CHAPTER 15

179 8 0
                                    

Nagising ako at dali dali kong tinignan ang orasan na nasa tabi ko

Tanghali na noong nakatulog ako kaya naman alas kwatro na ng hapon nang magising ako

Nakatulog nalang ako kahihintay kay Ybarra marahil nga ay di na siya babalik yun ang nasa utak ko ngayon kaya naman wala akong ganang bumangon at pumikit akong muli nakakadama kasi ako ng lungkot

"May problema kaba?" Agad akong napamulat dahil sa narinig ko

Walang ano ano ay bumangon ako at nakita ko si Ybarra na nakaupo sa may likuran ko

Kailan pa siya nakabalik? Kanina pa ba niya ako pinapanood na natutulog?

Agad siyang tumayo at umupo sa tabi ko "Bakit mukhang malungkot ka?" Tanong neto at di ko na tinago ang tunay kong nararamdaman nalungkot talaga ako kasi akala ko di na siya babalik

"A-akala ko kasi di kana-"

"Di na ako babalik" Sabat niya sabay tumawa kaya naman napakunot ang noo ko anong nakakatawa doon

"Si lolo lang naman ang may gusto na nasa mansion ako at di niya ako kayang ikulong ngayon kasi may sakit siya pero magiging okay na din siya"

Di ko alam kong bakit siya tumatawa pero halata ko na malungkot siya nakikita ko yun sa mga mata niya

Tumigil na rin siya sa kakangisi sabay tumingin sa akin nang diretso

"marami pa akong gustong gawin kaya di pa ako makukulong ulit" Ani nito kaya naman nginitian ko siya

Nakakatuwa namang marinig yun akala ko magtaatapos na doon ang adventure namin na sinabi niya noon

"Nag alala kaba sa akin?" Aniya na parang nang aasar kaya naman sinungitan ko siya

"H-hindi ah!" Saad ko sabay iwas ng tingin sa kanya at natawa naman siya

"Oh sige slight lang"

Natawa na kaming dalawa maya maya ay may kinuha siya mula sa bulsa niya

"Ano yan?" Tanong ko ng makita ang dalawang papel

"Hmm entrance ticket"

Nagtaka naman ako kung para saan yon

"Kumilos kana diyan at may pupuntahan tayo"

Napangiti ako sa sinabi niyang yun namiss ko yung ganoong linya niya, gaya dati wala akong ideya kung saan kami pupunta basta sumunod nalang ako sa sinabi niya at nag ayos nalang

____

Kakaiba ang gabing ito parang sobra ang saya ko. Nag bisekleta na naman kami na siya ang nag mamaneho kahit ilang araw lang na di namin ginawa ang ganito ay nakakamiss agad

"Nandito na tayo" Saad niya kaya agad akong bumaba. Nasa harap kami ng building parang isang mall pero maliit lang at ang daming tao dito ngayon

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya at ngumiti na naman siya ng todo mukhang excited na naman siya

"Mini concert to"

Huh? Mini concert ng ano naman di pa ako nakakapunta sa ganito dati kaya di ko alam to

"Tara na" Saad niya sabay hinila na naman ako kaya nagpadala lang ako sa kanya
.
.
Namangha ako ng makapasok kami doon ang saya dito may mga kumakanta sa harap habang sinasabayan ng ibang taong nandito

"Di ko alam ang kinakanta nila basta mag enjoy na tayo first time ko lang makapunta sa ganito" Hiyaw niya malapit sa tenga ko kasi ang lakas ng tugtog napaka energetic ng mga tao dito kaya naman napasabay ako di ko mapigilan ang magtatatalon gaya ng ginagawa nila

Aaminin ko nag enjoy talaga ako sa gabing ito hanggang sa biglang naging low ang energy ng lahat dahil naging soft ang music nawala bigla ang ingay sa paligid

Napatingin ako kay Ybarra at nakatingin siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin ang lakas na naman ng tibok ng puso ko

Kanina pa ba niya ako tinititigan?

"Jaycelle" Napatingin ako sa kanya at ngayon ay di na siya nakatingin sa akin

"Will you stay with me?"

Napatitig lang ako sa kanya ewan ko ba ang saya sa feeling ng tinanong niyang yon di ko na talaga maikakaila ngayon na nahulog na talaga ako sa kanya at oo naman sasama ako sa kanya

Binigyan niya ako ng tingin sabay nginitian ako ng napakatamis niyang ngiti

Parang naiiyak ako ng mga sandaling yon parang kami lang din ang tao dito

Hinawakan niya ang kamay ko at napakainit ng mga palad niya

"Hindi ako sigurado sa mangyayari sa akin pero isa lang ang sigurado ko... gusto kitang makasama"

Ramdam ko na may luha ng namumuo sa gilid ng mata ko I can't believe na may isang taong nagbibigay ulit sa akin ng dahilan para gustuhin pang mabuhay akala ko wala ng kahit ano sa akin pero ngayon meron na akong siya

Tumango ako simbolo ng sagot na oo tinatanggap ko ang alok niya mag e stay ako sa kanya at di ko siya iiwan

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at ipinasok ang magkahawak naming kamay sa bulsa ng jacket niya

Ibinalik ko na ang tingin ko sa harap lalo akong naiiyak sabayan mo pa ng tugtog ngayon

I'm so thankful to have you Ybarra

At pareho kaming napatingin sa isa't isa sabay nagpakawala ng ngiti

______

Labis ang saya na nararamdaman ko ngayong gabi na to kaya naman di maalis ang ngiti sa labi ko

Lumabas na kami at ang dami paring tao dito. Nakatayo lang ako sa gilid kung saan nakapark ang bisikleta. Hinihintay ko si Ybarra na bumili ng maiinom

Masasabi mong para akong isang baliw ngayon na nakangiti habang nakatulala hindi ko lang talaga maiwasan habang iniisip ko ang mga nangyari kanina 

Hinawakan ko ang bisekleta at siya parin ang naiisip ko kaya napapangiti na naman ako pero naglaho din ang ngiti kong yon at ang saya ay nahaluan ng kaba ng biglang may lalaking sumulpot sa harapan ko

Malaki ang katawan niya at nakaitim siya naka mask din siya kaya di ko makita ang kabuuan ng mukha niya basta ang alam ko lang ay takot ANG binibigay niya sakin, di ako makagalaw "Kamusta?" Saad niya bago hinampas ng mabigat na bagay ang balikat ko at parang nanghina ako hanggang sa dumilim na din ang lahat

ALL WE KNOW (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon