Chapter 14.

112K 1.5K 15
                                    

Aled won that night. They went home right away at alam ni Sandy na kung hindi man ito galit ay hindi ito natuwa sa ginawa nyang biglang pagsulpot sa lugar na iyon.

Wala silang imikan sa kotse. Ipinasya ni Sandy na ipikit na lamang ang mga mata upang makapag relax at isinandal ang likod sa upuan. Ayaw nyang sya ang unang magsalita between them.

Hanggang sa marating na nila ang mansion ay hindi pa rin ito nagsasalita. Natatakot na talaga si Sandy. Baka mas malala ang magiging pag-aaway nila nito. Hinila sya nito at hinawakan ang kamay nya nang mahigpit. Sabay silang umakyat at pumasok rin ito sa kwarto nya.

Pinaupo sya nito sa kama nya bago ito nagsalita. "I'm sorry kung hindi ko nabanggit sa'yo ang pagkakarera ko. You see, hindi kasi talaga ako sanay nang nagpapa alam eh. I'm independent." Pagpapaliwanag nito.

Tumango si Snady. "I-I understand. Pasensya na rin. I think lumalagpas na ako sa limit. Nag-alala lang talaga ako."

Tumabi sa kanya ang lalaki. "No. Nabuhay ako nang walang nakekealam sa akin. Walang nag babawal. Walang nag-uutos. But then, asawa na kita Cassandra. I think I should be more responsible." Nakayukong sabi nito.

Natuwa si Sandy sa sinabi nito. "G-gusto ko lang naman maging normal tayo eh. Nag-aalala ako sayo kasi.. kasi gusto na kita." Walang gatol na sabi nya. Hindi nya alam kung bakit 'gusto' ang nasabi nya, imbes na 'mahal'.

Agad na napalingon ang lalaki sa asawa. "What?"

Hindi na nagsalita ang babae, Ito naman ang tila nahiya at yumuko. Tila masasaktan lang sya sa isasagot nito.

"G-gusto mo na ako?" Ulit nang lalaki at itinuro ang sarili.

Tumango lang si Sandy. "I'm sorry."

Mahinang tumawa si Aled. Tila musika iyon sa pandinig ni Sandy. Ito ang unang beses na narinig nya itong tumawa, ang nakakalungkot lang ay ang inamin nya pa ang pinagtatawanan nito.

Tumayo na si Aled. "You know what? I think we should sleep now, baby." Hinila nito ang kamay ni Sandy at pinatayo ito. "Magbibihis lang ako, then I'll be back. I'll be sleeping here." Malapad ang ngiti nito bago lumabas.

Si Sandy naman ay hindi pa rin agad makagalaw mula sa kinatatayuan. Bakit sa kwarto nya ito matutulog? Kinilig sya sa isip. Agad syang nagpalit nang damit, nag hilamos at humiga na. Ilaw lamang nang lamp shade ang naka bukas.

Hinintay nya ang asawa ngunit tila napaka tagal nito. Hanggang sa hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya kaka hintay dito.

Bandang alas kwatro ay naalimpungatan sya. Bigla syang nakaramdam nang bigat sa kanyang hita. Paglingon nya ay nakita nyang naka yakap sa kanya si Aled. Naka dantay ang hita nito sa kanya at payapa itong natutulog habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg nya.

Naka puti na sando lang ito at puti rin na pajama. Amoy sabon ito. Marahil ay naligo pa ito bago pumunta sa kwarto nya kaya ito natagalan.

Nang gumalaw ito ay tila lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. Napangiti si Sandy. Ngayon, alam nyang mayroon nang epesyal na namamagitan sa kanila ni Aled kahit pa sabihin na wala itong nararamdaman sa kanya.

Masaya na sya na nayayakap nya ito at hindi sila nag aaway. Sapat na sa kanya na makita ito araw araw at ang makita at marinig ang ngiti at tawa nito. Wala na syang mahihiling pa.

