Chapter 10: Unexpected Advice

29 4 1
                                    

The next day ay wala paring bakas ng isang Lucian Kenwood sa paligid. May activity ulit kami sa history at wala akong partner kasi nga absent siya. Ewan ko ba sa teacher na 'to, and hilig mag pa by pair. Pwede naman individual eh.

"Okay class, I will allow you to take that as an assignment for tomorrow." sabi nang teacher na kinatuwa naman naming lahat. Buti nalang bukas pa 'to ipapasa, medyo mahaba rin kasi kaya hindi ko matapos mag-isa. Kinuha ko lang ang mga gamit ko and headed out.

Dumaan ako ron sa pathwalk kung saan kami natumba no'ng nakaraan.  This stupid brain of mine is making me remember him wherever I go. I don't know why or what is making me always recall him. Ano naman ang pakialam ko kung apat na araw na siyang wala? I'm not looking for him and I certainly DON'T miss him. Nahahawa na ata ako kina Makki ng sakit sa utak.

Pumunta ako sa dorm para ilagay ang mga gamit ko. May nakita akong paper bag sa lamesa.

Hintayin mo kami riyan ha.

Takte naalala ko tuloy no'ng nilalagnat ako na pinag-bili niya ako ng lunch.

Stop it Trinity! Sa lahat ba naman ng bagay siya ang naalala mo?! Ano namang kinalaman mo sa lalaki na 'yon?! Bakit ba hindi mo siya maalis alis sa isip mo? Para namang hindi babalik 'yon eh. Pero...

Pano kung hindi talaga?

Wala nang suplado na palagi umaaway at sume-sermon sa'kin. Wala narin akong inaaway kasi napaka bossy.

I sent him a message 2 days ago and earlier this morning. He hasn't even read it yet. What the hell is wrong with that guy? Is he that busy?

Whatever I don't care.

That's what I said but...

[Dialing Lucian Kenwood]

Gusto kong suntukin ang sarili ko sa ginawa ko. What the hell am I thinking?! Baka mamaya sabihin niya na Miss ko siya, eww! Papatayin ko sana ang telepono kaso sinagot niya 'to. Gusto kong itapon ang cellphone ko sa malayong malayo.

Sinagot niya pero walang nagsasalita.

"Uhmm hey?" nagdadalawang isip pa ako kung magsasalita ba ako o hindi. Wala din kasing sumasagot sa kabilang linya eh.

"Hoy sumagot ka naman." bakit gano'n? Parang...

"Miss mo na ako agad?"

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang may biglang nagsalita sa likod ko. Kaya pala parang nasa malapit lang ang tunog ng telepono kasi nasa likod ko lang pala siya.

He's here.

In my room, at kami lang dalawa.

There's that feeling again when I look into his eyes. His menacing blue eyes always caught me off guard. Para akong napa-paralyze sa tuwing tinatawag ako ng mga mata niya.

"L-lucian?" 'yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"I heard may activity ta'yo sa history. Asan na?" sabi niya that made me stap back to reality.

I can't believe this guy, mawawala siya ng ilang araw tapos babalik na parang wala man lang nangyari. Wala man lang hi or kumusta na ibinahagi. Suplado talaga, tsk. Pero bakit gano'n? Bakit parang gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko na andito na siya. Ano na bang nangyayari sa'kin?!

"What?" kunot noo niya akong tinignan nang tinignan ko lang siya.

"Sa'n ka galing?"

"Na-miss mo ba ako Enderson?" he smirked. Tinignan ko parang nandidiri. Kapal ng mukga ng lalaking 'to. Miss agad? Hindi ba pwedeng nagtatanong lang kung saan siya galing?

My Guardian Devil (On-Going)Where stories live. Discover now