Chapter Forty-six

1.3K 46 7
                                    

IRENE'S POV

Day 2

Pangalawang araw na pero wala paring pagbabago sa kondisyon niya. Hindi na nga rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil bigla bigla nalang akong maaalimpungatan then tititigan ko nalang si Seulgi.

Sina Suho bumalik ng penthouse. Sina Jennie, Joy, Yeri, Wendy at Baekhyun lang ang naiwan dito para daw may kasama ako.

Baby... Gumising ka na please.

Sabi naman ng doktor okay ka na, ang magagawa nalang ay maghintay, pero gaano pa katagal?

"Rene sina BoA andito." Tawag sakin ni Jennie.

Tumayo ako at sinalubong silang dalawa na may dalang mga prutas.

Si Kangta kilala ko na, siguro yung babae si BoA.

"Hi Irene." Bati ni Kangta. Syempre dapat mabait tayo, kaya lumapit ako sa kanila para makipagbeso.

"How's Seulgi?" Tanong ni BoA at lumapit kay Seulgi.

"Uhm she's stable naman daw, kaso hindi parin siya gumigising mula kahapon." Napabuntong hininga siya nang sabihin ko yon.

"Stupid kid." Iling niya, pero kita parin ang pag aalala sa mukha niya.

"You're Irene?" Baling niya sa'kin.

Mas nakaka-intimidate siya kesa kay Kangta.

"Yes po." Bigla naman siyang tumawa na ipinagtaka ko.

"Huwag kang ma-tense, di naman ko nangangagat saka nakwento ka na rin sa'kin ni Seulgi ilang beses na." Sabi niya at umupo.

Ano naman kayang na-kwento nito?

"Ah sorry..." Napakamot nalang ako sa batok ko at bumalik sa tabi ni Seulgi.

"Sabi nila Suho pumunta daw ng Katipunan mag isa si Seul." Panimula ni Kangta at tumabi kay BoA.

"Yeah, nagising nalang ako wala siya sa kwarto, madaling araw na rin non kaya nagtaka ko." Sagot ko.

Nakatingin lang sila sa'kin at hinihintay akong magpatuloy.

"Kinabahan na nga ako that time kase hindi naman siya laging unaalis ng ganung oras, then nung sinubukan siyang tawagan ni Suho naka-ilang try din kami bago siya sumagot then ayan na, naabutan nalang namin siya dito sa ospital na duguan." Paliwanag ko, napa iling nalang silang dalawa.

"Parang tanga talaga yan." Sabi ni Kangta.

"Tanga talaga yan." Napatawa naman ako nang sabihin ni BoA yon.

"Buti natatagalan mo yang mokong na yan." Ngumiti ako kay Kangta bago sumagot.

Hindi ko nga alam kung pagsisisihan ko pa yung mga ginawa ko noon eh, kung hindi ko ginawa yon, baka hindi ko siya kilala ngayon.

"Lahat naman tayo may flaws and imperfections and that's what I love about her, her imperfections. Hindi siya mahirap mahalin, because she's Seulgi." Hindi ko na napansin na nakangiti pala 'ko habang sinasabi yon kaya bigla akong namula

Nakangiti rin sila ng nakakaloko kaya awkward akong umubo.

"Mahal mo talaga siya?" Biglang tanong ni BoA.

"Kahit na lagi siyang nagpapaka-Cardo Dalisay, kahit na feeling niya pusa siya, mahal ko siya. Maraming dahilan para iwan ko siya pero meron lang akong isang rason para mas mahalin siya."

"And that is?" Tanong ni Kangta.

"Because Seulgi is Seulgi. Hindi siya mapagpanggap, ipapakita niya talaga sayo kung ano at sino siya, kahit na nasobrahan na siya sa kahambugan niya, mas pipiliin ko parin siya." Sagot ko at tumingin sa kanya.

She's The Boss // SeulreneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang