Chapter 5.

147K 1.9K 70
                                    

"I hope na maisama mo si Aled sa birthday ko if you don't mind.." Sabi ni Judy.

Nagulat si Sandy dito nang bigla itong tumabi sa kanya sa classroom. Kasalukuyan syang nagsusulat nang kung anu-ano nang marinig nyang nagsalita si Judy.

Tiningnan nya ito. "Ha?"

Ngumiti si Judy. "Ikaw talaga, pa humble ka pa. Boyfriend mo pala si Aled, hindi mo sinasabi. Anyway, since ganun nga, you might as well bring him as your escort."

Napanganga sya. "E-escort?"

Tumango si Judy. "Ah, don't tell me na nakalimutan mo ang birthday ko? Sa susunod na araw na iyon." Tila nagtatampo na sabi nito.

"Ah, eh hindi. Nagulat lang ako. Titingnan ko kung sumama sya. Hindi sya mahilig magparty." Dahilan nya. Wala naman talaga syang balak na isama ito. Maiinis lang sya.

"I know. Remember, crush ko sya. Marami rin akong alam sa kanya. I was just taking chances, mukhang mahal ka talaga ni Aled. Sinundo ka pa talaga so, baka makumbinsi mo sya." Parang nagdi-daydream na sabi nito.

Sa loob nya ay gusto nyang isigaw sa harap nito na hindi totoo ang relationship nila dahil kasunduan lang ito. Kung tutuusin ay parang mas bagay pa ang lalaki at si Judy.

Biyernes nang gabi ay inimbitahan nang mag-asawang Lyn at Renato sila Sandy kasama na ang mama at kapatid nito. Naghanda daw ang mga ito para sa isang simpleng hapunan.

Alas syete nang gabi nang marating nang mag-iina ang mansion. Muli ay ipinasundo ito sa driver.

"Wow, ang laki naman nang bahay nila mama." Tuwang tuwang sabi ni Chloe.

"Ano ka ba Chloe, ang ignorante mo. Hindi bahay ang tawag dito kundi mansion." Sabi ni Carina.

Sinaway ito ni Loreta. "Carina, watch your mouth."

Tumahimik na lamang si Carina. Ilang sandali pa ay natipon na sila sa hapag-kainan. Naroon rin si Aled, na ikinagulat ni Sandy.

Masiglang nag-uusap ang mag-asawa at ang mama ni Sandy samantalang tahimik lamang ang mga bata at nakikinig lamang.

Nagulat na lamang si Sandy nang biglang banggitin nang mama nya kung pupunta sya sa debut party ni Judy kinabukasan sa La Vera hotel.

"Is it true hija?" Tanong ni Lyn.

Nahihiyang tumango si Sandy. Isa iyon sa mga bagay na hindi nya ipinagmamalaki. Magsusuot sya nang gown na ayaw na ayaw nya.

"Very well then. Aled can accompany you tomorrow night. How's that?" Suggestion ni Renato.

Nanlaki ang mga mata ni Sandy.

Napatigil naman sa pagsubo si Aled. Liningon ito ni Sandy.

"Ah naku baka ho may gagawin pa si Aled bukas nang gabi, kaya ko naman ho pumunta mag-isa." Dahilan nya. Ayaw nyang sumama ito. Tiningnan nya ang lalaki sa mata, pleading na wag sana ito pumayag.

Liningon naman ni Donya Lyn ang anak, asking his approval.

"It's fine. I'll go." Sagot nito bago muling sumubo.

Tila nakahinga nang maluwag ang mag-asawa habang si Sandy naman ay tila nagkaroon pa nang problema. Bumuntong hininga sya.

"So it's settled then. Mula sa school ay dito na kayo dumiretso bukas. I'll call my personal stylist. Is it alright with you Loreta?" Tanong nang donya kay Loreta.

"W-wala hong problema madam." Sagot naman nito.

Napangiwi si Sandy sa sagot nang mama nya. Naiinis na naman sya. Ilang lingo na lang at hindi na sya single, hindi man lang sya makapag-enjoy, lagi pa silang pinagsasama nang lalaki na iyon.

I Married the Ice King (Published)Where stories live. Discover now