Chapter Seventy-five

Beginne am Anfang
                                    

Pinanood ko nalang silang makaalis ng penthouse. Ilang araw nalang din aalis na sila dito, magsisimula na sila na panibagong buhay ng hiwa-hiwalay. Nung una akala ko dahil sa'kin kaya nila napagdesisyunang gawin yon pero ang sabi lang nila, magsisimula sila ng buhay na permanente, yung stable na para sa magiging pamilya nila lalo na ngayon, hindi naman tumitigil yung edad.

Nabanggit din sa'kin ni Sehun na itutuloy ni Joy ang pag aaral... kasabay nila Rubyjane na magtutuloy tuloy hanggang sa pagiging surgeon.

Hindi ko pala natanong kung anong specialty kukunin mo... pero kung ano man ang gagawin mo, alam kong magiging succesful ka. Kelan ka ba nag-fail? Di ka papatalo eh. 

Na-iimagine ko palang na magkakaron ka ng pasyenteng kapantay mo yung temper baka unahan mong bangasan yon at di mo na gamutin. Ganun ka kapalaban, kaya di na ko nagtaka kung mas gusto mong ilaban yung relasyon natin kesa tapusin at kalimutan nalang agad.

Pero salamat dahil pinagkatiwalaan mo ko kahit ngayon nalang... hindi mo man makita ngayon pero darating din yung panahon na matatanggap mo ng tuluyan. Kakayanin mo..

Alagang Seulgi ka eh.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang phone ko.

Atty. Cruz is calling...

Ngayon na nga pala yung last trial.

"Yes Shiela?"

"Wait... wala ka pa ba airport? Kase papunta ko ngayon sa hotel mo, may sasabihin lang ako."

"Bakit di nalang dito? Sayang gas."

"Bilhin ko pa buong Petron Seulgi jusko! Wala akong pakielam sa gas ko, bumaba ka na, andito ko sa lobby."

"Sige na, hintayin mo nalang ako sa restaurant diyan sa baba."

"Okiedokie!"

Napa iling nalang ako. Pa-suspense pa gusto ng babaeng to. 

Di na ko nag abalang magpalit ng damit at bumaba na. Agad akong dumiretso sa restaurant. Nakita ko siyang kumakaway pagkapasok ko kaya madali ko siyang nakita at pinuntahan.

"Ano na Shie?" Tanong ko nnag maka-upo ako sa harap niya.

"Here." Abot niya ng isang envelope.

Agad ko yung binasa at parang huminto ang pagtibok ng puso ko nang mabasa ko ang nakasulat...

"Sinubukan nilang bayaran yung judge..."

Nanginginig ang buong katawan ko.. 

"Pero hindi nagpadala sa pera yung judge kaya mas lalong bumigat yung kaso nila. Congrats Seulgi, makukulong na habang buhay sina Taehyung!" 

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at niyakap siya nang mahigpit.

"Thank you, thank you, thank you! Shit salamat!" Paulit ulit kong banggit.

"Ayos na sana yung thank you, bakit namura pa ko?" Tawa niya. Napakamot nalang ako sa batok nang humiwalay ako. "Sorry, sobrang saya ko kasi."

"Halata nga." Tawa niya. "So ano na?"

"Hindi naman tama kung sosolohin ko tong balita diba?" Sagot ko at unti unting ngumiti. "Pupuntahan ko nalang yung pinangako kong dapat puntahan."

"Go... Seulgi. Baka ma-late ka." 

Niyakap ko siya sa huling pagkakataon at patakbong pumunta sa parking habang hawak ang envelope na binigay ni Shiela.

She's The Boss // SeulreneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt