CHAPTER 11

176 11 0
                                    


Nakatitig siya sa akin ngayon ng hindi na naman kaaya aya habang ako ay yakap yakap ang sarili dahil sa takot

Narito kami sa may makahoy na lugar medyo malayo doon sa resort kanina palang habang nag lalakad kami alam ko na na may mali dapat pala kanina palang tumakbo na ako

Gusto ko ng tumakbo ngayon palang dahil di ko alam kong anong gagawin niya sa akin pero di ko magawa, parang natuod ako dahil sa takot

"Ang ganda mo" Saad niya sabay umasta ng malaswa at may kinuha siya mula sa bulsa niya

patalim ito kaya naman lalo akong nanginig sa takot

"T-Tulong!" Sigaw ko at tumawa lang siya

"Walang makakarinig sayo rito miss"

Lumapit siya sa akin kaya umatras ako pero agad niyang kinapitan ang braso ko kaya naman sobrang lapit ko na sa kanya naamoy ko na yung hininga niya na amoy alak

Hinalikan niya ang pisngi ko kaya agad akong nag wala

"Ano ba bitawan mo ako!" Pag pupumiglas ko pero tawa lang siya ng tawa parang baliw sabay hinatak ulit ako papalapit sa kanya kaya naman agad kong inuntog ng ulo ko ang noo niya

Malakas yon kaya napabitaw siya sa akin maski naman ako ay nahilo ng konti dahil sa ginawa ko

Galit na galit siya dahil sa ginawa ko kaya naman sinugod niya ako

Tumakbo ako at ng nilingon ko siya ay hinampas niya ako kaya naman bumagsak ako

Mukha ko ang natamaan at naramdaman ko agad ang sakit sa pisngi ko hinawakan ko ito at dumudugo ito. Takot na takot na ako dahil ginamit niya sa akin ang patalim na hawak niya

Tuwang tuwa siya habang nakatayo sa harapan ko tinititigan na naman niya ako ng di kaaya aya kaya naman naluha na ako

"Wag please" Pagmamakaawa ko pero tumatawa parin siya inangat niya yung patalim na hawak niya kaya lalo akong kinabahan gagamitin na naman niya yon sa akin

Napasigaw nalang ako ng bumwelo na siya para saksakin ako napapikit ako pero agad din akong napamulat ng di ko maramdaman ang sakit walang patalim ang tumama sa akin

Nagulat ako ng isang lalaki ang nasa harap ko ngayon

Di ko siya kilala at nakasuot siya katulad noong suot ng mga humahabol sa amin dati

"Jaycelle!" Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ybarra na tumakbo papunta sa direksyon ko

Agad akong inalalayan na tumayo ng makalapit siya sa akin

Naiyak na ako ng mahawakan ko siya at muli kong tinignan yung lalaki na nagdala sa akin dito. Ngayon ay nilalabanan siya noong lalaki na sumangga ng patalim na dapat sa akin tatama

Sino kaya siya di ko siya kilala

"Okay kalang ba?!" Tanong ni Ybarra kaya muli akong tumingin sa kanya at doon na ako talaga naiyak ng sobra kaya niyakap niya ako

Di ko maipaliwanag ang takot ko kanina kaya laking pasasalamat ko nang makita ko siya

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kitang kita ko ang mukha niya na punong puno ng pag aalala pero agad na nag iba yon noong hinawakan niya ang mukha ko

Gulat na gulat siya marahil ay napansin na niya ang hiwa sa pisngi ko dahil sa patalim noong lalaki

Biglang naging seryoso ang mukha niya at agad na tumingin doon sa dalawa na nag lalaban parin ngayon

Akmang lalapit siya sa dalawa kaya agad ko siyang kinapitan

"Anong gagawin mo?" Tanong ko pero di niya ako pinansin at lumapit na nga siya sa dalawa

Nakatalikod sa kanya yong lalaki na nanakit sa akin kaya naman hinawakan niya ang likod nito at ng lumingon ito binigyan niya agad ito ng isang suntok. Napakalakas ata ng suntok na yon at bumagsak agad yung kalaban niya duguan na din ang mukha nito

"Walang hiya ka!" Narinig kong sigaw ni Ybarra sabay dinampot ang lalaki na bumagsak at hinawakan ito sa leeg

Namula yung lalaki dahil sinasakal siya ngayon ni Ybarra ewan ko ba at di ako mapakali parang wala na sa isip niya ang buhay noong manyak na lalaki at tatapusin na niya ito

Di parin niya ito binibitawan kahit unti unti na itong nauubusan ng hininga dahil di na ito gaanong nag pupumiglas

"Tama na" Saad ko ng nanginig pa ang boses pero di niya ako pinakinggan
Alam ko na masamang tao yung sinasakal ni Ybarra ngayon pero natatakot para sa buhay noong manyak na yun ayaw ko may nakikitang ganoong pangyayari sa harapan ko isa pa di ko kayang isipin na magagawa yun ni Ybarra

Tinignan ko ang itsura ni Ybarra at parang hindi na siya yung Ybarra na nakilala ko yung dating ng pagtingin niya sa lalaki ay nakakatakot tatapusin na talaga niya ito

bakit ganoon natatakot na ako kay Ybarra ngayon

Di ko na alam ang gagawin ko kaya napatingin ako doon sa lalaki na nagligtas sa akin kanina baka may magawa siya

Nabasa ata nito sinasabi ng utak ko dahil agad siyang lumapit kay Ybarra at hinawakan ang braso nito na nakakapit sa leeg noong lalaki

May sinabi siya kay Ybarra na di ko narinig kasi medyo malayo ako sa kanila pero mukhang nagtagumpay siya, parang nabunutan ako ng tinik ng sa wakas ay binitawan na ni Ybarra yung lalaki

agad itong naghabol ng hininga at di na makatayo dahil sa panghihina

"Ako na ang bahala sa kanya" Narinig kong saad noong lalaki na umawat

Tumingin ulit sa akin si Ybarra na ngayon ay iba na ang expresyon di na katulad kanina na talagang nakakatakot

Agad niya akong nilapitan saka niyakap ako ulit kaya naman niyakap ko nalang din siya pabalik habang nasa isip ko parin ang nakakatakot na itsura niya kanina

Tama ba yung nakita ko kanina

Dahil lubha itong malayo sa Ybarra na kilala ko... nakakatakot siya

ALL WE KNOW (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon