Chapter Sixty-two

1.1K 39 13
                                    

SEULGI'S POV

"Seulgi PUI na si Irene.."

Nagmadali akong lumabas ng kwarto nila para bumalik sa penthouse at kunin ang susi ng sasakyan ko..

Hindi ako pwedeng nandito lang kahit alam kong anytime pwede siyang mag-positive don putangina wag naman sana.

"Seulgi! Saan ka pupunta?!" Hindi ko pinansin si Jennie na alam kong nakasunod parin sakin.

Nagtataka silang lahat nang makita si Jennie na nakasunod sakin hanggang sa kwarto ko.

"Seulgi huminahon ka nga!"

"Pano ako hihinahon?! Sinong kasama niya don?! Sinong nag aalaga sa kanya?! Putangina Jennie kailangan niya ko don!" Kailangan ko siyang alagaan... Lalo na't nalaman ko na siya pala ang apo ni Aunt Sally... Hindi ko siya pwedeng hayaan na ganun don.

Mabilis akong nagpalit ng damit at kinuha ang susi bago lumabas ng kwarto. Lahat sila ay nakaabang saming dalawa.

"Seulgi may mga nurse don! May doktor don! Delikado kung pupunta ka ng ganyan ngayon."

Nakita ko ang pagtayo nila mula sa mga kinauupuan nila. Pati si Suho na lumapit samin.

"Hindi ako makakampante dito kung may sakit siya don!" Hindi ko na napansin ang pagtaas ng boses ko kaya gumitna na samin si Suho.

"Sandali nga, kumalma kayong dalawa. Ano bang nangyare?" Mahinahon niyang tanong.

"Umupo nga muna kayo mga puta nakaka-tense kayo gago." sigaw ni Kai.

Unang umupo si Jennie.. Sinenyasan naman ako ni Suho kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang kahit kating kati na kong magdrive papuntang ospital para makita siya.

"Eto kasing si Seulgi! Di manlang ko pinag-explain tumakbo agad palabas!" Reklamo niya. Eh kung magsalita kase siya kanina nakakakaba. Malamang si Irene yon eh!

Alangan naman sabihin ko "Hayaan mo siya, malaki na yon." Diba gago lang?

"Ayusin mo kase pananalita mo tangina! Kinakabahan ako malamang!" Sagot ko naman kaya gumitna ulit si Suho.

"Saglet nga punyeta! Mag usap nga kayo ng maayos, para kayong mga bata mga puta ah!" Napasambunot na siya sa sarili niyang buhok kaya palihim na napatawa ang mga gago sa likod niya.

"Kanina kase, may vacant na time kami since pare pareho naman na kaming natapos sa mga gagawin namin..."

"Bilisan mo na kwento puta daming sabe!"

"Tangina ka Kang!"

Bigla akong binatukan ni Suho at sinenyasan si Rubyjane na magpatuloy.

"Napansin na naming namumutla siya non, tapos habang nag uusap kami, muntik na siyang matumba kaya tinanong namin kung okay siya. Ayos lang naman daw siya kaya babalik na siya sa station niya. Nagulat nalang kami habang pabalik siya, bigla nalang siya nawalan ng malay."

Hindi ako naniniwalang nahawaan siya, hindi yon mangyayare.

"Naging PUI si Irene dahil isa sa mga patient na galing sa station niya ang nagpositive."

Hindi ko na kaya to.

Mabilis akong tumayo kaya agad namang hinawakan ni Suho ang braso ko.

"Seulgi delikado sa ospital."

"Kailangan niya ko don Junmyeon! Hindi niyo ba naiintindihan yon?" Marahas kong binawi ang braso ko.

"Sa tingin mo gugustuhin ni Irene na pumunta ka don? Ayaw niya ngang bisitahin mo siya dahil nag aalala siya na baka pati ikaw mahawaan don!" Tangina naman.

She's The Boss // SeulreneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα