririnig ko kaya dali dali akong pumadyak nang pumadyak dahil baka mahabol nila kami

"Hoy tigillllll!"

ALL WE KNOW (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon