Chapter 20: Racing Hearts

24 4 8
                                    

"Makki? We should head back. It's getting late." sabi ko sa kanya. 'Yon nalang ang sinabi ko, ayaw ko kasing ipakita na nangangawit na ang balikat ko.

Hindi naman siya sumabot. Lumingon ako sa kanya pero nakatulog na pala siya. Napagod siguro siya sa kakaiyak, tapos lasing pa siya. Binuhat ko siya papunta sa kotse niya. Takte, hindi biro ang timbang ng lalaki na 'to! Sobrang bigat! But I managed to get him inside the car. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at pinaandar 'yon.

Gosh, hindi ko pwede ibalik si Makki sa school ng ganyan. Hindi kami papapasukin ng guard, tapos mapapa-trouble pa kami niyan kasi lagpas curfew na ng campus sa oras na 'to. Ayaw ko pa naman madumihan ang record ko ro'n. Malaking epekto 'yon sa pakikipaglaban ko sa spot ng valedictorian.

Bigla namang lumiwanag ang bumbilya ng utak ko. Alam ko na kung saan ko siya dadalhin.

After a few minutes of driving huminto kami sa tapad ng isang hotel. I took a room there at nagpatulong ba ako sa mga bell boys ng hotel para iakyat si Makki sa kuwarto niya. Hindi ko na kaya buhatin pa siya papunta sa 3rd floor, baka mabali na ang likod ko.

They layed him on the bed at sobrang himbing na ng tulog niya. Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang mukha niya. Ang amo ng mukha niya kapag natutulog siya, kahit nanlaki ang eyebags niya kakaiyak guwapo parin siya.

Hays, sana hindi ka nalang nasasaktan ng ganito Makki. Kung pwede lang na kunin ko lahat ng sakit na nararamdaman mo gagawin ko. Bakit pa kasi sa maling tao ka pa napunta? Alam mo naman na baliw na baliw 'yon sa ex niyang chaka. Parehas sila ng Shenen na 'yon. Isa siyang hibang para ipagpalit si Makki sa Dylan na 'yon. Halata naman na pera lang ang habol sa kanya.

Alam kong ang sama ko para sabihin 'to pero parang may side sa'kin na natuwa dahil hiwalay na sila. Hindi ko naman kinakatuwa na nasaktan si Makki pero at least lumabas na ang totoong kulay ng Shenen na 'yon.

Kumuha ako ng medyo mainit-init na tubig at tela, tyaka ko pinunasan ang mukha at mga kamay niya.

"Sana ako nalang ang nagustuhan mo Makki, sisiguraduhin ko na hindi ka masasaktan ng ganito." pabulong kong sabi, baka mamaya marinig niya.

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Don't leave..."

Oo, Makki. Dito lang ako sa tabi mo.

"Shenen, Please don't leave..."

Tumulo ang mga luha ko. Humiga ako sa tabi niya at niyakap ko siya. Hindi man ako si Shenen pero pinapangako ko sa'yo Makki na hindi kita iiwan. Dito lang ako kahit ilang beses mo na akong pinagtabuyan, kahit ilang beses mo nang pinamukha sa'kin na hindi mo ako gusto. Minsan nahihibangan narin ako sa sarili ko eh, pero wala akong magawa.

Minsan talaga nangingibabaw ang puso kesa sa utak. At ang tawag do'n ay katangahan.

Tanga na kung tanga, mahal ko siya eh...

~~~

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Bakit parang may mabigat na nakapatong sa'kin?

Parang malamig na tubig ang ibinuhos sa'kin nang maalala ko ang nangyari kahapon. Agad akong bumangon at nakita ko ang isang natutulog na anghel sa gilid ko. I must've fallen asleep last night. Bumangon ako agad mula sa kama, baka mamaya sabihin niya na chancing ako.

Tumawag ako sa room service para ipaghanda ng breakfast si Makki. Hindi pa naman siya nakapag hapunan kagabi. Sigurado akong gutom siya pag gising niya.

"What the? Nasa'n ako? Bakit ako nandito? At bakit ka nandito?!" saktong pagbaba ko ng telepono ay gumising si Makki. May malaking question mark sa mukha niya habang nililibot ng paningin sa paligid.

My Guardian Devil (On-Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن