CHAPTER 17

154 7 0
                                    


Halos matuyo na ang lalamunan ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon bakit ba kasi sumugod nalang siya basta basta na walang kahit anong dala para naman maprotektahan ang sarili niya at wala din siyang kasama

Mukha pang baliw itong pinsan niya kaya paniguradong mapapahamak siya

Seryosong seryoso ang mukha nilang dalawa habang nakatutok ang baril kay Ybarra

Parang anytime kakalabitin na yun ng pinsan niya

Pero maya maya nakahinga ako nang maluwag ng ngumiti ito at binaba ang baril niya

Sana nagbago na ang isip nito

"Boring walang thrill" Aniya sabay senyas sa mga tauhan niya at binaba na din nila ang mga baril nila na nakatutok kay Ybarra pero imbis na matuwa ako ay hindi dahil isa isa silang sumugod at ang lalakas ng mga suntok at sipa nila buti nalang at nakakaiwas si Ybarra

"Ybarra!" Sigaw ko sabay takbo papalapit kay Ybarra pero agad na naman akong kinapitan sa braso ng pinsan niya

"Dito kalang panoorin mo" Bulong nito sa akin sabay nag pupumiglas naman ako pero sadyang malakas siya

Tawa lang siya nang tawa habang nakikipaglaban si Ybarra nakakailag siya at nakakasuntok sa kalaban pero sadya silang madami at ngayon ay si Ybarra na ang nasa malalang kondisyon duguan na ang mukha niya

"Tama na!" Sigaw ko pero parang hangin lang ang kausap ko sa lugar na yun

Tuloy tuloy parin sila sa pag atake kay Ybarra hanggang sa bumagsak na siya pinilit nitong bumangon pero tadyak ang natamo niya

"Ano ba tama na!" Saad ko sa pinsan niya habang nananalangin na makinig siya dahil di ko na kaya ang nakikita ko

Pero wala parin walang nakikinig sa akin kaya naman nawawalan na ako ng pag asa at naiyak nalang ako hanggang sa isa sa mga bumubugbog kay Ybarra ang bumagsak kasabay ng malakas na putok at may dugong lumabas mula sa dibdib noong lalaking bumagsak

Nag panic na ang lahat at tingin nang tingin sa paligid kung saan galing ang putok maski ako ay hindi alam at maya maya ay sunod sunod ang putok at isa isa ang bumagsak mukhang galing sa labas ang nangbabaril

Habang nag papanic sila ay sinamantala ko na ang pagkakataon dahil di maka alpas ang kamay ko ay tinadyakan ko nalang ang pagkalalaki ng pinsan ni Ybarra at doon ay binitawan na niya ako, dali dali akong tumakbo papunta sa direksyon ni Ybarra na ngayon ay pinipilit nalang na tumayo

Nakalapit na ako sa direksyon niya

"Hey!" boses mula sa likuran ko kaya naman napalingon ako at napakabilis ng pangyayari nakita ko nalang na hinampas niya ako ng mabigat na bagay kaya naman bumagsak ako naramdaman ko kaagad ang hilo

May naramdaman akong likido na umagos sa mukha ko. Unti unti ay nanglabo ang paningin ko hanggang doon nalang ang nasaksihan ko

____

Gulat ang maguguhit sa mukha ni Ybarra ng bumagsak at nawalan ng malay si Jaycelle habang ang salarin ay nag sisisigaw na parang baliw

"Damn, dapat di ko siya hinampas may ipapakita pa ako sa kanya e" Ani nito

"Hoy buhay kapa ba?Ansakit din ng ginawa mo sakin ah" Saad ulit nito sabay pinag sisipa si Jaycelle na wala ng malay

"Master!" Bungad ni Elias na may dalang mahabang baril, napatumba na niya lahat ng tauhan na nasa paligid kanina

siya ang sniper na kumitil sa mga iyon

Tinutok muli ng kalaban kay Ybarra ang baril bilang paninigurado dahil nakatutok din sa kanya ang baril ni Elias

"Damn! Ang talino mo talaga di ko akalain na ako pa ang ma tratrap ah"
Ngunit walang kibo si Ybarra dahil nakatitig lang ito sa walang malay na si Jaycelle

"Bakit mo ba ginagawa to pamilya tayo diba" Ani ni Ybarra sabay tulo ng mga luha kahit gaano pa ka sama ang pamilya niya ay hindi siya makapaniwala na kaya nitong pumatay kahit kadugo nito

"Pamilya? Anong pinagsasabi mo si papa lang ang pamilya ko at kahit kalian di kita tinuring na ka isa sa pamilya ko kayo ni lolo at ng papa mo dahil ganoon din kayo wala lang kami sa inyo"

Saad neto na bakas ang galit sa mukha niya

"Ikaw nalang ng ikaw ang pinapansin ni lolo at taga pag mana pa ah samantalang wala ka namang ibang ginawa sa buong buhay mo kundi ang maging sakit sa ulo "

Hiyaw niya sabay nagpakawala ng isang putok ng baril sa gilid, napapikit nalang si Ybarra sa inasta ng pinsan niya

"Matagal na kitang gustong patayin kaso lang pinipigilan ako ni papa but this time-"

"Go ahead and kill me" Mahinang saad ni Ybarra at nagulat naman ang kausap nito ng naging mahina ang boses neto saka nakayuko

Tumawa ito ng malakas para itago ang pangingilabot sa biglang magiging cold ni Ybarra

"C'mon di ka man lang lalaban ha Ybarra hindi ganyan ang Ybarra na pinakilala mo sa amin you are a monster diba diba naalala mo ba yon yun nga ang gusto kong ipakita rito sa babae nato kaso natulog na siya"

Saad nito habang ginalaw ang katawan ni jaycelle gamit ang paa niya

Ilang sandali pa ay lalong nag iba ang ihip ng hangin kay Ybarra humalakhak ito ng mahina sabay dahan dahang tumayo agad naman na tinutok muli ng kalaban ang baril sa kanya at bahagya itong nanginig ng makita ang mukha ni Ybarra pero tinago niya ang takot na iyon

ALL WE KNOW (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon