Chapter 6.

145K 1.8K 43
                                    

Tatlong lingo na lamang at ika dalawampung kaarawan na ni Aled. Huling meeting na rin para sa details nang madaliang kasal nila Sandy at Aled. Sina Lyn at Loreta ang nagplano at excited na ang mga ito.

Iniabot nang dalawang ina sa mga anak nila ang isang katerbang wedding magazine upang mamili ang mga ito nang gown na isusuot ni Sandy.

Tila bored na bumuntong hininga lang si Aled, nakatingin sa malayo. Si Sandy naman ay naexcite bigla nang makita ang mga design nang gowns. Ayaw nya sa mga ito pero aminado sya na nagandahan sya sa mga design na nasa magazines.

"Nakapili ka na ba anak?" Tanong ni Loreta kay Sandy.

"Hindi ako makapili ma. Ang daming maganda." Sabi nya.

Natawa si Lyn sa sinabi ni Sandy. "Alam mo hija, ganyang ganyan din ako noong ikakasal pa lang kami ni Renato. Sa ganda nang designs nang mga wedding gowns ay hindi ako makapili."

Sa huli ay pinili nya ang isang off shoulder na gown na may mga lace. May kahabaan ang buntot nito at sa tingin nya ay babagay ito sa kanya.

Bigla syang nagulat sa sarili nya. Bakit parang excited sya sa kasalan na magaganap? Hindi ba at dapat nalulungkot sya dahil bukod sa mag-aasawa na sya agad ay sa kinaiinisan nyang tao pa sya ikakasal?

Alas dose nang gabi na sila umuwi noon ni Aled at medyo nahilo sya sa ininom na vodka. Naparami ang inom nya sa inis sa lalaki. Nang makabalik na sya ay sinermonan sya nito. Kesyo kung saan saan daw sya pumunta at baka mawala daw sya, hindi daw ito mag-aaksaya nang panahon para hanapin sya.

Wala man lang talaga itong pagka gentleman sa dugo nito. It came to her mind na kung may pagkakataon na maari syang mamili nang papakasalan ay siguradong hindi ito ang pipiliin nya. Madaldal sya kaya ang gusto nya ay makwento rin, hindi tulad nang lalaki na ginto ata ang laway.

Gusto nya rin nang lalaking palaging nakangiti at masayahin, pampaswerte raw kasi iyon. Pero malayong malayo ang mga iyon sa characteristics nang lalaking papakasalan at pakikisamahan nya nang ilang taon.

Matapos mamili nang gown ay dumiretso sya sa kusina at doon tumambay. Naabutan sya doon ni Lisa, ang pinaka batang kasambahay nang mga Santillan. Matanda lang ito sa kanya nang isang taon at masayahin ito kaya kausndo nya ito.

"Senyorita, bakit nandito kayo?" Tanong nito.

"Hay ano ka ba. Tayo lang ang nandito." Saway nya.

"Okay Sandy." She giggled. "Nakapili ka na ba nang design nang gown?" Tanong nito. May inayos ito sa ref.

"Oo." Sagot nya. "Halika nga, kwentuhan muna tayo kung wala ka nang gagawin." Aya nya rito. Tinuro nya ang upuan na malapit sa kanya.

Halos lahat nang kasambahay sa mansion ay close nya na, lalo na ang mga bata pa. Early twenties ang edad nang karamihan sa mga nagtatrabaho sa mansion.

Umupo ito sa tabi nya. "Bakit malungkot ka?"

"Wala lang, naiinis ako kay Alejandro." Sabi nya na naka nguso.

Napahagikhik si Lisa. "Mukha ngang naiinis ka. Binuo mo ba naman ang pangalan ni senyorito."

"Sya rin naman no. Tinawag nya akong Cassandra." Nakanguso na sabi nya.

"Ay Cassandra ba ang totoong pangalan mo?" Tila nagulat si Lisa.

Tumango sya. "Oo, palayaw ko lang ang Sandy. Bakit?"

"Nakakatuwa naman. Ang alam ko, yun din ang pangalan nang isa sa mga paboritong kabayo ni senyorito Aled. Yung isa naman, si Cassiopeia."

"Talaga? Aba. Talagang kapangalan ko pa pala ang kabayo nya." Natatawang sabi nya. "Ano pa ba ang mga hilig nya?" She find herself interested in Aled's lifestyle.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon