Chapter 74 - Sacrifice Part 1.

Start from the beginning
                                    

"Carina! Buksan mo ang pinto. Ate mo na yata yan." Narinig nyang sabi ng mama nya.

Then the door clicked. Carina opened the door.

"Hi ate!" They hugged.

Pumasok sila, she looked at Ysabelle telling her to go after her.

Nakapag mano na sya sa mama nya, at ikinagulat nya ng mag mano rin si Ysabelle rito.

"Magandang gabi po." Sabi nito, in her usual sweet and soft voice.

"Magandang gabi rin." Sabi ng mama nya, then tumingin sa kanya.

"Ah, mama, sya po si Ysabelle, schoolmate and friend ko po." Pakilala nya.

"Wow ate. Ang ganda ganda naman ni Ate Ysabelle!" Hindi napigilan ni Chloe ang sarili. Manghang mangha ito sa babae.

"Hi! Pretty ka rin naman, eh." Lumapit pa si Ysabelle kay Chloe at ginulo ang buhok nito.

Halatang tuwang tuwa ang bunsong kapatid nya.

"Hi! I'm Carina. Sumunod ako kay Ate. Model ka ba? You seemed like one." Si Carina naman iyon. Full force ang labi nito sa pag ngiti.

"Ah, freelance." Matipid na sagot ng babae.

"Ma, bale mag o overnight kami dito ni Ysabelle. U-umalis kasi yung parents nya, kaya nag decide k-kami na mag b-bonding." Sabi nya na lang. Nagiging magaling na syang sinungaling. lels.

"Oh, mabuti naman. Eh ano'ng sabi ni Aled? Nagsabi ka ba?"

"Ma, syempre. Okay lang naman po."

"Ate, wala pa ba kaming pamangkin?" Maya maya ay asar ni Carina.

"Shut up." Pinanglakihan nya ito ng mata.

Narinig nya na lang ang halak hak nito habang papasok sa kwarto nito.

Her mom cooked nilagang baka for dinner. And she can't believe when Ysabelle started to eat and started to be talkative too! It's not on her list of Ysabelle's 'what to do' because she's so graceful. Tuwang tuwa ang mama nya at mga kapatid nya rito. Nakikinig ang mga ito sa kwento nito.

"Ay nako, isa pa, sa school? Kapag may gusto man tsansing dun, binabalian ko ng daliri. Black belter yata to, no!" Sabi nito.

"Wow! Turuan mo naman kami Ate Ysabelle! Mahirap ba?" Si Chloe iyon na nabitin pa ang pagsubo.

"Oo naman! tamang tama kasi bata ka pa, malambot pa ang buto mo."

"Eh ako, ate? Tsaka ano'ng gamit mo'ng product sa face mo? Grabe, ang kinis kinis.." Sabi naman ni Carina.

"Carina?" Mahinang saway nya rito.

"No, it's okay Sandy." Nakangiti na sabi nito sa kanya. Then turned to Carina. "I bought it from Paris and i have spare, i can give you a bottle if you want."

"Wow!" nanlaki ang mga mata ng kapatid nya.

"Carina, Chloe, ano ba yan. Pakainin nyo naman si Ysabelle. Pinagdadaldal ninyo ng pinagdadaldal eh." Napapangiti rin na saway ng mama nya.

"No, tita it's okay. Madaldal naman po ako talaga. Diba Sandy?"

"O-oo." Napa oo na lang sya. yes, karapat dapat nga ito'ng maging agent ng orion dahil magaling ito. Magaling umarte.

Natapos ang pagkain nila. Inaya ng mga kapatid nya si Ysabelle sa kwarto at doon itinuloy ang pakikipag kwentuhan dito. Sya na ang nag volunteer mag hugas. Ang mama nya naman ay nanunuod lang ng tv sa sala.

She called Aled to know the situation.

"I can't trust anybody here anymore. Kahit sino ang pwedeng gumamit ng pick up phone ng Orion." Sabi nito. "But we have few suspects. We debugged their phone without them knowing. So if ever may gumawa ng tawag, maririnig namin."

"T-that's nice to hear." Sabi nya.

"Oh, are you okay? Is Ysabelle still there?"

"Y-yes, she's still here. Sabi ko kay mama, schoolmate at kaibigan ko sya. T-tuwang tuwa nga sila Carina at Chloe sa kanya. Gandang ganda." Mahinang sabi nya.

"Okay ka lang ba? Para kang may sakit."

"No, i'm okay. M-mag iingat ka ha."

Bago pa makasagot ang asawa ay narinig nya ang boses ni Wilson.

"Aled, i got it! I got that bastard!"

"Babe, i got to go. Bye."

Bago tuluyang maibaba ni Aled ang telepono ay nakarinig sya ng putok ng baril.

Nabitawan nya ang hawak na cellphone kasabay ng agad na panginginig ng kanyang kamay.


----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Where stories live. Discover now