----------------------------

Halos maiyak sa saya si Donya Lyn nang marinig nya ang malutong na halakhak nang anak na si Aled at ang asawa nito na si Sandy. Maski si Don Renato ay napangiti. Iyon ang narinig nila pagkatapak na pagkatapak pa lamang nila sa mansion. Galing sila nang Malaysia, isang business conference ang kanilang pinuntahan at sinabay na rin nila ang kanilang pagbabakasyon.

Isang lingo silang nawala at hindi nila akalain na sa loob nang isang lingo ay maraming magbabago sa unico hijo nila. Agad nilang sinilip ang mag-asawa na nasa gilid nang pool at nagkekwentuhan.

Nakangiting nagkatinginan ang Don at Donya sa nakita. Kitang kita nila ang kislap sa mata ni Aled. Tila napaka attentive nito sa pagkekwento ni Sandy at kapag kuwan ay tatawa ang dalawa.

"Naku Senyora, Senyor. Madalas na ho naming naririnig si Senyorito na tumatawa. Hindi na rin ho sya nagsusungit at palaging naka buntot kay Senyorita Cassandra." Masayang balita ni Lisa sa bagong dating na amo.

"I can see that, Lisa. My God, halos hindi ko na matandaan kung kalian ko huling nasaksihan na tumawa o ngumiti man lang si Aled. But with Sandy, walang effort nyang napapa tawa si Aled." Sang-ayon nang Donya.

"I can see na tama ang pagpili ni papa kay Sandy. Hindi sya nagkamali, she's a blessing, sweetheart." Sabi naman ni Don Renato.

Tumango si Lisa. "Tsaka Senyora, ang sweet nilang dalawa palagi. Hay. Kung nakita nyo lang. Parang ayaw nang bitawan ni Senyorito si Senyorita."

"Really? My God. Nakakatuwa naman ang dalawang iyan. I can see the sparkle in his eyes habang tumitingin sya kay Sandy." Sabi pa nang Donya.

"Mommy Lyn?" Ang tinig na iyon ni Sandy ang tumawag sa atensyon nang mag-asawa. Umalis na si Lisa. "Mommy Lyn, Ikaw nga! Naka-uwi na ho pala kayo ni Daddy. Kamusta ho ang trip?" Masiglang nakipag beso sa mag-asawa si Sandy. Si Aled naman ay nakatayo lang sa isang tabi.

"It's great hija." Malapad ang ngiti nang Donya. Sinulyapan lang nito si Aled na halos hindi man lang matapunan nang tingin ang ina. "M-may pasalubong kami sa inyo nang daddy nyo, pati na rin sa mama at mga kapatid mo."

"T-talaga ho? Naku salamat mommy. Nag-abala pa ho kayo." Natutuwang sabi ni Sandy. Liningon nito si Aled. Hindi ito lumapit sa ina.

"I have to go somewhere. See you later baby." Imbes ay sabi ni Aled na kay Sandy lang nakatingin bago dirediretsong umalis. Hindi na ito napigilan ni Sandy.

"Ah, m-mommy pagpasensyahan nyo na si Aled.." Paghingi nya nang paumanhin sa babae.

Si Renato naman ay wala ring nagawa. "He's been like that to us since time we don't remember, so sanay na kami." Umupo ito sa sofa at imbes ay nagbuklat nang news paper.

Isang bagay pa rin na hindi naoopen sa kanya ni Aled ay kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa mga magulang nito. Natatakot naman syang magtanong noon dahil baka mawala lang ito sa mood at magalit sa kanya. Lalo na at ilang araw na lang at birthday na nito.

Pero nang araw na iyon ay determinado na syang tanungin ito. Magalit man ito ay kakayanin nya na. Gusto nyang magka ayos ang mga ito. Halatang nasasaktan ang mag-asawa na ginagawang pangbabalewala sa kanila nang nag-iisang anak.

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon