Chapter 31 - He loves me, He loves me not?

106K 1.2K 47
                                    

"Did you really do this?" Gulat na tanong ni Sandy kay Aled.

Hindi naman sya nagtagal sa hospital. Wala naman syang baling buto, just some scars on her head, face and feet. Nalaman nya na lang na nag organize ng 3 days tour ang student council. Hindi mandatory pero alam nya na mga mapepera at mga mahilig sa good time ang mga studyante roon ay sasama ang mga ito.

Depende sa course ang destination. Journalism ang kinukuha nya at ang pagkakaalam nya ay sa Paris France ang tour nila kasama ang mga multimedia arts at fine arts. Nagulat sya ng sabihin ni Aled na sa kanya sya sasama. Sa New York naman ang mga Business related course.

Gusto nya sana sa Paris France. it's been her dream to come there.

"Yeah. You need some rest bago tuluyang bumalik ang sigla mo sa pagpasok sa klase." Sabi nito.

Kasalukuyan silang nasa kwarto ng lalaki. Nag eempake ito ng mga damit nito.

Would you believe that? Ito mismo ang nag eempake.

Ang sabi nila Aileen, hindi ito nag eempake ng damit nito kapag pumupunta ito sa iba'ng bansa dahil hindi talaga ito nagdadala ng damit. Just some og his personal belongings. Doon na daw kasi ito bumibili mismo.

"Sabi nila Aileen, hindi ka naman daw nagdadala ng damit kapag pumupunta ka ng iba'ng bansa." Sabi nya. Naka dapa sya sa kama nito while watching him. Naka conecentrate ito sa pag eempake.

"Before." Tipid na sagot nito.

"Why not now?"

Itinigil nito ang pag eempake at humarap sa kanya. "Those were the days na pagliliwaliw ang ipinunta ko doon. But now, tour ito. Isa pa, i- i need to be beside you always." Umiwas ang mga mata nito ng sabihin na nito ang mga huling kataga.

Napangiti sya. Tumayo sya at yinakap ito sa likod.

Tila na estatwa si Aled.

"Naalala mo ba nung first time na yinakap kita tapos sinisigawan mo ako na bitiwan kita?" Nakangiti na tanong nya habang nakahilig sa likod nito.

"Y-yeah.. why are you telling me that now..?" Napalunok si Aled.

Bumitiw na sya. "Wala lang. Ang cute mo noon eh." Patalon syang lumapit sa may pinto. "See you mamaya. Mag eempake na rin ako." Kumaway sya bago lumabas sa kwarto nito.

Muling bumalik ang madaming tanong sa isip ni Sandy ng mapag isa na sya sa kwarto nya. Sino ang lalaking kumarga sa kanya when they were rescuing her?

Malaki ang posibilidad na si Aled, but she can feel na ibang tao iyon. Hindi nya maintindihan. Possible kaya na isa sa mga goons ng asawa nya? NGEK. >.<

Ipinilig nya na lang ang ulo at kumuha ng maleta sa walk in cabinet nya. Jusko. Hindi pa rin talaga sya nasasanay sa walk in closet nya. Parang palaging may bago. May limang maleta na naka hilera sa bandang kaliwa, sa ilalim ng mga naka hanger na pang taas nya na wala pa yata sa 25 percent ang naisusuot nya.

Kung hindi kasi kumplikado ang style, medyo revealing o sexy ay mukha pa rin pang alis kaya yung mga pang bahay nya na lang mula pa noon ang sinususot nya. Bukod sa kumportable sya ay wala namang ibang nakakakita para mag pustoryosa sya.

Pinili nya ang maleta na may zebra print at inilapag sa kama. Namili sya ng ilang may kapakalan na damit. Ilang sandali pa ay tinawag nya na sila Aileen para matulungan sya.






"Daddy, what is that bastard talking about? My God. Nakaka high blood." Inis na inis na pinuntahan ni Dychie ang daddy nya kinabukasan.

Nagkita sila nito sa restaurant na nasa may lobby lang din ng condo na tinitirahan nya.

"I'm sorry, darling. He's my business partner, and let me apologize for whatever harmful words he said to you."

"And.. bakit nga pala nagulat sya na may anak ka? i thought, alam ng mga kaibigan, kakilala o associates mo na may anak ka?" Gusto nya talagang magdamdam dito but she's reasonable enough para hayaan muna ito'ng magpaliwanag.

"M-maybe it just slipped my mind. I'm sorry. Let's just eat, now, okay? I'm already starving." Roberto just tried to smile and started eating.



FLASHBACK NG NAGING PAG UUSAP NILA NI PRINCE.

"What is the meaning of this? Are you fucking kidding me?" Hindi maitatago ang tila nais na sumabog na nararamdaman ni Prince ng makaalis na si Dychie.

"Alright, alright. I'm sorry. H-hindi ko sinabi na may anak ako. She's my daughter from an ex of mine. Ten years ago na mula ng malaman ko na may anak ako.."

"And now what? Ginagago mo ba ako? I gave myself completely to Chiamera knowing na wala kang anak!" He's shouting.

Nanatiling kalmado si Roberto. "You gave yourself completely because you love Cassandra Roxas, Prince." Pagtatama nito.

Lumambot ang expression ng mukha nito.

"L-let's treat this as if hindi sagabal si Dychie sa kung ano man ang magiging future ng Chiamera. I-i kept my bargain. I never touched Cassandra, and i never will. Wala ka ng maririnig sa akin na plano para sa Clandestine. I have given it all up."

Nangunot ang noo ni Prince. "What were you now, the noble Roberto Santillan?" He's mocking him, he knows.

"I have a cancer, Prince. Nalaman ko lang recently." Amin nya rito.


Hindi alam ni Roberto kung ano ang plano ni Prince. Sa Chiamera at lalo na ang existence ng anak nya. He knows that Prince despices him, pero hindi maiialis ang katotohanan na mabuting tao pa rin ito. Sya lang naman ang nagtulak upang maging masama ito in the first place.


----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Where stories live. Discover now