CHAPTER 12

178 10 0
                                    

Agad kaming umalis sa resort na yon di ko na din alam kung saan na napunta yung lalaki na nanakit sa akin

Kasakasama parin namin yung lalaki na tumulong sa akin pero hanggang ngayon di ko parin siya kilala.

Mukhang kilala siya ni Ybarra kasi sinusunod niya lahat ng sabihin nito. Maraming tanong sa utak ko ngayon pero tahimik lang ako kasi di parin ako maka move on sa nangyari kanina

Nandito kami ngayon sa isang hotel. Dito kami pinatuloy noong lalaking tumulong sa akin nakaupo lang ako sa kama habang ginagamot ni Ybarra ang mukha ko na nahiwa ng patalim kanina

"Noong una palang di na din maganda ang pakiramdam ko sa paraan ng pagtitig noong staff sa resort kaya sorry dapat hindi na kita hinayaan na makalapit pa sa kanya"

Nginitian ko nalang si Ybarra habang sinasabi yon hindi naman niya kasalanan ang nangyari kaya di siya dapat nanghihingi ng tawad

Natapos na niyang linisin ang sugat ko at nilagyan na niya ito ng band aid

Napatingin ako doon sa lalaki na tumulong sa akin kanina na nakaupo lang at wala paring imik

"Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin kanina" Tumango lang siya ng sinabi ko yun di man lang siya ngumiti kahit bahagya lang

"Ah di ko pa pala siya napapakilala sayo"

Napatingin ako kay Ybarra na nakangiti na ngayon so tama nga ako mag kakilala talaga sila

"Siya nga pala si Elias siya a- ang kaibigan ko na nakatira din sa parehong mansion na tinitirahan ko at di ko alam kung bakit niya ako natagpuan"

Pagpapakilala nito doon sa lalaki pero nag taka naman ako ng nagkatinginan sila noong lalaki, mukhang nagulat si Elias sa sinabi ni Ybarra pero kalaunan ay tumingin din ito sa akin

"A-ah t-tama siya" matipid na saad nito sabay tumingin ulit kay Ybarra

"Simula po noong tumakas kayo sa mansion ay pinasundan na po kayo sa akin ng lolo ng palihim dahil-"

"Ah ah teka lang ah alam ko nasugatan ka kanina"

Sabat agad ni Ybarra kaya hindi na natapos sa pag sasalita si Elias napahawak naman si Elias sa likod niya at doon ay naalala ko ang pag sangga niya sa patalim na dapat ay tatama sa akin

"Ah maliit lang naman po-"

"Anong maliit maliit ka diyan halika gagamutin kita"

Saad ni Ybarra sabay inalalayan si Elias palabas nakangiti pa si Ybarra sa akin habang papalabas ng kwarto ewan ko pero sa mga inasta niya ay parang may tinatago siya.

Ilang minuto pa akong nakatunganga doon sa kwarto ng di ako mapakali kaya naman lumabas ako. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig pero nandoon sila Ybarra na nag uusap kaya di ako dumiretso

"Kailangan niyo na pong bumalik magaganap na ang hinintay ng lolo niyo at paniguradong magtatagumpay na ang tito niyo sa gusto niya lalo na ngayong nakaratay ang lolo niyo"

" Ayaw ko nga hahayaan ko nalang sila doon sa posisyon na yon "

"Pero duda po ako sa nangyari sa lolo niyo para sa akin hindi sakit ang dahilan kaya siya nagkaratay ngayon lalo na't inutusan ako ng lolo niyo na protektahan ka mula sa tito niyo"

"pag pumunta ka sa mansion Elias sabihin mo kay lolo na okay lang ako"

Nakikinig lang ako sa usapan nila pero agad din akong umakyat pabalik sa kwarto ko

Nararamdaman ko na may problema si Ybarra tungkol sa lolo niya pero yung tinatakasan niya ay mga tauhan ng lolo niya

Ang lolo niya ang nagpapahabol sa kanya kaya di ko maintindihan ngayon kung ano nga ba talaga ang nangyayari

Sabagay, di ko pa gaanong kilala si Ybarra
___

Nakatayo lang ako habang nakaharap sa bintana

Gabi na din pero di ako makatulog di ko alam kung anong ginagawa ngayon ni Ybarra dahil di na siya nagpakita sa akin mula noong lumabas sila sa kwarto

Iniisip ko kung hanggang kalian kaya kami magiging mag kasama ni Ybarra

sa kaunting araw na nagkasama kami ay di ko maintindihan kung bakit ganito na ang nararamdaman ko sa kanya gusto ko palagi kaming magkasama

Gusto ko manatili lagi sa tabi niya

Hindi pwede to hindi dapat dahil kahit anong oras ay uuwi na din siya sa kanila gaya ng sinabi niya at iiwan na namin ang isa't isa kaya hindi dapat

Napabuntong hininga ako sa kalagitnaan ng pag iisip ang sarap din ng ihip ng hangin na pumapasok dito sa kwarto kaya lalo kung nararamdaman ang lungkot ng maya maya ay isang hininga ang naramdaman ko sa may leeg ko kasabay ng pag ikot ng kamay neto sa bewang ko

May yumakap sa akin mula sa likod kaya di ako nakagalaw at gulat na gulat ako

Pinakiramdaman ko ang yumakap sa akin at pahigpit ng pahigpit ang yakap niya kaya ang lakas ng tibok ng puso ko di ako makagalaw

"Okay kana ba?"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko kung kaninong boses yon

"Y-Ybarra" Saad ko at lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya

Bakit ginagawa niya to sa akin...

ALL WE KNOW (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon